Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Dapat kang maging tapat, at dapat manalangin upang alisan ang iyong sarili ng katusuhan sa iyong puso. Habang ginagamit mo ang panalangin upang dalisayin ang iyong sarili kung kinakailangan, at gamitin ito upang antigin ng Espiritu ng Diyos, ang iyong disposisyon ay unti-unting magbabago.
mula sa “Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinakamababang antas na kinakailangan ng Diyos sa mga tao ay ang magawa nilang buksan ang kanilang mga puso sa Kanya. Kung ibibigay ng tao ang kanyang tunay na puso sa Diyos at sasabihin kung ano talaga ang nasa loob ng kanyang puso sa Diyos, kung gayon ang Diyos ay nakahandang gumawa sa tao; hindi gusto ng Diyos ang pilipit na puso ng tao, kundi ang kanyang dalisay at tapat na puso. Kung hindi tunay na sasabihin ng tao ang kanyang puso sa Diyos, kung gayon hindi aantigin ng Diyos ang puso ng tao, o gagawa sa loob niya. Kaya naman, ang pinakamahalagang bagay tungkol sa panalangin ay para sabihin ang mga salita ng iyong tunay na puso sa Diyos, pagsasabi sa Diyos ng iyong mga kapintasan at mapaghimagsik na disposisyon at ganap na pagbubukas ng iyong sarili sa Diyos. Sa gayon lamang magiging interesado ang Diyos sa iyong mga panalangin; kung hindi, kung gayon ay itatatago ng Diyos ang Kanyang mukha mula sa iyo.
mula sa “Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang umaasal kagaya ng isang normal na tao ay ang makipag-usap nang may pagkakaugnay-ugnay. Ang ibig sabihin ng oo ay oo, ang hindi ay nangangahulugang hindi. Maging tapat sa katotohanan at magsalita nang akma. Huwag mandadaya, huwag magsinungaling.
mula sa “Ang Pagpapabuti ng Kakayahan ay para Matanggap ang Kaligtasan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa araw na ito, ang karamihan sa mga tao ay masyadong takot na dalhin ang kanilang mga pagkilos sa harap ng Diyos, at samantalang maaari mong linlangin ang laman ng Diyos, hindi mo malilinlang ang Espiritu ng Diyos. Ang lahat ng mga hindi nakatagal sa pagmamasid ng Diyos ay hindi kaayon ng katotohanan at dapat na palayasin, o ikaw ay magkakasala laban sa Diyos. Kaya, hindi alintana maging ito man ay kapag nananalangin ka, kapag ikaw ay nakikipag-usap o nakikisama sa iyong mga kapatid na babae at mga kapatid na lalaki, o kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin o gumagawa ng iyong gawain, kailangan mong ilaan ang iyong puso sa harap ng Diyos. Kapag natupad mo ang iyong tungkulin, ang Diyos ay kasama mo, at hangga’t ang iyong hangarin ay tama at ito ay para sa gawain ng bahay ng Diyos, tatanggapin ng Diyos ang lahat mong ginagawa, kaya buong taimtim mong ialay ang iyong sarili sa pagtupad ng iyong tungkulin. ...
... Ang lahat ng iyong ginagawa, bawat pagkilos, bawat hangarin, at ang bawat tugon ay dapat na dalhin sa harapan ng Diyos. Iyon ay, ang iyong normal na buhay espirituwal, ang iyong mga panalangin, ang iyong pagiging malapit sa Diyos, ang pagkain at pag-inom sa salita ng Diyos, ang pakikipagsamahan sa iyong mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae, ang pamumuhay ng iyong buhay sa iglesia, at maging ang iyong paglilingkod sa iyong tambalan ay mga bagay lahat na dapat dalhin sa harapan ng Diyos at mamasdan Niya. Ito ang uri ng pagsasagawa na makatutulong sa iyo na umunlad sa buhay. Ang proseso ng pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos ay ang proseso ng pagdalisay. Habang lalo mong tinatanggap ang pagmamasid ng Diyos, mas lalo kang dinadalisay, habang lalo kang nakikiayon sa kalooban ng Diyos, nang upang hindi mo marinig ang tawag ng kabuktutan at pagkagumon sa kasamaan, at ang iyong puso ay mabubuhay sa harap ng Diyos; mas lalo mong matatanggap ang pagmamasid ng Diyos, mas lalo mong hinihiya si Satanas at tinatalikuran ang laman. Kaya, ang pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos ay isang landas na dapat isagawa ng mga tao. Maging anuman ang iyong ginagawa, maging sa panahon ng iyong pagsasamahan sa iyong mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae, kung dadalhin mo ang iyong mga pagkilos at hahangarin ang pagmamasid ng Diyos, at kung ang iyong hangad ay upang sundin ang Diyos, ang iyong pagsasagawa ay mas tama. Kung ikaw ay isang tao na dinadala ang lahat ng iyong ginagawa sa harapan ng Diyos at tinatanggap ang Kanyang pagmamasid saka ka pa lamang magiging isang tao na tunay na nabubuhay sa harapan ng Diyos.
mula sa “Ginagawang Perpekto ng Diyos Yaong Mga Naghahangad sa Kanyang Puso” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Para sa kapakanan ng inyong kapalaran, kailangan ninyong pagsikapan na kayo ay aprobado ng Diyos. Ibig sabihin, dahil tanggap ninyo na kayo ay kabilang sa tahanan ng Diyos, nararapat ninyong dalhin ang kapayapaan ng isip at kasiyahan sa Diyos sa lahat ng bagay. Sa ibang salita, dapat may prinsipyo ang inyong mga ikinikilos at sumasang-ayon sa katotohanan. Kung hindi ito abot ng iyong abilidad, tatanggihan at kamumuhian ka kung ganoon ng Diyos at hahamakin ng lahat. Habang nasa ganitong kalagayan ka, hindi ka maaaring mapabilang sa tahanan ng Diyos. Ito ang pakahulugan ng hindi aprobado ng Diyos.
... Ang ibig sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; huwag kailanman magbulaan na Siya ay huwad sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng mga bagay, hindi kailanman itinatago ang katotohanan; huwag kailanman gawin ang bagay na mapanlinlang sa mga nakatataas at mandaraya sa mga nasa ibaba; at hindi kailanman gagawa ng isang gawain upang magmagaling lamang sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pagpigil ng karumihan sa inyong mga kilos at salita, ang hindi manlinlang ng Diyos o tao. ... Ang iba ay matino at maayos kung kumilos at partikular na “magalang makitungo” sa harap ng Diyos, at nagiging suwail at hindi mapigilan sa harap ng Espiritu. Ibibilang ninyo ba ang ganitong klase ng tao sa hanay ng mga matapat? Kung ipokrito at isa ka sa mga bihasang “makipagsosyalan,” masasabi Kong isa ka sa tiyak na ipinagwawalang-bahala ang Diyos. Kung ang iyong mga salita ay puno ng pagdadahilan at walang kabuluhang pangangatwiran, masasabi Kong lughang kinasusuklaman mong isagawa ang katotohanan. Kung marami kang nagaatubiling di-maibahaging pinagkakatiwalaan at tumatangging ilantad ang iyong mga lihim—nangangahulugan, iyong paghihirap—sa kapwa upang hanapin ang daan tungo sa liwanag, masasabi Ko na isa ka sa mga taong hindi madaling makatatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon sa kadiliman. Kung ang paghahanap ng daan tungo sa katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa sa madalas na nabubuhay sa kaliwanagan. Kung nagagalak kang maging taga-serbisyo sa tahanan ng Diyos, nagsisikap at matapat sa gawain sa kabila ng karimlan, laging nagbibigay at hindi nanghihingi, masasabi Ko na ikaw ay tapat na santo, sapagkat hindi ka naghihintay ng gantimpala at matapat na tao lamang. Kung gusto mong maging tapat, kung handang gugulin ang iyong lahat, handang isakripisyo ang iyong buhay at maging saksi ng Diyos, matapat sa puntong iniisip lang ang kaligayahan ng Diyos, hindi isinaalang-alang at kumukuha ng para sa sarili, masasabi Ko na ang gayong mga tao ay nagtataglay ng kaliwanagan at mabubuhay magpakailanman sa kaharian.
mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao