菜單

Ago 14, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ngunit sa puso ni Noe at sa kanyang kamalayan, ang pag-iral ng Diyos ay ganap at walang alinlangan, at kaya ang kanyang pagsunod sa Diyos ay walang halo at kayang tumayo sa pagsubok. Ang kanyang puso ay malinis at bukas sa Diyos. Hindi niya kailangan ng masyadong maraming kaalaman sa mga doktrina upang makumbinsi ang sarili niyang sumunod sa bawat salita ng Diyos, ni hindi rin niya kailangan ng maraming katunayan upang patunayan ang pag-iral ng Diyos, upang matanggap niya kung ano ang ipinagkatiwala ng Diyos at makayang gawin ang anumang ipinagagawa sa kanya ng Diyos. Ito ang mahalagang pagkakaiba ni Noe at ng mga tao sa kasalukuyan, at ito rin ang tiyak na tunay na kahulugan ng kung ano ang isang perpektong tao sa mata ng Diyos. Ang nais ng Diyos ay mga taong tulad ni Noe. Siya ang uri ng taong pinupuri ng Diyos, at tiyak rin na uri ng taong pinagpapala ng Diyos. May natanggap ba kayong anumang pagliliwanag mula rito? Ang mga tao ay tumitingin sa mga tao mula sa labas, samantalang ang tinitingnan ng Diyos ay ang mga puso ng mga tao at ang kanilang diwa."

Ago 13, 2018

Tagalog Christian Music "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" (Musical Documentary) | Power of God


    Sa buong kalawakan ng sansinukob, lahat ng bagay sa kalawakan ay gumagalaw nang eksakto sa sarili nilang orbit. Sa ilalim ng kalangitan, mga bundok, mga ilog, at mga lawa, lahat ay may hangganan, at lahat ng nilalang ay nabubuhay at nagpaparami sa loob ng apat na panahon alinsunod sa mga batas ng buhay …. Napakaganda ng pagkadisenyo sa lahat ng ito—may Isang Makapangyarihan bang namamahala at nagsasaayos sa lahat ng ito? Mula nang dumating tayo sa mundong ito na umiiyak, nakapagsimula na tayong gumanap ng iba’t ibang papel sa buhay. Mula pagsilang hanggang pagtanda hanggang sa magkasakit at mamatay, kung minsa’y nagagalak tayo at kung minsa’y nalulungkot …. Saan ba talaga nanggagaling ang tao, at saan tayo talaga patutungo? Sino ang namamahala sa ating mga tadhana? Mula noong unang panahon hanggang sa makabagong panahon, nagsibangon ang mga dakilang bansa, nagdatingan at nangawala ang mga dinastiya, at ang mga bansa at mga tao ay umunlad at naglaho sa pahina ng kasaysayan…. Tulad sa mga batas ng kalikasan, ang mga batas sa pagsulong ng sangkatauhan ay nagtataglay ng walang katapusang mga hiwaga. Gusto mo bang malaman ang mga sagot sa mga ito? Ang dokumentaryong Siya na May Kapangyarihan sa Lahat ay gagabayan ka upang malaman ang pinag-ugatan nito, at para maihayag ang lahat ng hiwagang ito!

Ago 12, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Hinahanap Ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu"


I
Taong nilisan tustos-buhay mula sa Makapangyarihan
di alam ba't umiiral, nguni't takot sa kamatayan.
Walang suporta at tulong,
ngunit nag-aatubili pa ring ipikit kanilang mga mata,
sinusuong ang lahat,
inilalantad walang dangal na buhay sa mundo
sa katawang kaluluwa ay walang malay.
Buhay nang walang pag-asa't layunin.
Ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat,
ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat
na magliligtas sa nagdurusa
at naghahangad ng Kanyang pagdating.
Sa taong walang-malay,
paniwalang ito'y di pa matatanto hanggang ngayon.
Gayunman, tao'y hangad pa rin ito, hangad ito.

Ago 11, 2018

Nasa Langit ba ang Kaharian ng Langit o nasa Lupa?



Maraming sumasampalataya sa Panginoon ang naniniwala na ang kaharian ng langit ay nasa langit. Totoo ba ito? Sabi sa Panalangin ng Panginoon: "Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa" (Mateo 6:9-10). Sabi sa Aklat ng Pahayag, "Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo" (Pahayag 11:15). "Ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, … ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao" (Pahayag 21:2-3). Kaya, nasa langit ba ang kaharian ng langit o nasa lupa?

Ago 10, 2018

Tagalog Christian Movie Clips | Pananabik "Saan ang Lugar na Naihanda ng Panginoon para sa Atin?"


Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus, "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’s maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Maraming naniniwala na nagbalik sa langit ang Panginoon, kaya siguradong naghanda Siya ng lugar para sa atin sa langit. Naaayon ba ang pagkaunawang ito sa mga salita ng Panginoon? Anong mga hiwaga ang nakapaloob sa pangakong ito?

Ago 9, 2018

Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (IV) (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)


Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (IV) (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)


   Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
1. Paano Pinamamahalaan at Pinangangasiwaan ng Diyos ang Espirituwal na Mundo
1) Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Mga Taong Hindi Sumasampalataya



Ago 8, 2018

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos

pananalig, landas, kabutihan, Jesus, salita ng Diyos

    Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, kung gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanasa ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong masamang disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwa’t ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makakatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagka’t sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang substansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari kayang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos nguni’t hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Diyos nguni’t tinututulan Siya, ay tunay na makakatupad sa ninanasa ng Diyos?