Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Bakit sinasabi na lipas na sa panahon ang mga pagsasagawa ng mga nasa relihiyosong simbahan? Ito ay dahil ang kanilang isinasagawa ay hiwalay mula sa mga gawain ngayon. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang kanilang isinasagawa ay tama, nguni’t habang lumilipas ang panahon at nagbabago ang gawain ng Diyos, ang mga pagsasagawa nila ay unti-unti na ring nilipasan ng panahon. Ito ay naiwan ng bagong gawain at ng bagong liwanag. Batay sa taal nitong saligan, ang gawain ng Banal na Espiritu ay sumulong ng maraming hakbang na palalim. Nguni’t ang mga taong yaon ay nananatili pa ring nakadikit sa taal na yugto ng gawain ng Diyos, at kumakapit pa rin sa mga lumang pagsasagawa at sa lumang liwanag. Maaaring magbago nang malaki ang gawain ng Diyos sa paglipas ng tatlo o limang taon, kaya hindi ba’t mas malaki pang mga pagbabago ang mangyayari sa loob ng 2,000 na taon? … Sapagka’t yaong mga dati ay kumapit sa kautusan ni Jehova, at yaong mga nagdusa dahil sa krus, kung hindi nila matatanggap ang yugto ng gawain sa mga huling araw, kung gayon ang lahat ng kanilang ginawa ay mawawalan ng saysay, at walang kabuluhan.
Ang pinakamalinaw na pagpapahayag ng gawain ng Banal na Espiritu ay ang pagyakap sa ngayon, at hindi kumakapit sa nakaraan. Ang mga hindi nakasunod sa gawain ng ngayon, at ang mga humiwalay mula sa pagsasagawa ng ngayon, ay ang mga lumalaban at hindi tumatanggap sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong iyon ay sumasalungat sa kasalukuyang gawain ng Diyos. Kahit na sila ay kumakapit sa liwanag ng nakaraan, ito ay hindi nangangahulugang maaaring itanggi na hindi nila alam ang gawain ng Banal na Espiritu. … Yaong mga nasa labas ng agos ng Banal na Espiritu ay laging nag-iisip na sila ay tama, nguni’t sa katunayan, ang gawain ng Diyos sa kanila ay matagal nang tumigil, at ang gawain ng Banal na Espiritu ay wala sa kanila. Ang gawain ng Diyos ay matagal nang inilipat sa ibang kalipunan ng mga tao, isang kalipunan kung kanino Niya hinahangad na tapusin ang Kanyang gawain. Dahil yaong mga nasa relihiyon ay walang kakayahang tanggapin ang bagong gawain ng Diyos, at nais lamang kumapit sa lumang gawain ng nakaraan, tinalikuran Niya ang mga taong ito, at ginagawa ang Kanyang bagong gawain sa mga taong tumatanggap sa bagong gawaing ito. Ang mga ito ay mga tao na siyang nakikipagtulungan sa bago Niyang gawain, at tanging sa paraang ito matutupad ang Kanyang pamamahala.
Hindi ganoon para sa mga taong hindi tumatanggap sa bagong gawain: Sila ay nasa labas ng agos ng Banal na Espiritu, at ang disiplina at pamumuna ng Banal na Espiritu ay hindi para sa kanila. Buong araw, ang mga taong ito ay namumuhay sa loob ng laman, sila ay namumuhay sa loob ng kanilang mga isipan, at ang lahat ng ginagawa nila ay ayon sa katuruang bunga ng paghihimay at pananaliksik ng kanilang sariling mga utak. Hindi ito ang mga kinakailangan ng bagong gawain ng Banal na Espiritu, at lalong hindi rin ito pakikipagtulungan sa Diyos. Yaong mga hindi tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos ay walang presensiya ng Diyos, at, higit sa lahat, salat sa mga pagpapala at pag-iingat ng Diyos. Ang karamihan sa kanilang mga salita at mga pagkilos ay nakaayon sa mga nakalipas na mga kinakailangan ng gawain ng Banal na Espiritu; ang mga ito ay katuruan at hindi katotohanan. Ang gayong katuruan at alituntunin ay sapat na upang patunayan na ang nag-iisang bagay na nagtitipon sa kanila ay relihiyon; hindi sila ang mga napili, o ang mga pinag-uukulan ng gawain ng Diyos. Ang pagtitipon nilang lahat na magkakasama ay matatawag lamang na maringal na kongreso ng relihiyon, at hindi matatawag na iglesia. Ito ay isang katunayan na hindi mababago. Wala sa kanila ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; ang kanilang isinasabuhay ay relihiyon lamang, ang kanilang nararanasan ay sagana lamang sa relihiyon; hindi sila nagtataglay ng presensiya at gawain ng Banal na Espiritu, at sila ay hindi karapat-dapat na tumanggap ng disiplina at pagliliwanag mula sa Banal na Espiritu. Ang mga taong ito ay mga walang buhay na bangkay, at mga uod na walang kabanalan. Wala silang kaalaman sa pagkasuwail at paglaban ng tao, walang kaalaman sa mga masasamang gawi ng tao, wala rin silang kaalaman sa gawain at kasalukuyang kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang alam, mga hamak na tao na hindi nararapat tawaging mananampalataya!
Ang Pagbabahagi ng Tao:
Ano ang ibig sabihin natin kapag pinag-usapan natin ang tungkol sa "pagsunod sa Diyos"? Pinag-uusapan natin ang tungkol sa pagdanas sa gawain ng Diyos at pagtanggap sa katotohanan. Kung hindi ninyo tinatanggap ang katotohanan, kung hindi ninyo nararanasan ang gawain ng Diyos, sa gayon ay hindi ninyo mararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, na nangangahulugang hindi ninyo sinusunod ang Diyos. Ano ang tinatawag natin sa mga hindi sumusunod sa Diyos ngunit naniniwala sa Diyos? Tinatawag natin silang mga relihiyosong mananampalataya. Hindi ba't ito ang uri ng paniniwala ng mga taong naniniwala sa Diyos sa relihiyosong mundo? Naniniwala lamang sila sa Diyos na nasa langit, ngunit hindi sila sumusunod sa Diyos, hindi nila nararanasan ang mga gawain ng Diyos, kumakapit lang sila sa kanilang Biblia, kumakapit lang sila sa tinatawag nilang banal na kasulatan. Araw-araw, nagbabasa sila ng isang talata at nananalangin sa relihiyosong paraan, at doon lamang iyon nagtatapos. Wala itong kinalaman sa pansarili nilang buhay, sa paraan ng kanilang pamumuhay. Ginagawa lang nila ang anumang sa tingin nila ay dapat nilang gawin. Ito ang tinatawag na pagiging relihiyosong mananampalataya. Hindi nila tinatanggap ang gawain ng Diyos, ni nararanasan ang gawain ng Diyos. Kaya, ang kanilang pananampalataya ay naroon lamang upang punan ang kahungkagan sa kanilang espiritu, upang masiyahan ang kanilang naghihirap na mga puso, at upang makahanap ng ilang uri ng kabuhayan. Kaya ba ng mga taong may ganitong uri ng pananampalataya na magdala ng matunog, at magandang pagsaksi sa Diyos? Tiyak na hindi sila magsasalita ng pagpapatotoo, sapagkat hindi nila tinatalakay ang gastos, ni paggugol, ni pagsunod, ni buhay. Dahil dito, hindi sila sumasaksi. Kaya, tuwing sila ay inuusig, iilan lamang sa kanila ang kayang manindigan. Kapag nakataya ang kanilang buhay, tinatalikuran nilang lahat ang Diyos. Marahil ang iba sa inyo ay pabubulaanan ang sinabi ko, marahil sasabihin ninyo sa akin na: “Sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kautusan, hindi ba’t napakaraming mga martir?” Hindi iyon mali. Nagkaroon yaong mga martir ng gawain ng Banal na Espiritu, mga tagasunod din sila ngDiyos sa mga panahong iyon, katulad lang din natin ngayon. Hindi sila naging bahagi ng mga relihiyosong mananampalataya. Yaong mga nakaranas ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay mga taong sumunod sa Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Yaong mga nakaranas ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya ay mga taong sumunod sa Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa Kapanahunan ng Kaharian, tayong mga nakaranas ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay mga tagasunod din ng Diyos. Subalit, ngayon na ang Diyos na nagkatawang tao ng mga huling araw na personal na ginagawa ang Kanyang gawain, para sa mga mananampalataya na nasa Kapanahunan ng Biyaya pa rin at iyong mga nasa Kapanahunan ng Kautusan, ang kanilang mga paniniwala ay naging mga relihiyosong paniniwala.
Una, dapat itong maintindihan kung paano nabuo ang mga relihiyosong grupo at ano ang kaibahan sa pagitan ng iglesia at relihiyon. Kailangang-kailangan na malinaw ang mga isyung ito. Posibleng makita ito mula sa Biblia na sa panahon ng bawat yugto ng gawain ng Diyos, ang mga piniling tao ng Diyos ay pinamunuan at pinatnubayan ng mga yaong personal na itinaas at itinalaga ng Diyos. Halimbawa, noong Kapanahunan ng Kautusan, ginamit ng Diyos si Moses para direktang pamunuan ang mga tao ng Israel, at ipinaorganisa Niya kay Moises ang sistema ng saserdote. Matapos makumpleto ang gawain ni Moses, wala nang mga tao sa mundo ang direktang itinalaga ng Diyos para pamunuan ang mga Israelita. Nagsimulang ihalal ng mga tao ang mga saserdote. Ito ang kasaysayan sa paglikha ng Judiong relihiyosong grupo. Simula noon, ang sistema ng saserdote ng Judaismo ay nabuo sa pamamagitan ng mga paghahalal mula sa mga relihiyosong grupo. Kadalasan, ang mga relihiyosong grupo ay naging tiwali dahil maling saserdote ang nahalal. Noong ang nagkatawang-taong Panginoong Jesus ay nagpakita at ginawa ang gawain noong Kapanahunan ng Biyaya, ang mga relihiyosong grupo ay bumagsak hanggang sa pagtutol at pagkondena kay Cristo at pagsasalungat sa Diyos. Ito ay katunayan na maaaring masaksihan ng lahat. Noong dumating ang Panginoong Jesus sa mundo para sa Kanyang gawaing mapantubos, personal Niyang pinili ang labindalawang apostoles. Nagsimula na rin kumilos doon ang Banal na Espiritu, at kasama ng mga disipulo ng Panginoong Jesus. Sa mga panahong ito, ang pagpupulong ng mga nasa mundo na tinanggap ang gawain ng Panginoong Jesus ay tinawag na iglesia, at ito’y ganap na pinastulan ng mga tao na itinalaga ng Diyos, sa madaling salita, mga taong ginamit ng Banal na Espiritu. Sa panahong ito, nabuo ang tunay na iglesia, at ito ang pinagmulan ng iglesia. Mga tatlumpung taon matapos ang pagkamatay, pagkabuhay, at pag-akyat sa langit ng Panginoong Jesus, karamihan sa labindalawang apostoles ay naging martir, at ang iglesia sa mundo ay hindi na napastulan ng mga apostoles na direktang itinalaga ng Panginoong Jesus. Kaya nagsimulang mabuo ang iba’t-ibang uri ng mga relihiyosong grupo. Ito ang kasaysayan ng paglikha ng relihiyosong grupo noong Kapanahunan ng Biyaya. Pagkatapos, kahit pa mayroon o walang gawain ng Banal na Espiritu ang mga tao, maaari silang mag-organisa ng iglesia hangga’t kaya nilang ipaliwanang ang Biblia. Basta’t may mga iilang kaloob, may mga taong sumasang-ayon sa kanila at sumusunod sa kanila. Maaaring magtrabaho ang mga tao at mangaral kung gusto nila nang walang sinumang pipigil sa kanila, kaya nagsimulang mabuo ang iba’t-ibang mga denominasyon at sekta. Ano ang iglesia, at ano ang relihiyon? Maaari mong sabihin na iyong mga pinamunuan at pinastulan ng mga taong ginamit ng Banal na Espiritu ay isang iglesia, at iyong mga pinastulan at pinamunuan ng mga tao na hindi ginamit ng Banal na Espiritu ay isang relihiyon. Ito ang pinakasimple, pinakatotoong dibisyon. Ang tunay mga iglesia ay may gawain ng Banal na Espiritu. Sa mga relihiyon napakadalang na mayroong gawain ng Banal na Espiritu. Kung mayroon man, ito’y nasa iilang mga tao na tunay na naniniwala sa Diyos at hinahanap ang katotohanan. Ito ang kaibahan ng iglesia at relihiyon. Para sa mga iglesia, napakahalaga kung ang mga pastol ba ay kinikilusan at ginagamit ng Banal na Espiritu. Kung ang pastol ay isang tao na naghahanap ng katotohanan at naglalakad sa tamang landas, ang gawain ng Banal na Espiritu ay nandoon. Kung ang pastol ay hindi isang tao na naghahanap ng katotohanan at sila’y naglalakad sa landas ng mga Fariseo, ang gawain ng Banal na Espiritu ay wala doon. Hangga’t nakikilala ng mga tao ang tunay at bulaang mga pastol, maaari silang makahanap ng tunay na iglesia. Lumitaw ang iglesia nang ang nagkatawang-taong Diyos ay personal na nagtrabaho, ngunit pagkatapos, sumulpot ang lahat ng uri ng relihiyosong grupo. Gayun pa man, maraming tao ang hindi makita ang kaibahan ng mga tunay at bulaang pastol at tunay at bulaang apostoles. Ito’y dahil naniniwala sila sa Diyos ngunit hindi naiintindihan ang