菜單

May 31, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (3)


Mula nang hibang na pahirapan ng CCP ang mga Kristiyano at kailangan pa nilang makita kung pupuksain ito ng Diyos, maraming hindi naniwala na ang pagkalaban sa Diyos ay hahantong sa paghihiganti o parusa, at lalong hindi sila naniniwala na mayroong Diyos o na Siya ang namamahala. May batayan ba sa katotohanan ang pananaw na ito? Naaayon ba ito sa mga tunay na pangyayari sa gawain ng Diyos? 

Rekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.

Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

May 30, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Pangangalaga ng Diyos ay Laging Kasama ng Sangkatauhan


I
Tinitingnan ng Diyos ang paglalang, nagbabantay,
araw-araw, nagmamasid.
Mapagkumbabang itinatago ang Kanyang Sarili,
tinitikman ang buhay ng tao,
Tinitingnan ang bawat gawa ng tao.
Sino ang tunay na naghandog ng kanilang sarili sa Diyos?
Sino ang humabol kailanman sa katotohanan?
Sino ang masigasig na nakatanggap sa Diyos,
iningatan ang mga pangako na ginawa,
at sinunod ang kanilang tungkulin sa Diyos?
Sino ba ang nagpapahintulot sa Diyos na tumira sa loob nila?
Sino ang nagpahalaga sa Diyos
tulad ng kanilang sariling buhay?
Sino ang kailanman nakakita ng Kanyang ganap na pagka-Diyos,
o nahandang hipuin ang Diyos Mismo?
Kapag ang mga tao ay lumubog sa tubig,
inililigtas sila ng Diyos.
Kapag 'di nila kayang harapin ang buhay,
iniaangat sila ng Diyos
at binibigyan sila ng lakas ng loob upang mabuhay muli,
at binibigyan sila ng pangalawang pagkakataon.
Upang Siya'y tatanggapin nila bilang kanilang pundasyon.
Kapag sumuway sila,
tinatanggap ng Diyos ang pagkakataong ito
upang ipakilala ang Kanyang Sarili sa kanila.

May 29, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (4)


Sabi ng Panginoong Jesus, "Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal" (Marcos 16:15). Ang pagkakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos ay isang mabuti at matuwid na gawa ng mga Kristiyano. Ngunit malupit na inaaresto at pinahihirapan ng Chinese Communist Party ang mga Kristiyano, na humantong sa pagkasira ng maraming pamilya, ang ilan ay wala nang tahanang maaaring balikan, at maraming naaresto at nakulong. Ang ilan ay pinahirapan pa hanggang sa mamatay, pero patuloy na binaligtad ng CCP ang katotohanan, na sinasabi na nasira ang kanilang pamilya dahil sa kanilang pananalig sa Diyos. sino ang tunay na salarin sa pagkasira ng napakaraming pamilyang mga Kristiyano?

Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Walang Makahahadlang sa Gawain Ng Diyos


Ang gawain ng Diyos, ang gawain ng Diyos,
walang maaaring makahadlang kailanman sa gawain ng Diyos.
Nang nangako ang Diyos kay Abraham
na magkakaroon siya ng anak na lalaki,
naisip niya na imposible,
naisip niya na ito ay isang biro.
Anuman ang ginagawa o iniisip ng tao,
hindi ito mahalaga sa Diyos.
Ang lahat magpapatuloy sa pamamagitan ng panahon
at plano ng Diyos;
iyon ang tuntunin ng Kanyang gawain.
Ang pamamahala ng Diyos
ay di-tinatablan ng mga bagay at tao.
Lahat ay mangyayari sa tamang oras tulad ng dinisenyo.
Walang maaaring makahadlang kailanman sa gawain ng Diyos,
sa gawain ng Diyos.
Walang maaaring makahadlang kailanman sa gawain ng Diyos.

May 27, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | “Red Re-Education sa Bahay” | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (5)


Ang karaniwang kaalaman na ang Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodox Church ay pawang mga relihiyon na nananalig sa Panginoong Jesucristo. Nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Cristo ng mga huling araw. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang iglesia ni Cristo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bahagi rin ng Kristiyanismo. Kaya bakit ikinakaila ng Chinese Communist Party na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang iglesiang Kristiyano? Ano ba talaga ang Kristiyanismo?
Rekomendasyon:
 Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?
Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo

May 26, 2018

Cristianong Kanta | Ang Diyos ay Nagpakita sa Silangan ng Mundo Nang May Kaluwalhatian


I Diyos ay gumagawa sa buong sansinukob. Dagundong ng ingay sa Silanganang 'di tumitigil, nililiglig lahat ng denominasyo't lahat ng sekta. Ito'y tinig ng Diyos, lahat dinala sa kasalukuyan. Ito'y Kanyang tinig na sa lahat ay lulupig. Sila'y nahuhulog sa agos nito, at nagpapasakop sa Kanya. Matagal nang nabawi ng Diyos sa lupa ang luwalhati, at mula Silangan ay inilabas Niyang muli. Sinong 'di sabik makita ang luwalhati ng Diyos? Sinong 'di naghihintay at nananabik Sa Kanyang pagbabalik? Sinong hindi nauuhaw na Siya'y magpakitang muli? Sinong 'di nangungulila sa Kanyang kariktan? Sinong 'di lalapit tungo sa liwanag? Sinong di nais makita yaman ng Canaan? Sinong 'di nananabik sa pagbalik ng Manunubos? Sinong 'di hanga sa Makapangyarihan-sa-lahat?

May 25, 2018

Tagalog na Cristianong Kanta | ‘Pag Binuksan Mo’ng Puso Mo sa Diyos


‘Pag ang Diyos ay ‘di mo batid, at likas Niya’y di mo tanto,
puso mo’y hindi magbubukas ng tunay para sa Diyos.
‘Pag naintindihan mo na’ng iyong Diyos,
ang nasa puso Niya’y mauunawaan mo,
at ito’y daranasin mong lubusan ng
may buong pananampalataya.
‘Pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos nang unti-unti,
sa bawat araw,
‘pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos,
pagbubuksan Siya ng iyong puso.
‘Pag tunay na bukas ang ‘yong puso,
‘pag tunay na bukas ang ‘yong puso,
iyong makikitang suklam
at kahihiyang mapaglustay’t makasariling hiling.
‘Pag tunay na bukas ang ‘yong puso,
‘pag tunay na bukas ang ‘yong puso.
Makikita sa puso Niya’y mundong walang-hanggan,
tungo sa kahariang walang katulad.
Sa kaharia’y walang pandaraya,
walang panlilinlang, walang kadiliman, at walang kasamaan.
Tanging kataimtiman at katapatan;
tanging pagkamatuwid at kagandahang-loob.
Siya’y pag-ibig, Siya’y mapag-aruga,
walang hanggang kahabagan.
Sa iyong buhay, saya’y nadarama,
kung buksan ang puso mo sa Diyos.
Sa dunong Niya’t lakas napupuspos ang kaharian,
maging ng awtoridad Niya’t pag-ibig.
Makikita mo kung anong mayroon at sino Siya,
kung ano ang nagdudulot sa Kanya ng saya,
ng hapis, ng lungkot at galit,
nariyang makita ng lahat.
‘Pag binuksan ang puso mo sa Diyos
at anyayahan Siyang tumuloy.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan atmga Pagpapala.
Sa Aba sa mga Yaon na Muling Magpapako sa Diyos sa Krus