Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Kaharian ng Diyos ay Itinatatag sa mga Tao
I
Sa lupa at sansinukob, ang karunungan ng Diyos ay makikita.
Sa lahat ng bagay at lahat ng tao,
karunungan N'ya'y nagbubunga ng magaganda.
Ang lahat ay mukhang gawa ng kaharian ng Diyos.
Sangkatauha'y namamahinga sa ilalim ng langit ng Diyos,
mga tupa sa pastulan ng Diyos.
Diyos ay makapagpapahingang muli sa Sion;
tao'y makapapamuhay sa ilalim ng patnubay ng Diyos.
Pinamamahalaan ng mga tao ang lahat sa kamay ng Diyos.
Hindi na maalikabok, singdalisay ng jade,
bawat isa mukhang banal.
Dahil ang kaharian ng Diyos ay naitatag na sa tao.
II
Kumikilos ang Diyos sa taas ng lahat ng tao,
at tumitingin sa lahat ng dako.
Wala ni isang bagay na luma,
walang isang tao na tulad niya dati.
Nagpapahinga ang Diyos sa trono,
humihimlay sa buong sansinukob.
Napapabalik ng lahat ng bagay ang kanilang kabanalan,
at nasiyahan ang puso ng Diyos.
Diyos ay makapagpapahingang muli sa Sion;
tao'y makapapamuhay sa ilalim ng patnubay ng Diyos.
Pinamamahalaan ng mga tao ang lahat sa kamay ng Diyos.
Dunong at unang anyo, sa huli napapabalik nila ito.
Hindi na maalikabok, singdalisay ng jade,
bawat isa mukhang banal.
Dahil ang kaharian ng Diyos ay naitatag na sa tao.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao