菜單

Hun 4, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan


I
Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan;
gawing pinakabanal at marangal ang Diyos,
ang pinakamataas at tanging bagay para sa pagsamba;
pahintulutan ang buong sangkatauhan na
mabuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos,
tulad ng mga inapo ni Abraham
ay namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova,
tulad ng nilikha ng Diyos na
sina Adan at Eva ay nanirahan sa Hardin ng Eden.

Hun 3, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (1)


Mula nang magkaroon ng kapangyarihan, walang-tigil nang sinugpo at pinagmalupitan ng Chinese Communist Party ang mga paniniwala sa relihiyon, at hayagan pang binansagan ang Kristiyanismo at Katolisismo na mga kulto at tinawag na babasahing pangkulto ang Biblia. Sa pagdaan ng mga taon, nagpapatotoo na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyossa pagbalik ng Panginoong Jesus, at hinatulan din ito ng CCP na isang kulto. Ang CCP ay isang ateistang partido. Isa itong napakasamang rehimen na kaaway ng Diyos, kaya paano ito nagkaroon ng karapatang magsabi na ang anumang partikular na relihiyon ang tunay na daan, o isang kulto? Paano maiintindihan ng isang tao kung ano talaga ang kulto? 

Rekomendasyon:

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal



Hun 2, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang mga Nalinis lang ang Makakapasok sa Kapahingahan


I
Ang sangkatauhan ng hinaharap,
kahit nagmula kay Adan at Eba,
di na mabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas,
bagkus lahi ng nailigtas, ng nalinis.
Ito'y sangkatauhan na kinastigo't hinatulan,
sangkatauhan na pinabanal.
Iba sila sa sinaunang lahi, sa sinaunang lahi nina Adan at Eba,
ibang-iba na halos isang ganap na bagong lahi.
Pinili mula sa mga tiniwali ni Satanas,
nakatayo nang matatag sa huling paghatol,
itong nalalabing grupo,
kasama ng Diyos, ang makakapasok sa huling kapahingahan.

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (2)


Pagkatapos ng nangyari sa Zhaoyuan noong Mayo 28 sa Shandong na nakagulat kapwa sa China at sa iba pang mga bansa, nang litisin ng CCP ang kaso, malinaw na ipinagtapat ng mga sangkot na hindi sila mga miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Gayunman, ipinilit pa rin ng CCP na tukuyin silang mga tao na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ano ang motibo nila? Anong klaseng pakana ang nasa likod ng kasong ito?

Rekomendasyon:

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Hun 1, 2018

Tagalog Christian Gospel Videos | "Suwerte at Kasawian" Christian Testimony


Dahil siya ay nagmula sa dukhang pamilya, mula pa sa pagkabata determinado na si Du Juan na yumaman at magkaroon ng mas magandang buhay. Para magkatotoo ang mithiing ito, tumigil siya sa pag-aaral para magtrabaho, anuman ang kaya niyang gawin para magkapera. Hindi siya nagreklamo kapag mahirap at nakakapagod ang trabaho. Gayunman, hindi niya nakuha ang hangad niyang resulta. Gaano man siya nagpakasipag, hindi niya natamo ang buhay na gusto niya para sa kanyang sarili. Noong 2008, kimkim ang pangarap na yumaman, nagpunta sila ng kanyang asawa sa Japan para magtrabaho. Pagkaraan ng ilang taon, hinimatay siya sa pagod dahil sa dami ng mabibigat na gawain at sobrang haba ng pagtatrabaho. Nalungkot siya nang husto dahil sa mga resulta ng mga imbestigasyon sa ospital, ngunit para makamit ang kanyang mga pangarap, hindi sumuko si Du Juan. Patuloy siyang nagtrabaho, sa kabila ng kanyang karamdaman, na determinadong magsikap. Kalaunan, napilitan siyang tumigil sa pagpapayaman dahil sa labis na paghihirap sa kanyang kalagayan. Sa gitna ng kanyang sakit, nagsimula siyang magnilay-nilay: Sa kabila ng lahat, bakit nabubuhay ang tao? Nararapat bang isapalaran ang buhay ng tao alang-alang sa pera? Masaya ba ang maging mayaman? Patuloy na naglaro sa kanyang isipan ang mga pagdududang ito. Di nagtagal, dumating sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Mula sa mga salita ng MakapangyarihangDiyos, nalaman niya ang pinagmumulan ng pasakit sa buhay ng tao, at naunawaan din niya kung bakit nabubuhay ang tao, at paano mabuhay bago maging makabuluhan ang kanyang buhay …. Tuwing iisipin niya ang karanasang ito, napapabuntong-hininga si Du Juan: Ang karamdamang ito ay talagang nagbigay sa kanya ng pagpapala mula sa kapighatian!

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

Sa Aba sa mga Yaon na Muling Magpapako sa Diyos sa Krus

May 31, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (3)


Mula nang hibang na pahirapan ng CCP ang mga Kristiyano at kailangan pa nilang makita kung pupuksain ito ng Diyos, maraming hindi naniwala na ang pagkalaban sa Diyos ay hahantong sa paghihiganti o parusa, at lalong hindi sila naniniwala na mayroong Diyos o na Siya ang namamahala. May batayan ba sa katotohanan ang pananaw na ito? Naaayon ba ito sa mga tunay na pangyayari sa gawain ng Diyos? 

Rekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.

Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

May 30, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Pangangalaga ng Diyos ay Laging Kasama ng Sangkatauhan


I
Tinitingnan ng Diyos ang paglalang, nagbabantay,
araw-araw, nagmamasid.
Mapagkumbabang itinatago ang Kanyang Sarili,
tinitikman ang buhay ng tao,
Tinitingnan ang bawat gawa ng tao.
Sino ang tunay na naghandog ng kanilang sarili sa Diyos?
Sino ang humabol kailanman sa katotohanan?
Sino ang masigasig na nakatanggap sa Diyos,
iningatan ang mga pangako na ginawa,
at sinunod ang kanilang tungkulin sa Diyos?
Sino ba ang nagpapahintulot sa Diyos na tumira sa loob nila?
Sino ang nagpahalaga sa Diyos
tulad ng kanilang sariling buhay?
Sino ang kailanman nakakita ng Kanyang ganap na pagka-Diyos,
o nahandang hipuin ang Diyos Mismo?
Kapag ang mga tao ay lumubog sa tubig,
inililigtas sila ng Diyos.
Kapag 'di nila kayang harapin ang buhay,
iniaangat sila ng Diyos
at binibigyan sila ng lakas ng loob upang mabuhay muli,
at binibigyan sila ng pangalawang pagkakataon.
Upang Siya'y tatanggapin nila bilang kanilang pundasyon.
Kapag sumuway sila,
tinatanggap ng Diyos ang pagkakataong ito
upang ipakilala ang Kanyang Sarili sa kanila.