菜單

May 10, 2019

35. Bakit hahayaan ng Diyos na mapahamak ang mga tumatangging tanggapin ang Makapangyarihang Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Ang lahat ng Aking iniibig ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at ang lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang walang hanggan. Sapagka’t ako’y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa. Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!

mula sa “Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ako ang magpapasya sa magiging hantungan ng bawat tao, hindi base sa edad, mataas na katungkulan, laki ng paghihirap, at lalong hindi ang antas ng kahirapan; ngunit sa kung sila ay nagtataglay nang katotohanan. Wala ng iba pang pagpipilian kundi ito lamang. Dapat mapagtanto ninyo na ang lahat ng hindi susunod sa kalooban ng Diyos ay maparurusahan. Ito ay hindi nababagong katotohanan. Samakatuwid, yaong mga naparusahan ay pinarusahan para sa pagkamatuwid ng Diyos at bilang pagganti sa kanilang masasamang gawain. …

Ang Aking awa ay para sa mga nagmamahal sa Akin at ikinakaila ang kanilang mga sarili. Ang kaparusahan na dala para sa mga makasalanan ay katunayan ng Aking matuwid na disposisyon at marami pang iba, patotoo sa Aking matinding poot. Sa pagdating ng sakuna; tag-gutom at salot ay sasapit sa mga taong tumututol sa Akin at sila ay mag-iiyakan. Yaong mga nakagawa ng lahat ng klase ng kasamaan sa mahabang panahon bilang Aking tagasunod ay hindi dapat walang kasalanan; sila rin ay mabubuhay sa patuloy na estado ng takot sa gitna ng sakuna na bahagyang nakita sa nakaraan. Ang mga tagasunod Ko lamang na naging matapat sa Akin ang magagalak at magbibigay papuri sa Aking kapangyarihan. Mararanasan nila ang hindi maipahayag na kaligayahan at ang mamuhay sa kagalakan na kailanman hindi Ko pa naipagkakaloob sa sangkatauhan.

mula sa “Dapat Gumawa Ka nang Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa naitalang ito na kuwento ni Noe, may nakikita ba kayong bahagi ng disposisyon ng Diyos? May hangganan ang pagpapasensiya ng Diyos para sa katiwalian, karumihan at karahasan ng tao. Kapag umabot Siya sa hangganang iyon, hindi na Siya magiging mapagpasensiya at sa halip ay sisimulan na ang Kanyang bagong pamamahala at bagong plano, sisimulan nang gawin ang dapat Niyang gawin, ibunyag ang Kanyang mga gawa at ang kabilang bahagi ng Kanyang disposisyon. Ang pagkilos Niyang ito ay hindi upang ipakita na hindi Siya dapat saktan kailanman ng tao o ipakita na Siya ay puno ng awtoridad at poot, at hindi upang ipakita na kaya Niyang lipulin ang sangkatauhan. Ito ay dahil ang Kanyang disposisyon at ang Kanyang banal na diwa ay hindi na pinahihintulutan, ubos na ang pasensiya para sa ganitong uri ng sangkatauhan na mabuhay sa Kanyang harapan, mabuhay sa ilalim ng Kanyang dominyon. Ang ibig sabihin, kapag ang buong sangkatauhan ay laban sa Kanya, kapag wala Siyang maaaring iligtas sa buong mundo, wala na Siyang pasensiya para sa ganitong uri ng sangkatauhan, at isasagawa nang walang anumang pag-aalinlangan ang Kanyang plano-ang lipulin ang ganitong uri ng sangkatauhan. Ang ganitong kilos ng Diyos ay itinakda ng Kanyang disposisyon. Ito ay isang hindi maiiwasang kahihinatnan, at isang kahihinatnan na dapat tiisin ng bawat nilikha sa ilalim ng dominyon ng Diyos.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ngayon, hindi lamang Ako bumababa sa bansa ng malaking pulang dragon, ibinabaling Ko rin ang Aking mukha sa buong sansinukob, upang manginig ang buong pinakamataas na langit. Mayroon bang kaisa-isang lugar na hindi sumasailalim sa Aking paghatol? Mayroon bang kaisa-isang lugar na hindi umiiral sa ilalim ng mga hagupit na Ako ang naghahagis? Saanman Ako pumunta nagpakalat Ako ng lahat ng uri ng mga binhi ng sakuna. Isa ito sa mga paraan kung saan Ako ay gumagawa, at ito ay walang duda na isang gawa ng pagliligtas sa tao, at kung ano ang ipinaaabot Ko sa kanya ay isang uri pa rin ng pag-ibig. Nais Kong magkaroon ng mas maraming tao na pumupunta upang makilala Ako, upang makita Ako, at sa ganitong paraan igagalang ang Diyos na hindi nila nakita nang maraming taon ngunit, sa ngayon, ay tunay. Sa anong dahilan Ko nilikha ang mundo? Sa anong dahilan, nang ang sangkatauhan ay naging masama, hindi Ko sila tuluyang winasak? Sa anong dahilan na ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng mga hagupit? Sa anong dahilan na Ako Mismo ay nagsa-katawang-tao? Kapag Ako ay gumaganap ng Aking gawain, alam ng sangkatauhan ang lasa hindi lamang ng mapait ngunit pati rin ng matamis.

mula sa “Ang Ikasampung Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Pagbabahagi ng Tao:

Ang bahagi ng salita ng Diyos na ating binasa lang ay nagsasabi na iyong mga hindi nakaranas ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay hindi alam ang ibig sabihin ng tumutol sa Diyos. Kaya hindi matatandaan ng Diyos ang kanilang pagtutol sa Kanya. Maipaliliwanag ito sa pamamagitan ng kasabihan ng tao, “Hindi dapat kondenahin yaong mga hindi nakakaalam.” Ngayon, maaaring sabihin ng isang tao, “Ayon sa kasasabi mo lang, ang mga relihiyosong tao ay hindi makokondena kahit gaano pa sila tumutol sa Diyos?” Makatuturan ba ito? (Hindi, hindi ito makatuturan.) Bakit hindi ito makatuturan? Dapat batay ito sa kung ano ang kanilang ginawa. Kung alam nila na ito ang katotohanan na ipinahayag ng Diyos at iyon ay gawain ng Diyos, subalit sila’y kumokondena pa rin, ito ay hindi isang halimbawa ng “yaong mga hindi nakakaalam ay hindi dapat kondenahin.” Kinilala ba ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus? Hindi nila Siya kinilala, ngunit alam nila na ang sinabi ng Panginoong Jesus ay ang katotohanan, na ito’y may awtoridad at may kapangyarihan. Gayun pa man, Siya’y ipinako pa rin nila sa krus. Kaya sila nakondena. Kung hindi ninyo alam kung Siya ba’y Diyos o hindi, bakit ninyo Siya kinondena nang todo? Lubos mo bang inibestigahan ang sitwasyon kung kinokondena mo ang gawain ng Diyos sa ganitong paraan? Anong ebidensiya ang mayroon ka para sa iyong pagkokondena? Kailangang mayroon kang mga makatwirang dahilan para gawin iyon. Kung wala kang mga makatwirang dahilan at ikaw ay basta-bastang kumokondena, ito ay pagkakasala sa Diyos! Ito ay ang Diyos na nagpapakita para gawin ang gawain. Lakas-loob mo ba Siyang kinokondena? Kung basta-basta mo siyang kinokondena, magbabayad ka, dahil hindi ka basta-bastang kumokondena ng tao, kinokondena mo ang gawain ng Diyos. Samakatuwid, sa relihiyosong mundo, kung may isang tao na nakakaalam na ito ang katotohanan, subalit sadya pa rin silang kumokondena at tumututol, sila’y makokondena pa rin. Hindi ka makokondena kung hindi mo tinatanggap ang tunay na daan at hindi mo kinikilala ang Diyos dahil sa iyong mga sariling paniwala. Kapag dumating ang panahon, ilalagay ka sa sakuna para mapino. Magdudulot sa iyo ang sakuna para maghanap at mag-imbestiga. Ang malaking sakuna ay paparating na. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay isinapubliko na sa Internet para malaman ng bawat isa kung ano ang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Malalaman ng bawat isa ang tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Matapos nilang malaman, darating ang sakuna. Matapos itong dumating, magninilay-nilay ka! Kung bigla kang magising sa gitna na sakuna at sumigaw, “Ang Makapangyarihang Diyos ay ang tunay na Diyos. Aking tinatanggap!” Ipawawalang-sala ka ng Diyos mula sa iyong mortal na kasalanan. Kung hindi ka pa rin maghahanap, mag-iibestiga o tatanggap sa kalagitnaan ng sakuna, sa huli ikaw ay mapaparusahan. Walang duda, makikita mo ang kamatayan! …

Ngayon, ang pagsasaksing gawain ng pamilya ng Diyos ay talagang tumaas nang todo. Matatapos na ito agad-agad. Kapag naabot nito ang tugatog, ang malaking sakuna ay magsisimulang bumaba. Matapos nitong bumaba, ang lahat ng bagay ay dedepende sa kung paano ang mga tao maghahanap at mag-iimbestiga sa kalagitnaan ng sakuna. Yaong mga tunay na kayang matanggap ang gawain ng Diyos sa kalagitnaan ng sakuna ay maliligtas. Yaong mga hindi tumanggap sa kalagitnaan ng sakuna ay walang duda na makikita ang kamatayan. Talagang mamamatay sila sa sakuna!

mula sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay