菜單

Ene 27, 2019

Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan



Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan.

Ene 26, 2019

Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (1)



Ang Aking gawain ay malapit nang maging ganap. Ang maraming mga taon na ginugol nating magkasama ay naging di-mabatáng alaala ng nakaraan. Nagpatuloy Ako na ulitin ang Aking mga salita at hindi tumigil sa pagpapaunlad sa Aking bagong gawain. Mangyari pa, ang Aking payo ay isang kinakailangang bahagi sa bawat piraso ng gawain na ginagawa Ko. Kung wala ang Aking payo, lahat kayo ay maliligaw at magiging higit pa sa pagkawala. Ang Aking gawain ay malapit nang matapos at dumating sa isang katapusan; gusto Ko pa ring gumawa ng pagbibigay ng payo, ibig sabihin, upang mag-alok ng ilang mga salita ng payo na dapat ninyong pakinggan.

Ene 25, 2019

2. Ano ang relasyon ng bawat yugto ng gawain ng Diyos sa Kanyang pangalan?

IV. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Relasyon ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Kanyang mga Pangalan


2. Ano ang relasyon ng bawat yugto ng gawain ng Diyos sa Kanyang pangalan?



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi” (Exodo 3:15).

Ene 24, 2019

Punuin ang Iyong Buhay ng Salita ng Diyos



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Punuin ang Iyong Buhay ng Salita ng Diyos

I
Magmula sa araw na ito, kapag kayo ay nagsalita,
sabihin ang mga salita ng Diyos.
Kapag kayo ay nagtipon-tipon,
hayaan itong maging pagbabahagi ng katotohanan,
sabihin ang iyong nalalaman
tungkol sa salita ng Diyos,
sabihin kung ano ang iyong isinasagawa
at kung paano gumagawa ang Espiritu.
Kapag ikaw ay may panahon,
talakayin ang salita ng Diyos.

Ene 23, 2019

Paano Mababawi ang Nawalang Kaligtasan



Tagalog Christian Songs

Paano Mababawi ang Nawalang Kaligtasan


I
Nagtanong Ka kung gaano katagal akong susunod sa Iyo;
sinabi kong ibibigay ko ang kabataan ko
at Ikaw ay sasamahan ko.
Isang bulong ang nagmula sa aking puso,
mundo ay niyanig at inugoy mga bundok.
Ako ay sumumpa na pisngi ay puno ng luha,
ngunit hindi alam sarili kong pagpapaimbabaw.
Sa paglipas ng panahon,
malalaking pagbabago ang nagpahina sa damdaming iyon,
at mga sinumpaan ko sa Iyo ay naging mga kasinungalingan.
Sa wakas naunawaan ko ang kaunti kong naibigay.

Ene 22, 2019

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX" (Pagpapatuloy ng Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nang nilkha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, ginamit Niya ang lahat ng uri ng sistema at pamamaraan upang mabalanse sila, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa mga kabundukan at mga lawa, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa lahat ng halaman at lahat ng mga uri ng mga hayop, mga ibon, mfga insekto—ang Kanyang layunin ay upang tulutan ang lahat ng uri ng mga nilalang upang mabuhay at magparami sa loob ng mga kautusang Kanyang itinatag.

Ene 21, 2019

Clip ng Pelikulang Anak, Umuwi Ka Na! (2/4) | "Bakit Napakadilim at Napakasama ng Mundo?"


      Sa maraming kabataang nahuhumaling ngayon sa online gaming at hindi makaalpas doon, at sa bawat henerasyon ng mga kabataan na mas malala pa kaysa sa huli, hindi maiwasang magtanong ang maraming tao ng: Bakit kailangang patuloy na tangkilikin, paunlarin at itaguyod ng lipunang ito ang online gaming para lasunin ang ating mga kabataan? Bakit napakadilim at napakasama ng mundo?

Manood ng higit pa:Kristianong video

Magrekomenda nang higit pa:Pelikulang Kristiano