katotohanan. Sa mga huling araw, dahil malalim ng katiwalian ng mga tao, hindi nila naiintindihan ang katotohanan, subalit sinasamba nila ang mga abilidad. Hindi nila makita ang kaibahan kung ang mga tao ay may gawain ng Banal na Espiritu. Hangga’t may isang tao na maaaring makapagpaliwanag ng Biblia, mayroong mga sasang-ayon at susunod; patindi nang patindi ang pagtuon ang mga tao sa mga abilidad. Samakatuwid, sinusunod ng mga tao ang mga pastor at lider sa mga relihiyosong grupo sa paniniwala sa Diyos, ngunit ni hindi kinokonsidera kung mayroon silang gawain ng Banal na Espiritu at ang reyalidad ng katotohanan. Ito’y para bang hangga’t sila’y may lisensiya ng pastor, sila’y naaprubahan at itinalaga ng Diyos, at ang mga tao ay kailangang tumanggap at magpasakop sa kanila. Ang mga hangal na tao ay itinuturing pa ang mga pastor bilang Panginoon at sinasamba sila bilang Diyos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo sa mga relihiyosong grupo ay itinuring ang nagkatawang-taong Panginoong Jesus bilang kaaway at ipinako Siya sa krus, kung saan lubusang inilantad ang aktuwal na katunayan ng kanilang pagtutol sa Diyos. Hanggang sa mga huling araw, karamihan sa mga lider at pastor sa mga relihiyosong grupo ay kinokondena at tinututulan lalo ang huling Cristo, nang walang bakas ng takot. Pinapatunayan ng mga katotohanang ito na ang karamihan sa mga pastor at lider sa mga relihiyosong grupo ay hindi iginagalang ang Diyos. Ang ilan pa sa kanila ay hindi naniniwala sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at wala silang lugar para sa Diyos sa kanilang mga puso. Sila’y naniniwala lang sa at sinasamba ang malabong Diyos, ngunit sila ay talagang hindi naniniwala sa pagkakaroon ng praktikal na Diyos, ni hindi sila naniniwala na ang lahat ng katotohanan ay nagmumula kay Cristo. Kaya ang lahat ng mga taong ito ay hindi mga mananampalataya, ang mga alalay ni Satanas, at sila’y naging mga tunay na anticristo. Mga kaaway sila ng Diyos. Ang lahat ng tumututol at kumokondena kay Cristo ay mga kaaway ng Diyos. Ito’y lubos na hindi mapagdududahan.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Hindi ganoon para sa mga taong hindi tumatanggap sa bagong gawain: Sila ay nasa labas ng agos ng Banal na Espiritu, at ang disiplina at pamumuna ng Banal na Espiritu ay hindi para sa kanila. Buong araw, ang mga taong ito ay namumuhay sa loob ng laman, sila ay namumuhay sa loob ng kanilang mga isipan, at ang lahat ng ginagawa nila ay ayon sa katuruang bunga ng paghihimay at pananaliksik ng kanilang sariling mga utak. Hindi ito ang mga kinakailangan ng bagong gawain ng Banal na Espiritu, at lalong hindi rin ito pakikipagtulungan sa Diyos. Yaong mga hindi tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos ay walang presensiya ng Diyos, at, higit sa lahat, salat sa mga pagpapala at pag-iingat ng Diyos. Ang karamihan sa kanilang mga salita at mga pagkilos ay nakaayon sa mga nakalipas na mga kinakailangan ng gawain ng Banal na Espiritu; ang mga ito ay katuruan at hindi katotohanan. Ang gayong katuruan at alituntunin ay sapat na upang patunayan na ang nag-iisang bagay na nagtitipon sa kanila ay relihiyon; hindi sila ang mga napili, o ang mga pinag-uukulan ng gawain ng Diyos. Ang pagtitipon nilang lahat na magkakasama ay matatawag lamang na maringal na kongreso ng relihiyon, at hindi matatawag na iglesia. Ito ay isang katunayan na hindi mababago. Wala sa kanila ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; ang kanilang isinasabuhay ay relihiyon lamang, ang kanilang nararanasan ay sagana lamang sa relihiyon; hindi sila nagtataglay ng presensiya at gawain ng Banal na Espiritu, at sila ay hindi karapat-dapat na tumanggap ng disiplina at pagliliwanag mula sa Banal na Espiritu. Ang mga taong ito ay mga walang buhay na bangkay, at mga uod na walang kabanalan. Wala silang kaalaman sa pagkasuwail at paglaban ng tao, walang kaalaman sa mga masasamang gawi ng tao, wala rin silang kaalaman sa gawain at kasalukuyang kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang alam, mga hamak na tao na hindi nararapat tawaging mananampalataya!
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Pagbabahagi ng Tao:
Ano ang ibig sabihin natin kapag pinag-usapan natin ang tungkol sa "pagsunod sa Diyos"? Pinag-uusapan natin ang tungkol sa pagdanas sa gawain ng Diyos at pagtanggap sa katotohanan. Kung hindi ninyo tinatanggap ang katotohanan, kung hindi ninyo nararanasan ang gawain ng Diyos, sa gayon ay hindi ninyo mararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, na nangangahulugang hindi ninyo sinusunod ang Diyos. Ano ang tinatawag natin sa mga hindi sumusunod sa Diyos ngunit naniniwala sa Diyos? Tinatawag natin silang mga relihiyosong mananampalataya. Hindi ba't ito ang uri ng paniniwala ng mga taong naniniwala sa Diyos sa relihiyosong mundo? Naniniwala lamang sila sa Diyos na nasa langit, ngunit hindi sila sumusunod sa Diyos, hindi nila nararanasan ang mga gawain ng Diyos, kumakapit lang sila sa kanilang Biblia, kumakapit lang sila sa tinatawag nilang banal na kasulatan. Araw-araw, nagbabasa sila ng isang talata at nananalangin sa relihiyosong paraan, at doon lamang iyon nagtatapos. Wala itong kinalaman sa pansarili nilang buhay, sa paraan ng kanilang pamumuhay. Ginagawa lang nila ang anumang sa tingin nila ay dapat nilang gawin. Ito ang tinatawag na pagiging relihiyosong mananampalataya. Hindi nila tinatanggap ang gawain ng Diyos, ni nararanasan ang gawain ng Diyos. Kaya, ang kanilang pananampalataya ay naroon lamang upang punan ang kahungkagan sa kanilang espiritu, upang masiyahan ang kanilang naghihirap na mga puso, at upang makahanap ng ilang uri ng kabuhayan. Kaya ba ng mga taong may ganitong uri ng pananampalataya na magdala ng matunog, at magandang pagsaksi sa Diyos? Tiyak na hindi sila magsasalita ng pagpapatotoo, sapagkat hindi nila tinatalakay ang gastos, ni paggugol, ni pagsunod, ni buhay. Dahil dito, hindi sila sumasaksi. Kaya, tuwing sila ay inuusig, iilan lamang sa kanila ang kayang manindigan. Kapag nakataya ang kanilang buhay, tinatalikuran nilang lahat ang Diyos. Marahil ang iba sa inyo ay pabubulaanan ang sinabi ko, marahil sasabihin ninyo sa akin na: “Sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kautusan, hindi ba’t napakaraming mga martir?” Hindi iyon mali. Nagkaroon yaong mga martir ng gawain ng Banal na Espiritu, mga tagasunod din sila ngDiyos sa mga panahong iyon, katulad lang din natin ngayon. Hindi sila naging bahagi ng mga relihiyosong mananampalataya. Yaong mga nakaranas ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay mga taong sumunod sa Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Yaong mga nakaranas ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya ay mga taong sumunod sa Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa Kapanahunan ng Kaharian, tayong mga nakaranas ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay mga tagasunod din ng Diyos. Subalit, ngayon na ang Diyos na nagkatawang tao ng mga huling araw na personal na ginagawa ang Kanyang gawain, para sa mga mananampalataya na nasa Kapanahunan ng Biyaya pa rin at iyong mga nasa Kapanahunan ng Kautusan, ang kanilang mga paniniwala ay naging mga relihiyosong paniniwala.
mula sa “Isa pang Talakayan tungkol sa Kabuluhan at Kahalagahan ng Paghahanap sa Katotohanan” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (XI)
mula sa “Bakit Palaging Kinakalaban ng Iba’t Ibang Relihiyon ang Diyos Habang Pinaglilingkuran Siya” sa Koleksyon ng mga Sermon—Suplay para sa Buhay