菜單

May 10, 2019

35. Bakit hahayaan ng Diyos na mapahamak ang mga tumatangging tanggapin ang Makapangyarihang Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Ang lahat ng Aking iniibig ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at ang lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang walang hanggan. Sapagka’t ako’y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa. Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!

mula sa “Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ako ang magpapasya sa magiging hantungan ng bawat tao, hindi base sa edad, mataas na katungkulan, laki ng paghihirap, at lalong hindi ang antas ng kahirapan; ngunit sa kung sila ay nagtataglay nang katotohanan.

May 9, 2019

Koro ng Ebanghelyo Ika-13 PagganapBagong Langit at Bagong Lupa


Bagong Langit at Bagong Lupa | Koro ng Ebanghelyo


Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos

I
Ngayon, sa tuwa, kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos
ay lumalaganap sa sansinukob at dinadakila sa gitna ng lahat ng sangkatauhan.
Siyudad ng kalangita’y tumatawa, sumasayaw kaharian sa lupa.
Sinong di magagalak? Sinong di maluluha?
Mga tao'y walang alitan; hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.

May 8, 2019

Pag-bigkas ng Diyos | Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos



Gaano mo ba kamahal ang Diyos sa kasalukuyan? At gaano ba ang iyong nalalaman ukol sa lahat ng ginawa ng Diyos sa iyo? Ito ang mga bagay ba dapat mong matutunan. Nang ang Diyos ay dumating sa lupa, ang lahat ng Kanyang ginawa sa tao at itinulot na makita ng tao ay upang ibigin Siya ng tao at makilala Siya nang tunay. Na nagagawa ng tao na magdusa para sa Diyos at nagawang makarating ng ganito kalayo ay, sa isang banda, dahil sa pag-ibig ng Diyos, at sa isa pang banda, ay dahil sa pagliligtas ng Diyos; higit sa rito, ito ay dahil sa gawain ng paghatol at pagkastigo na ipinatupad ng Diyos sa tao. Kung kayo ay walang paghatol, pagkastigo, at mga pagsubok ng Diyos, at kung hindi kayo pinagdusa ng Diyos, kung gayon, sa totoo lamang, hindi ninyo tunay na iniibig ang Diyos. Habang lalong lumalaki ang gawain ng Diyos sa tao, at habang lalong lumalaki ang pagdurusa ng tao, lalong mas nagagawa nitong ipakita kung gaano makahulugan ang gawain ng Diyos, at lalong mas nagagawa ng puso ng tao na tunay na ibigin ang Diyos.

May 7, 2019

Tagalog Christian Songs | Ang Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat


Tagalog Christian SongsAng Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat 


I
Ang Diyos ay nagbibigay ng
mga pangangailangan ng lahat ng tao,
sa bawat lugar, sa lahat ng oras.
Pinagmamasdan Niya’ng lahat ng kanilang iniisip,
kung paano dumaan sa pagbabago ang kanilang mga puso.
At binibigyan Niya sila ng kaginhawaan na kailangan nila,
pinasisigla at ginagabayan sila.
Para sa isang nagmamahal na sa Kanya,
para sa isang sumusunod,
walang ipagkakait ang Diyos,
lahat ng Kanyang pagpapala ay ilalahad.
Nagbibigay Siya ng biyaya sa kanilang lahat,
at ang Kanyang awa ay dumadaloy nang malawak.
Anong nasa Kaniya at kung ano Siya,
nagbibigay Siya nang walang pasubali.

May 6, 2019

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalawang Bahagi)"


Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalawang Bahagi)"


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Bagaman Nakatago ang Galit ng Diyos at Nakalihim sa Tao, Hindi Nito Kinukunsinti ang Pagkakasala
Ang Galit ng Diyos ay Isang Pananggalang sa Lahat ng Makatarungang mga Puwersa at Lahat ng Positibong mga Bagay
Bagaman si Satanas ay Mukhang Makatao, Makatarungan at Mabuti, Ito ay Malupit at Masama sa Diwa
Hindi Dapat Umasa ang Tao sa Karanasan at Imahinasyon upang Malaman ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Manood ng higit pa:Ano ang kalooban ng Diyos

May 5, 2019

Tagalog Gospel Songs | Ang Layunin ng Pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga Huling Araw



Tagalog Gospel SongsAng Layunin ng Pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga Huling Araw


I
Sa mga huling araw, ang Diyos ay naging tao
para gawin ang gawaing dapat Niyang gawin,
at gampanan ang Kanyang ministeryo ng salita.
Personal Siyang gumagawa sa piling ng tao,
dahil mithiin Niyang gawin silang perpekto
ang lahat ng kaayon ng Kanyang puso.
Mula sa paglikha hanggang ngayon,
nitong mga huling araw lang
nagkatawang-tao ang Diyos para gawin
ang napakalawak na gawain.
Pinagdurusahan Niya ang di matiis ng tao,
ngunit gawain Niya’y hindi naaantala kailanman,
kahit mapagkumbaba Siyang naging ordinaryong tao.

May 4, 2019

"Paggising Mula sa Panaginip" (Clips 1/4) Ang Kaharian ba ng Diyos ay nasa Langit o nasa Lupa?


"Paggising Mula sa Panaginip" (Clips 1/4) Ang Kaharian ba ng Diyos ay nasa Langit o nasa Lupa?


Maraming mga nananampalataya sa Panginoong Jesus ang naghihintay na madala sa kaharian ng langit, pero alam mo ba kung nasaan talaga ang kaharian ng langit?  Alam mo ba ang tunay na kahulugan ng pagdadala?  Ang pelikulang ito ng “Paggising Mula sa Panaginip”, ay magbubunyag sa mga misteryo ng pagdadala para sa ‘yo!