菜單

Ago 20, 2018

Latest Tagalog Christian Music Video | "Sa Pagkatakot Lang sa Diyos na Malalayuan ang Kasamaan"


I
Ang disposisyon ng Diyos ay kamahalan at poot. 
'Di Siya tupa na kakatayin lang ng kahit sino.
Hindi Siya manika, pinaglaruan ng kahit sino.
Ni 'di S'ya hangin, inuutusan lang ng tao.
Kung naniniwala ka sa pag-iral ng Diyos,
dapat puso mo'y may takot sa Kanya.
Alam mo dapat ang diwa ng Diyos ay 'di naaagrabyado.
Ang paglabag ay marahil dulot ng salita,
kaisipan, kaalaman o masamang gawain.
Maaaring dulot ito ng isang malumanay na kilos
na katanggap-tanggap ng moralidad.
Pero pag ginalit mo ang Diyos,
nawala mo na ang pagkakataong maligtas,
at ang mga huling araw mo'y malapit nang dumating.
Ito'y talagang nakakatakot.

Ago 19, 2018

Latest Christian Full Movie 2018 "Sino Siya na Nagbalik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)


Si Kim Yeongrok ay isang masipag na pastor sa relihiyosong komunidad ng Korea. Dahil uhaw sa katotohanan, buong kasabikan niyang inantabayanan ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus. Isang araw noong 2013, nabasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa Chosun Ilbo. Ang mga salitang ito, na puno ng kapangyarihan, ay nagkaroon ng agarang epekto sa kanya, at talagang naantig siya. Upang makatiyak na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ang Tagapagligtas na matagal niyang hinintay, sinimulan niyang hanapin at siyasatin ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos. … Habang isa-isa niyang nalulutas ang bawat pagdududa sa kanyang puso, talagang napakasaya ni Kim Yeongrok kaya sinimulan niyang magpatirapa: ang Makapangyarihang Diyos ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus sa mga huling araw. Tahimik siyang dumating sa atin at matagal nang ginagawa ang paghatol simula sa bahay ng Diyos!  

Ago 18, 2018

Ang Kaugnayan sa Pagitan ng Paghatol sa mga Huling Araw at Pagpasok sa Kaharian ng Langit


  Sa mga relihiyoso, maraming naniniwala na basta’t iniingatan nila ang pangalan ng Panginoon, matibay ang pananalig nila sa pangako ng Panginoon at nagpapakahirap sila para sa Panginoon, pagbalik Niya mara-rapture sila at makakapasok sa kaharian ng langit. Makakapasok ba talaga ang isang tao sa kaharian ng langit sa pananalig sa Panginoon sa ganitong paraan? Ano ba mismo ang mangyayari sa atin kung hindi natin tatanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit ... Si Cristo ay ang daanan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, na walang sinuman ang makakalampas. Walang sinuman ang gagawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lang" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Para mas detalyado ang inyong pagkaunawa, panoorin lamang ang maikling videong ito!

Ago 17, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Awit ng Tagumpay" God’s Judgment in the Last Days (Tagalog Dubbed)



   Ang gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay umalingawngaw sa bawat sekta at grupo. Kasunod ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinatanggap at ipinapalaganap ng parami nang paraming mga tao, ang mga tunay na mananampalataya sa Diyos na uhaw para sa Kanyang pagpapakita ay bumabalik nang paisa-isa sa harap ng trono ng Diyos. Samantala, ang pamahalaan ng Tsina at ang mga relihiyosong pastor at elder ay walang humpay na sinusupil at inuusig ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula simula hanggang matapos. Ang babae na pangunahing tauhan ng pelikula, si Zheng Xinjie, ay isang miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagpapalaganap ng ebanghelyo. Naharap niya ang magulong pang-aapi at mga pag-atake mula sa Komunistang Pamahalaan ng Tsina at mga relihiyosong lider. Kasama ang kanyang mga kapatid, umaasa sa Diyos, paano niya pagtatagumpayan itong madilim na mga puwersa ni satanas upang makanta ang isang awit ng tagumpay? ...

Ago 16, 2018

Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod

Cristo, Espiritu, Karanasan, salita ng Diyos, Diyos

   Mula pa sa simula ng Kanyang gawain sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay. Ang Kanyang layunin ay tuparin ang Kanyang sariling kalooban at tiyaking ang Kanyang gawain sa daigdig ay nadadala sa maayos na kaganapan. Ito ang layunin ng Diyos sa pagpili ng mga tao na maglilingkod sa Kanya. Ang bawat tao na naglilingkod sa Diyos ay dapat nauunawaan ang kaloobang ito ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang gawaing ito, mas mahusay na nakikita ng mga tao ang karunungan ng Diyos at pagka-makapangyarihan ng Diyos, at nakikita ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang Diyos ay tunay na dumarating sa daigdig upang gawin ang Kanyang gawain, nakikipag-ugnayan sa mga tao, upang mas malinaw nilang malaman ang Kanyang mga gawa. Ngayon, itong grupo ninyo ay mapalad na naglilingkod sa praktikal na Diyos. Ito ay hindi mabilang na pagpapala para sa inyo. Sa katotohanan, ang Diyos ang nagtataas sa inyo. Sa pagpili ng isang tao na maglilingkod sa Kanya, ang Diyos ay laging may sariling mga prinsipyo. Ang paglilingkod sa Diyos, gaya ng iniisip ng mga tao, ay tunay na hindi lamang isang simpleng bagay ng labis na kagustuhan. Ngayon nakikita ninyo kung paano ang sinumang naglilingkod sa Diyos sa Kanyang presensiya ay ginagawa ito sa patnubay ng Diyos at gawa ng Banal na Espiritu; sila ang naghahanap ng katotohanan. Ang mga ito ang pinakamababang kinakailangan na dapat taglayin ng lahat ng naglilingkod sa Diyos.

Ago 15, 2018

Tagalog Christian Songs | "Dalawang Libong Taon ng Pananabik" (Tagalog Dubbed)



•*¨*•.¸¸🌹 .•*¨*•.¸¸ 🌹.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸🌹.•*¨*•.¸¸🌹.•*¨*•.¸¸
I
Na ang Diyos ay nagkatawang-tao
niyayanig ang relihiyosong mundo,
nagugulong pangrelihiyong kaayusan,
at ginigising lahat ng kaluluwang
nananabik sa pagpapakita ng Diyos.
Sinong 'di namamangha dito? 
Sino ang hindi nasasabik na makita ang Diyos?
Ilang taon ang ginugol ng Diyos sa piling ng tao,
ngunit 'di ito namalayan ng tao.
Ngayon, ang Diyos Mismong nagpakita
para muling ibalik ang dati Niyang pagmamahal sa tao.

Ago 14, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ngunit sa puso ni Noe at sa kanyang kamalayan, ang pag-iral ng Diyos ay ganap at walang alinlangan, at kaya ang kanyang pagsunod sa Diyos ay walang halo at kayang tumayo sa pagsubok. Ang kanyang puso ay malinis at bukas sa Diyos. Hindi niya kailangan ng masyadong maraming kaalaman sa mga doktrina upang makumbinsi ang sarili niyang sumunod sa bawat salita ng Diyos, ni hindi rin niya kailangan ng maraming katunayan upang patunayan ang pag-iral ng Diyos, upang matanggap niya kung ano ang ipinagkatiwala ng Diyos at makayang gawin ang anumang ipinagagawa sa kanya ng Diyos. Ito ang mahalagang pagkakaiba ni Noe at ng mga tao sa kasalukuyan, at ito rin ang tiyak na tunay na kahulugan ng kung ano ang isang perpektong tao sa mata ng Diyos. Ang nais ng Diyos ay mga taong tulad ni Noe. Siya ang uri ng taong pinupuri ng Diyos, at tiyak rin na uri ng taong pinagpapala ng Diyos. May natanggap ba kayong anumang pagliliwanag mula rito? Ang mga tao ay tumitingin sa mga tao mula sa labas, samantalang ang tinitingnan ng Diyos ay ang mga puso ng mga tao at ang kanilang diwa."