菜單

May 7, 2019

Tagalog Christian Songs | Ang Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat


Tagalog Christian SongsAng Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat 


I
Ang Diyos ay nagbibigay ng
mga pangangailangan ng lahat ng tao,
sa bawat lugar, sa lahat ng oras.
Pinagmamasdan Niya’ng lahat ng kanilang iniisip,
kung paano dumaan sa pagbabago ang kanilang mga puso.
At binibigyan Niya sila ng kaginhawaan na kailangan nila,
pinasisigla at ginagabayan sila.
Para sa isang nagmamahal na sa Kanya,
para sa isang sumusunod,
walang ipagkakait ang Diyos,
lahat ng Kanyang pagpapala ay ilalahad.
Nagbibigay Siya ng biyaya sa kanilang lahat,
at ang Kanyang awa ay dumadaloy nang malawak.
Anong nasa Kaniya at kung ano Siya,
nagbibigay Siya nang walang pasubali.

May 6, 2019

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalawang Bahagi)"


Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalawang Bahagi)"


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Bagaman Nakatago ang Galit ng Diyos at Nakalihim sa Tao, Hindi Nito Kinukunsinti ang Pagkakasala
Ang Galit ng Diyos ay Isang Pananggalang sa Lahat ng Makatarungang mga Puwersa at Lahat ng Positibong mga Bagay
Bagaman si Satanas ay Mukhang Makatao, Makatarungan at Mabuti, Ito ay Malupit at Masama sa Diwa
Hindi Dapat Umasa ang Tao sa Karanasan at Imahinasyon upang Malaman ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Manood ng higit pa:Ano ang kalooban ng Diyos

May 5, 2019

Tagalog Gospel Songs | Ang Layunin ng Pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga Huling Araw



Tagalog Gospel SongsAng Layunin ng Pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga Huling Araw


I
Sa mga huling araw, ang Diyos ay naging tao
para gawin ang gawaing dapat Niyang gawin,
at gampanan ang Kanyang ministeryo ng salita.
Personal Siyang gumagawa sa piling ng tao,
dahil mithiin Niyang gawin silang perpekto
ang lahat ng kaayon ng Kanyang puso.
Mula sa paglikha hanggang ngayon,
nitong mga huling araw lang
nagkatawang-tao ang Diyos para gawin
ang napakalawak na gawain.
Pinagdurusahan Niya ang di matiis ng tao,
ngunit gawain Niya’y hindi naaantala kailanman,
kahit mapagkumbaba Siyang naging ordinaryong tao.

May 4, 2019

"Paggising Mula sa Panaginip" (Clips 1/4) Ang Kaharian ba ng Diyos ay nasa Langit o nasa Lupa?


"Paggising Mula sa Panaginip" (Clips 1/4) Ang Kaharian ba ng Diyos ay nasa Langit o nasa Lupa?


Maraming mga nananampalataya sa Panginoong Jesus ang naghihintay na madala sa kaharian ng langit, pero alam mo ba kung nasaan talaga ang kaharian ng langit?  Alam mo ba ang tunay na kahulugan ng pagdadala?  Ang pelikulang ito ng “Paggising Mula sa Panaginip”, ay magbubunyag sa mga misteryo ng pagdadala para sa ‘yo!

May 3, 2019

Tagalog Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Trailer)



Salita ng Buhay "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Trailer)


Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang, humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba. Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?

May 2, 2019

Salita ng Buhay | "Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao"



Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "ang mga taong nilikha Ko ay mga banal na tao na taglay ang Aking larawan at Aking luwalhati. Hindi sila pag-aari ni Satanas, ni sakop sila ng pagyurak nito, kundi Aking kahayagan lamang, malaya sa katiting na bahid ng lason ni Satanas. At gayon nga, hinahayaan Ko ang sangkatauhan na malaman na ang tanging nais Ko ay yaong nilikha ng Aking kamay, ang mga banal na Aking minamahal at hindi pag-aari ng iba pang kalikhaan. Bukod diyan, masisiyahan Ako sa kanila at ituturing silang Aking luwalhati. Datapwa’t, ang nais Ko ay Hindi ang sangkatauhan na nagawang masama ni Satanas, na pag-aari ni Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal na likha. Dahil layunin Kong angkining muli ang Aking luwalhati na umiiral sa mundo ng tao, kakamtin Ko ang ganap na paglupig sa mga natitirang nakaligtas sa gitna ng sangkatauhan, bilang patunay ng Aking luwalhati sa pagtalo kay Satanas. Tanging ang Aking patotoo ang tinatanggap Ko bilang pagliliwanag ng Aking sarili, bilang layon ng Aking kasiyahan. Ito ang Aking kalooban."

Manood ng higit pa:Ano ang kalooban ng Diyos

Abr 30, 2019

Bakit nagiging relihiyon ang mga iglesia?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Bakit sinasabi na lipas na sa panahon ang mga pagsasagawa ng mga nasa relihiyosong simbahan? Ito ay dahil ang kanilang isinasagawa ay hiwalay mula sa mga gawain ngayon. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang kanilang isinasagawa ay tama, nguni’t habang lumilipas ang panahon at nagbabago ang gawain ng Diyos, ang mga pagsasagawa nila ay unti-unti na ring nilipasan ng panahon. Ito ay naiwan ng bagong gawain at ng bagong liwanag. Batay sa taal nitong saligan, ang gawain ng Banal na Espiritu ay sumulong ng maraming hakbang na palalim. Nguni’t ang mga taong yaon ay nananatili pa ring nakadikit sa taal na yugto ng gawain ng Diyos, at kumakapit pa rin sa mga lumang pagsasagawa at sa lumang liwanag. Maaaring magbago nang malaki ang gawain ng Diyos sa paglipas ng tatlo o limang taon, kaya hindi ba’t mas malaki pang mga pagbabago ang mangyayari sa loob ng 2,000 na taon? … Sapagka’t yaong mga dati ay kumapit sa kautusan ni Jehova, at yaong mga nagdusa dahil sa krus, kung hindi nila matatanggap ang yugto ng gawain sa mga huling araw, kung gayon ang lahat ng kanilang ginawa ay mawawalan ng saysay, at walang kabuluhan.