Kung 'Di Ako Iniligtas ng D'yos
I
Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, palaboy pa rin hanggang ngayon,
naghihirap, nagkakasala; bawa't araw walang pag-asa.
Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, niyuyurakan pa rin ng d'yablo,
nabitag sa sala't layaw nito, mangmang sa kahihinatnan ng buhay ko.
Makapangyarihang Diyos ang nagliligtas sa akin, salita N'ya'y dinadalisay ako.
Maraming taong naniniwala na sa pananalig sa Panginoong Jesus ay mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, na naligtas sila ng kanilang pananampalataya, at bukod pa riyan kapag naligtas ang isang tao ay naligtas na sila magpakailanman, at kapag bumalik ang Panginoon mara-rapture sila at makakapasok sa kaharian ng langit! Pero sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Lahat ng taong ito na tumatawag ng "Panginoon, Panginoon" ay mga taong naligtas ng kanilang pananampalataya sa Panginoon, kaya bakit hindi lahat sa kanila ang makakapasok sa kaharian ng langit? Ano’ng nangyayari dito? Ano ba talaga ang kaugnayan ng maligtas sa pagpasok sa kaharian ng langit?
Kahit pinaghiwalay ng di-mabilang na karagatan at kabundukan, iisa tayong lahat, walang anumang hadlang sa atin, iba't iba man tayo ng kulay at iba't iba ang ating wika. Dahil sa tawag sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naitaas tayo sa harapan ng trono ng Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ano ang ipinahahayag ng tao ay kung ano ang kanyang nakikita, nararanasan, at kayang maguni-guni. Kahit na ito ay mga turo o mga paniwala, lahat ng mga ito ay kayang abutin ng pag-iisip ng tao. Gaano man kalaki ang gawain ng tao, hindi ito lalampas sa sakop ng karanasan ng tao, kung ano ang nakikita ng tao, o kung ano ang maaaring maguni-guni o maisip ng tao. Kung ano ang ipinahahayag ngDiyos ay kung ano ang Diyos Mismo, at ito ay hindi kayang abutin ng tao, ibig sabihin, lampas sa pag-iisip ng tao."
I Ang Diyos ay nagbibigay ng mga pangangailangan ng lahat ng tao, sa bawat lugar, sa lahat ng oras. Pinagmamasdan Niya’ng lahat ng kanilang iniisip, kung paano dumaan sa pagbabago ang kanilang mga puso. At binibigyan Niya sila ng kaginhawaan na kailangan nila, pinasisigla at ginagabayan sila. Para sa isang nagmamahal na sa Kanya, para sa isang sumusunod, walang ipagkakait ang Diyos, lahat ng Kanyang pagpapala ay ilalahad. Nagbibigay Siya ng biyaya sa kanilang lahat, at ang Kanyang awa ay dumadaloy nang malawak. Anong nasa Kaniya at kung ano Siya, nagbibigay Siya nang walang pasubali.