I
Tinitingnan ng Diyos ang paglalang, nagbabantay,
araw-araw, nagmamasid.
Mapagkumbabang itinatago ang Kanyang Sarili,
tinitikman ang buhay ng tao,
Tinitingnan ang bawat gawa ng tao.
Sino ang tunay na naghandog ng kanilang sarili sa Diyos?
Sino ang humabol kailanman sa katotohanan?
Sino ang masigasig na nakatanggap sa Diyos,
iningatan ang mga pangako na ginawa,
at sinunod ang kanilang tungkulin sa Diyos?
Sino ba ang nagpapahintulot sa Diyos na tumira sa loob nila?
Sino ang nagpahalaga sa Diyos
tulad ng kanilang sariling buhay?
Sino ang kailanman nakakita ng Kanyang ganap na pagka-Diyos,
o nahandang hipuin ang Diyos Mismo?
Kapag ang mga tao ay lumubog sa tubig,
inililigtas sila ng Diyos.
Kapag 'di nila kayang harapin ang buhay,
iniaangat sila ng Diyos
at binibigyan sila ng lakas ng loob upang mabuhay muli,
at binibigyan sila ng pangalawang pagkakataon.
Upang Siya'y tatanggapin nila bilang kanilang pundasyon.
Kapag sumuway sila,
tinatanggap ng Diyos ang pagkakataong ito
upang ipakilala ang Kanyang Sarili sa kanila.