菜單

Mar 31, 2019

Tagalog Christian Songs | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" (Tagalog Song)


Tagalog Christian Songs | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" (Tagalog Song)

I
Nagpapakumbaba ang Diyos at gumagawa sa mga
marurumi't tiwaling tao para sila'y gawing perpekto. 
Naging tao ang Diyos.
S’ya’y nag-aalaga’t nagpapastol sa kanila,
lumalapit sa puso ng malaking pulang dragon
upang mailigtas at malupig ang mga tiwali,
ginagawa ang tungkulin ng pag-iiba’t pagbabago nila.
Nagpapakumbaba S’ya Mismo bilang tao
at tinitiis ang mga pasakit na dala nito.

Mar 30, 2019

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V Ang Kabanalan ng Diyos (II) (Ikalawang Bahagi)


Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V Ang Kabanalan ng Diyos (II) (Ikalawang Bahagi)


Tinutukso ni Satanas ang Panginoong Jesus


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Hindi ninyo makikita ang Diyos na humahawak ng magkakaparehong pananaw sa mga bagay na mayroon ang tao, at higit pa rito, hindi ninyo Siya makikitang gumagamit ng mga pananaw ng tao, ng kanilang kaalaman, kanilang siyensiya, o kanilang pilosopiya o ang imahinasyon ng tao upang panghawakan ang mga bagay. Sa halip, ang lahat ng ginagawa ng Diyos at ang lahat ng Kanyang ibinubunyag ay may kaugnayan sa katotohanan.

Mar 29, 2019

Salita ng Diyos|Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga


Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pag-antig sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag nakikibahagi sa mga salita ng Diyos sa kanilang puso, sila sa gayon ay kinikilusan ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo ang iyong puso sa Diyos saka mo lamang mapauunlad nang unti-unti ang isang espirituwal na buhay.

Mar 28, 2019

Tagalog church songs Sangkatauhan at Diyos Magkabahagi sa Ligaya ng Pagkakaisa



Tagalog church songsSangkatauhan at Diyos Magkabahagi sa Ligaya ng Pagkakaisa

I
Nasimulan na ng Diyos gawain N'ya sa buong sansinukob.
Gumigising mga tao roo't nililigid lahat ng gawa N'ya.
Pag "naglalakbay" ang Diyos sa loob nila,
sila'y nakakalaya sa gapos ni Satanas.
Magpakailanma'y malaya na sila
sa gapos ng matinding pighati.
Pag dumating ang araw ng Diyos, lahat ng tao'y masaya.
Lungkot sa puso nila ngayo'y nawawala kailanman.
Ulap ng lungkot nawawala,
malayang lumulutang sariwang hangin.
Tinatamasa ng Diyos ligaya ng pagsasama sa tao.

Mar 27, 2019

2. Kailangang maunawaan ng isang tao na lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw ang daan tungo sa buhay na walang hanggan.

VII. Kailangang Ipaliwanag nang Malinaw ng Isang Tao na ang Inihahatid Lamang ng Cristo ng mga Huling Araw ang Daan tungo sa Buhay na Walang Hanggan

2. Kailangang maunawaan ng isang tao na lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw ang daan tungo sa buhay na walang hanggan.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).

Mar 26, 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sumusunod kayo sa Akin sa mahabang panahon, nguni’t wala ni katiting na katapatan kayong naigawad para sa Akin. Sa halip, kayo’y uminog sa mga taong mahal ninyo at mga bagay na nagpapasaya sa inyo kaya sila ay pinanatiling malapit sa inyong mga puso at hindi kailanman tinalikdan, anumang oras, kahit saan man...Nakikibahagi kayo sa mga gawaing maalab kayo: Ang iba’y tapat sa mga anak, ang iba naman sa asawa, kayamanan, trabaho, mga pinuno, katayuan, o kababaihan. Walang nadaramang pagkainip o pagkayamot sa mga bagay na tapat kayo, sa halip, pinag-iibayo ang inyong kagustuhang maangkin ang mas marami at kalidad na mga bagay na may taglay ng inyong katapatan, at hindi kayo kailanman nawalan ng pag-asa. Ako at ang Aking mga salita ay ipinagtutulakan sa hulihan pagdating sa mga bagay na kayo ay maalab. At wala kayong magagawa kundi ang ihanay sila sa hulihan; ang ilan ay kailangang umalis upang maging tapat sa bagay na hindi pa nila natutuklasan. Wala silang pinananatiling anumang bahagi Ko kailanman sa kanilang mga puso."

Manood ng higit pa:Ano ang kalooban ng diyos

Mar 25, 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos"


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang paniniwala sa Diyos at pagsisikap na makilala ang Diyos ay hindi isang madaling bagay. Hindi ito makakamit sa basta pagsasama-sama at pakikinig sa pangangaral, at hindi ka maaaring magawang perpekto ng damdamin lamang. Dapat mong maranasan, at alamin, at dapat may alituntunin sa iyong mga pagkilos, at makamit mo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nakaranas ka na ng iba’t-ibang karanasan, makikilala mo na ang iba’t-ibang bagay—malalaman mo kung ano ang tama at mali, ang pagkamatuwid at katampalasanan, kung ano ang laman at dugo at kung ano ang nasa katotohanan.