菜單

Peb 11, 2019

Hindi Ako Karapat-Dapat na Makita si Cristo

Huanbao    Lungsod ng Dalian, Lalawigan ng Liaoning


Magmula nang magsimula akong manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, palagi kong hinahangaan ang mga kapatid na nakakatanggap sa personal na ministeryo ni Cristo, na nakakarinig sa Kanyang mga sermon sa sarili nilang mga tainga. Sa aking puso, naisip ko kung gaano kamangha-mangha sana kung isang araw sa hinaharap ay maririnig ko ang mga sermon ni Cristo, siyempre mas lalo pang kamangha-mangha ang makita Siya.

Peb 10, 2019

Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?


Siqiu Lungsod ng Suihua, Lalawigan ng Heilongjiang

Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwat ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ang mga hadlang sa buhay, at ang pag-abandona ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o tinitiis ang anumang ibang mga kasawian sa buhay, sa gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). lubha akong hindi nasisiyahan- ang pakiramdam ng kalungkutan ay namumuo sa loob ko at nagsasalita ang puso ko ng mga walang tinig na karaingan nito:

Peb 9, 2019

(Clip1) - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan


"Nakamamatay na Kamangmangan" (Clip1) - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan


Maraming tunay na sumasampalataya sa Panginoon ang nananabik para sa pagpapakita ng Diyos ang nakabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang kumilalang lahat na ang mga iyon ang katotohanan, na ang mga iyon ang tinig ng Diyos, at nakahanda sila na hanapin at sinisiyasat ang tunay na daan.

Peb 8, 2019

Ang Kaharian ng Diyos ay Itinatatag sa mga Tao



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Kaharian ng Diyos ay Itinatatag sa mga Tao


I
Sa lupa at sansinukob, ang karunungan ng Diyos ay makikita.
Sa lahat ng bagay at lahat ng tao,
karunungan N'ya'y nagbubunga ng magaganda.
Ang lahat ay mukhang gawa ng kaharian ng Diyos.
Sangkatauha'y namamahinga sa ilalim ng langit ng Diyos,
mga tupa sa pastulan ng Diyos.
Diyos ay makapagpapahingang muli sa Sion;
tao'y makapapamuhay sa ilalim ng patnubay ng Diyos.
Pinamamahalaan ng mga tao ang lahat sa kamay ng Diyos.
Dunong at unang anyo, sa huli napapabalik nila ito.

Peb 7, 2019

Ginagamit ng Diyos ang Katotohanan Upang Hatulan at Linisin ang Tao sa mga Huling Araw


Clip ng Pelikulang Paggising Mula sa Panaginip (3) "Ginagamit ng Diyos ang Katotohanan Upang Hatulan at Linisin ang Tao sa mga Huling Araw"


Sa mga Huling Araw, nagkakatawang-tao ang Diyos upang isakatuparan ang gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos, kaya, pa’no nalilinis at naliligtas ang tao ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Ano’ng mga pagbabago ang madadala sa sarili nating disposisyon sa buhay matapos danasin ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos?  Ang pelikulang ito ng Paggising Mula sa Panaginip, ang magbibigay sa ‘yo ng lahat ng kasagutan!

Magrekomenda nang higit pa:Ebangheliyong pelikula

Peb 6, 2019

Makakamit Ba Natin ang Buhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Biblia?


Makakamit Ba Natin ang Buhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Biblia?


Ang mga pastor at elder ay kadalasang itinuturo sa mga tao na hindi sila matatawag na mga mananampalataya kapag lumayo sila mula sa Biblia, at na sa pagtangan lang sa Biblia sila magtatamo ng buhay at makakapasok sa kaharian ng langit. Kaya talaga bang hindi tayo maaaring magtamo ng buhay kapag lumayo tayo mula sa Biblia? Ang Biblia ba ang makapagbibigay sa atin ng buhay, o ang Diyos? Sabi ng Panginoong Jesus, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan; sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan: at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.

Peb 5, 2019

Ang mga Pamantayan ng Tunay na Mabuting Tao


Moran Linyi City, Shandong Province


Mula noong bata pa ako, palagi ko nang binibigyan ng importansya ang tingin ng ibang tao sa akin at ang kanilang opinyon tungkol sa akin. Upang makakuha ako ng papuri mula sa ibang mga tao para sa lahat ng ginagawa ko, hindi ako kailanman nakipagtalo sa sinuman tuwing may lumilitaw na anumang bagay, upang maiwasang sirain ang mabuting imahe ng mga tao tungkol sa akin. Pagkatapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nagpatuloy ako nang ganito, itinataguyod sa bawat posibleng paraan ang mabuting imahe ng aking mga kapatid tungkol sa akin.