菜單

Abr 9, 2019

Ano ang mga pangako ng Diyos sa mga naligtas at nagawang perpekto?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Lumalakad Ako ngayon sa kalagitnaan ng Aking bayan, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng aking bayan. Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang taong gaya nito ay mapalad; mapalad yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga nakakakilala sa Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad ang mga yaong naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala sa Akin; mapalad ang mga yaong kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na papasok sila sa Aking pag-aari, at mamanahin ang gantimpala ng Aking kaharian.
Aalalahanin Ko ang mga yaong gumagawa para sa Aking kapakanan, yayakapin Ko nang may kagalakan ang mga yaong gumugugol para sa Aking kapakanan, bibigyan Ko ng mga kasiyahan ang mga yaong naghahandog sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga yaong nasisiyahan sa Aking mga salita; tiyak na sila ang magiging mga haligi na magtataas sa ituktok ng Aking kaharian, tiyak na magkakaroon sila ng walang-kapantay na gantimpala sa Aking bahay, at walang maihahalintulad sa kanila. Tinanggap na ba ninyo ang mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Hinanap na ba ninyo ang mga ipinangako sa inyo? Sa ilalim ng paggabay ng Aking liwanag, tiyak na makakawala kayo mula sa pagkasakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, tiyak na hindi ninyo maiwawala ang ilaw na gumagabay sa inyo. Tiyak na kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilalang. Tiyak na kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, tiyak na tatayo kayo sa kalagitnaan ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Tiyak na magiging matatag at matibay kayo sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang pagpapalang nagmumula sa Akin, at tiyak na sisinagan ng Aking kaluwalhatian ang loob ng buong sansinukob.

mula sa “Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Dahil sa kaya nilang magpatotoo sa Diyos, at maglaan ng lahat ng kanilang mga pagsisikap sa gawa ng Diyos, ang mga taong tunay na umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad saanman sa ilalim ng mga kalangitan nang walang sinumang susubok na tutulan sila, at maaari nilang gamitin ang kapangyarihan sa lupa at pamunuan ang lahat ng mga tao ng Diyos. Ang mga taong ito ay nagsasama-sama mula sa iba't-ibang dako ng mundo, sila ay nagsasalita ng iba't-ibang wika at may iba't-ibang kulay ng balat, nguni't ang kanilang pamamalagi ay may parehong kahulugan, lahat sila ay may pusong nagmamahal sa Diyos, lahat sila ay dala ang parehong patotoo, at mayroong parehong kapasyahan, at parehong hangarin. Ang mga umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad nang malaya sa buong mundo, ang mga taong nagpapatotoo sa Diyos ay maaaring maglakbay sa buong sansinukob. Ang mga taong ito ay minamahal ng Diyos, sila ay pinagpala ng Diyos, at sila ay magpakailanmang mabubuhay sa Kanyang liwanag.

mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ayon sa iba't-iba nilang mga tungkulin at mga patotoo, ang mga mananagumpay sa kaharian ay magsisilbing mga saserdote o tagasunod, at ang mga matagumpay sa kabila ng pagdurusa ay magiging kalipunan ng saserdote sa kaharian. Ang mga kalipunan ng saserdote ay mabubuo kapag ang gawain ng ebanghelyo sa buong daigdig ay natapos. Kapag dumating ang panahong iyon, ang kailangang gawin ng tao ay ang pagganap sa kanyang mga tungkulin sa kaharian ng Diyos, at ang paninirahan niyang kasama ang Diyos sa loob ng kaharian. Sa kalipunan ng mga saserdote mayroong magiging punong saserdote at mga saserdote, at ang natitira ay magiging anak at mga tao ng Diyos. Ito ay malalaman sa pamamagitan ng kanilang mga patotoo sa Diyos sa kabila ng pagdurusa; hindi lamang ito mga titulo na ibinigay lamang nang basta-basta. Kapag ang katayuan ng tao ay naitatag, ang gawain ng Diyos ay matatapos, dahil ang lahat ay tinitipon ayon sa uri at ibinabalik sa kanilang orihinal na kalagayan, at ito ang tanda ng katuparan ng gawain ng Diyos, ito ang pangwakas na kinalabasan ng gawain ng Diyos at ang pagsasagawa ng tao, at ang pangkakabuo-buo ng mga pangitain ng gawain ng Diyos at ang pakikipagtulungan ng tao. Sa katapusan, ang tao ay makahahanap ng kapahingahan sa kaharian ng Diyos, ang Diyos ay babalik sa Kanyang tahanan upang mamahinga. Ito ang pangwakas na kinalabasan ng 6,000 taong pakikipagtulungan sa pagitan ng Diyos at ng tao.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Yaong gagawing perpekto ng Diyos ay silang tatanggap ng mga pagpapala ng Diyos at ng Kanyang pamana. Iyon ay, tinatanggap nila kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, upang mabuo kung anong mayroon sila sa loob; isinagawa sa kanila ang lahat ng salita ng Diyos; anuman ang kabuuan ng Diyos, magagawa ninyong ganap na tanggapin ang lahat bilang gayon, kaya naisasabuhay ang katotohanan. Ito ang uri ng tao na ginawang perpekto ng Diyos at nakamit ng Diyos. Ang ganitong uri lamang ng tao ang nararapat na magmana ng mga pagpapalang ito na ipinagkaloob ng Diyos:

1. Tinatanggap nang buo ang pag-ibig ng Diyos.

2. Kumikilos alinsunod sa kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay.

3. Tinatanggap ang gabay ng Diyos, namumuhay sa ilalim ng liwanag ng Diyos, at pagiging nililiwanagan ng Diyos.

4. Pagsasabuhay sa imahe na mahal ng Diyos sa mundo; minamahal nang tunay ang Diyos gaya ng ginawa ni Pedro, na napako sa krus para sa Diyos at karapat-dapat na mamatay bilang kabayaran sa pagmamahal sa Diyos; ang pagkakaroon ng kaluwalhatian gaya ni Pedro.

5. Ang pagiging minamahal, iginagalang, at hinahangaan ng lahat sa lupa.

6. Napagtatagumpayan ang lahat ng pagkaalipin ng kamatayan at ng Hades, hindi binibigyang pagkakataon ang gawain ni Satanas, naaangkin ng Diyos, namumuhay sa loob ng isang bago at masiglang espiritu, at hindi nakararamdam ng kapaguran.

7. Ang pagkakaroon ng isang hindi mailarawang pakiramdam ng pagkalugod at kagalakan sa lahat ng oras sa buong buhay, na para bang nakita na niya ang araw ng pagdating ng kaluwalhatian ng Diyos.

8. Tumatanggap ng kaluwalhatiang kasama ng Diyos, at ang pagkakaroon ng isang anyo na gaya ng mga banal na taong minamahal ng Diyos.

9. Pagiging yaong iniibig ng Diyos sa lupa, samakatuwid, ang pinakamamahal na anak ng Diyos.

10. Ang pagbabagong-anyo at pag-akyat kasama ang Diyos sa ikatlong langit, nalalampasan ang laman.

mula sa “Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pamumuhay ng isang normal na buhay ng tao sa lupa, ang tao ay magiging katulad ng isang anghel; bagaman nasa laman pa rin, siya ay lalong magiging parang anghel. Ito ang panghuling pangako, ito ang huling pangako na ipagkakaloob sa tao.

mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa oras na ang gawain ng panlulupig sa tao ay makumpleto na, ang tao ay dadalhin sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, walang duda, sa mundo pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na kakamtin ng sangkatauhan matapos na ang sangkatauhan ay ganap nang malupig, ito ay magiging bagong simula ng tao sa mundo, at para sa sangkatauhan na magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang kaharian. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay marahil, matapos ang tao ay malinis at malupig, siya ay susuko sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang tao sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang hinaharap na buhay ng tao sa lupa, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na inaasam ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain sa pamamahala, ito ang pinaka-kinasasabikan ng sangkatauhan, ito rin ang pangako ng Diyos sa tao.

mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang buhay na nasa kapahingahan ay isa na walang digmaan, walang karumihan, walang namamalagi na di-pagkamatuwid. Ibig sabihin nito ay walang panliligalig ni Satanas (dito ang "Satanas" ay tumutukoy sa kalabang mga puwersa), kasamaan ni Satanas, pati na rin ang pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng sangnilikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matiwasay na buhay ng sangkatauhan. … Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, ito ay mangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas at si Satanas ay nawasak na, na ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay lubusang natapos. Hindi na magpapatuloy sa paggawa ang Diyos sa gitna ng tao, at ang tao ay hindi na mamumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kaya, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at ang tao ay sabay na papasok sa kapahingahan. Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawa't tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay kasama ng sangkatauhan, at ang tao ay hindi rin magagawang mamuhay kasama ng Diyos sa hantungan ng Diyos. Ang Diyos at tao ay hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong saklaw; sa halip, kapwa sila may sariling mga kaukulang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ay ang Isa na siyang gumagabay sa buong sangkatauhan, habang ang buong sangkatauhan ay ang pagbubuu-buo ng gawaing pamamahala ng Diyos. Ang sangkatauhan ay siyang inaakay; ukol sa kakanyahan, ang sangkatauhan ay hindi tulad ng Diyos. Ang ibig sabihin ng pagpapahinga ay ang pagbalik sa orihinal na lugar ng isa. Samakatuwid, kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, nangangahulugan ito na ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na lugar. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay sa ibabaw ng lupa o makikibahagi sa kagalakan at paghihirap ng sangkatauhan habang kasama ng sangkatauhan. Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na likha ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao ay hindi na magiging suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba. Ito ang kanya-kanyang mga buhay at mga hantungan ng Diyos at sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingahan. … Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang nagpapahinga ang tao, sasambahin niya ang Diyos at mamumuhay din sa lupa, at habang nagpapahinga ang Diyos, aakayin Niya ang natitirang bahagi ng sangkatauhan; aakayin Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa. Ang Diyos ay magiging ang Espiritu pa rin, habang ang tao ay magiging laman pa rin. Ang Diyos at tao ay kapwa may kanya-kanyang mga paraan ng pagpapahinga. Habang nagpapahinga ang Diyos, Siya ay darating at magpapakita sa gitna ng tao; habang nagpapahinga ang tao, siya ay aakayin ng Diyos upang dumalaw sa langit at upang masiyahan din sa buhay sa langit. Matapos na ang Diyos at tao ay pumasok sa kapahingahan, si Satanas ay hindi na iiral pa, at tulad ni Satanas, yaong masasamang tao ay hindi na rin iiral. Bago pumasok ang Diyos at tao sa kapahingahan; yaong masasamang indibidwal na minsan ay umusig sa Diyos sa ibabaw ng lupa at ang mga kaaway na mga suwail sa Kanya sa lupa ay nawasak na; sila ay nawasak na sa pamamagitan ng malalaking sakuna ng mga huling araw. Pagkatapos na yaong masasamang indibidwal ay ganap nang nawasak, hinding-hindi na muling mababatid ng lupa ang panliligalig ni Satanas. Matatamo ng sangkatauhan ang ganap na kaligtasan, at dito pa lamang ganap na magtatapos ang gawain ng Diyos. Ito ang mga kinakailangan para ang Diyos at ang tao ay makapasok sa kapahingahan.

mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao