菜單

Abr 9, 2019

Ano ang mga pangako ng Diyos sa mga naligtas at nagawang perpekto?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Lumalakad Ako ngayon sa kalagitnaan ng Aking bayan, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng aking bayan. Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang taong gaya nito ay mapalad; mapalad yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga nakakakilala sa Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad ang mga yaong naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala sa Akin; mapalad ang mga yaong kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na papasok sila sa Aking pag-aari, at mamanahin ang gantimpala ng Aking kaharian.

Abr 8, 2019

Mga Movie Clip | "Ang Landas na Patungo sa Pagdalisay at Kaligtasan"


Mga Movie Clip | "Ang Landas na Patungo sa Pagdalisay at Kaligtasan"


Paano dalisayin at iligtas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang tao? Paano tayo sasailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos upang makamit natin ang katotohanan, ang buhay, at maging karapat-dapat sa kaligtasan at pumasok sa kaharian ng langit? Sasabihin ng video na ito sa iyo ang mga sagot, at ituturo ka patungo sa landas na papasok sa kaharian ng langit.

Abr 7, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa


Ang lahat ng mga tao ay isinailalim sa pagpipino dahil sa mga salita ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos na nagkatawang-tao ang sangkatauhan ay tiyak na hindi mabibiyayaan na magdanas sa gayong paraan. Maaari rin itong sabihin nang ganito—yaong mga nakatatanggap sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos ay mga taong pinagpala. Batay sa dating kakayahan ng mga tao, ang kanilang pag-uugali, at mga saloobin sa Diyos, hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng ganitong pagpipino. Ito ay dahil pinatibay sila ng Diyos na tinatamasa nila ang Kanyang pagpapala. Dati nang sinasabi ng mga tao na hindi sila karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o marinig ang Kanyang mga salita.

Abr 6, 2019

The Seven Thunders Peal—Prophesying That the Kingdom Gospel Shall Spread Throughout the Universe


Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nguni’t ito ay mula sa Israel na Aking nilisan at mula roon na Ako ay dumating sa Silangan. Kung kailan lamang na ang liwanag ng Silangan ay marahang nagiging kulay puti saka ang kadiliman sa buong daigdig ay magsisimulang maging liwanag, at doon lamang matutuklasan ng tao na matagal na akong lumisan sa Israel at muling bumabangon sa Silangan. Yamang minsan na Akong nakábábâ sa Israel at sa dakong huli ay nilisan ito, hindi na Ako maipapanganak sa Israel, dahil ang Aking gawain ay pumapatnubay sa buong sansinukob, at ang higit pa, ang kidlat ay tuwirang kumikislap mula Silangan hanggang Kanluran.
Sa kadahilanang ito nakábábâ Ako sa Silangan at dinala ang Canaan sa mga tao ng Silangan. Hinahangad ko na dalhin ang mga tao mula sa buong daigdig tungo sa lupain ng Canaan, kaya’t ipinagpapatuloy kong ilabas ang Aking mga pagbigkas sa lupain ng Canaan upang pigilan ang buong sansinukob. Sa panahong ito, walang liwanag sa buong daigdig maliban sa Canaan, at lahat ng tao ay nasa panganib ng gutom at lamig. Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay inalis iyon, at pagkatapos ay dinala ang mga Israelita patungo sa Silangan, at ang buong sangkatauhan patungo sa Silangan. Nadálá Ko silang lahat sa liwanag upang sila ay muling makaisa nito, at makasama nito, at hindi na muling mangailangan pang maghanap para dito."

Manood ng higit pa:Daily Gospel Tagalog Reflection

Ano ang kahulugan ng pananampalataya? Paano tayo dapat maniwala sa Diyos upang pagpalain ng Diyos? Maligayang pagdating sa pakikinig ng mga Kristiyanong awitin nang sama-sama!

Abr 5, 2019

Tagalog Christian Music Video | "Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian"


Tagalog Gospel Songs | "Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian"


I
Nang sa mundo ng tao dumating si Jesus,
dinala N'ya panahon ng Biyaya, 
tinapos Panahon ng Kautusan.
Muli Diyos naging tao sa mga huling araw.
Dinala N'ya Panahon ng Kaharian, 
tinapos Panahon ng Biyaya.
Gumawa sa gitna ng tao si Jesus 
para sangkatauha'y tubusin,
inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili.
Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili.
Lahat ng tumatangap 
sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos 
aakayin sa Panahon ng Kaharian 
at tatanggap ng Kanyang gabay.
II
Para iligtas ang tao mula 
sa masamang impluwensya ni Satanas,
hindi sapat maging handog sa sala si Jesus.
Kailangang mas dakilang gawain ang gawin ng Diyos
para maalis ang disposisyon ng tao 
na nabahiran ni Satanas.
Gumawa sa gitna ng tao si Jesus 
para sangkatauha'y tubusin,
inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili.
Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili.
Lahat ng tumatangap 
sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos 
aakayin sa Panahon ng Kaharian 
at tatanggap ng Kanyang gabay.
III
Matapos patawarin ang tao sa kanyang mga sala,
bumalik ang Diyos sa katawang-tao 
para akayin ang tao sa isang bagong panahon,
isang panahon ng pagkastigo't paghatol,
tao ay itinataas sa isang mas mataas na antas.
Gumawa sa gitna ng tao si Jesus 
para sangkatauha'y tubusin,
inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili.
Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili.
Lahat ng tumatangap 
sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos 
aakayin sa Panahon ng Kaharian 
at tatanggap ng Kanyang gabay.
IV
Lahat na nagpapasakop sa kapamahalaan N'ya
aani ng mas mataas 
na katotohana't mas malaking pagpapala.
O mabubuhay sila sa liwanag!
At matatamo daan, katotohana't buhay!
Gumawa sa gitna ng tao si Jesus 
para sangkatauha'y tubusin,
inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili.
Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili.
Lahat ng tumatangap 
sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos 
aakayin sa Panahon ng Kaharian 
at tatanggap ng Kanyang gabay.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Manood ng higit pa:Tagalog Worship Songs

Abr 4, 2019

Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos


Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay may dalawang bahagi. Nang una Siyang naging katawang-tao, di Siya pinaniwalaan ni kinilala ng mga tao, anupat ipinako si Jesus sa krus. Sa pangalawang pagkakataon din, di pa rin naniwala sa Kanya o kinilala man lang Siya, at minsan pang ipinako si Cristo sa krus. Hindi ba’t ang tao ay kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan sa Diyos? At paano siya nagkaroon ng kakayanang magpatotoo sa Diyos? Ang pagmamahal sa Diyos, ang paglilingkod sa Diyos, ang pagluluwalhati sa Diyos—hindi ba ito mga mapanlinlang na kasinungalingan? Kung itutuon mo ang iyong buhay sa mga walang katunayan at di-praktikal na mga bagay na ito,

Abr 3, 2019

Tagalog Christian Songs | Ang Katotohanan ng Bunga ng Kasamaan ng Tao na gawa ni Satanas




Tagalog church songsAng Katotohanan ng Bunga ng Kasamaan ng Tao na gawa ni Satanas


I
Sa maraming taon ang mga kaisipan ng mga tao
ang inasahan nila para mabuhay
ang sumira sa kanilang mga puso
at ginawa silang mga duwag,
mapanlinlang at karumal-dumal.