菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na galit ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na galit ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

May 10, 2019

35. Bakit hahayaan ng Diyos na mapahamak ang mga tumatangging tanggapin ang Makapangyarihang Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Ang lahat ng Aking iniibig ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at ang lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang walang hanggan. Sapagka’t ako’y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa. Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!

mula sa “Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ako ang magpapasya sa magiging hantungan ng bawat tao, hindi base sa edad, mataas na katungkulan, laki ng paghihirap, at lalong hindi ang antas ng kahirapan; ngunit sa kung sila ay nagtataglay nang katotohanan.

May 9, 2019

Koro ng Ebanghelyo Ika-13 PagganapBagong Langit at Bagong Lupa


Bagong Langit at Bagong Lupa | Koro ng Ebanghelyo


Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos

I
Ngayon, sa tuwa, kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos
ay lumalaganap sa sansinukob at dinadakila sa gitna ng lahat ng sangkatauhan.
Siyudad ng kalangita’y tumatawa, sumasayaw kaharian sa lupa.
Sinong di magagalak? Sinong di maluluha?
Mga tao'y walang alitan; hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.