Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t walong Pagbigkas
Ayon sa likas na mga katangian ng sangkatauhan, iyan ay, ang tunay na mukha ng sangkatauhan, ang makayang makapagpatuloy hanggang ngayon ay tunay na hindi naging isang madaling bagay, at tangi lamang sa pamamagitan nito kaya ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay naging kitang-kita. Batay sa esensya ng laman gayundin sa pagkatiwali ng malaking pulang dragon hanggang sa puntong ito, kung hindi sa paggabay ng Espiritu ng Diyos, paanong makatatayo pa rin ang tao ngayon? Ang tao ay hindi karapat-dapat na lumapit sa harap ng Diyos, subali’t minamahal Niya ang sangkatauhan alang-alang sa Kanyang pamamahala at upang ang Kanyang dakilang gawa ay matupad bago maging lubhang matagal. Sa katotohanan, walang tao ang makapagsusukli sa pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan sa loob ng panahon ng kanilang buhay. Marahil may umaasam na masuklian ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng kanilang mga buhay, nguni’t sinasabi Ko sa iyo: Ang tao ay hindi karapat-dapat na mamatay sa harap ng Diyos, kaya’t ang kamatayan ng tao ay walang kabuluhan. Sapagka’t sa Diyos ang kamatayan ng isang tao ay hindi man lamang karapat-dapat na mabanggit, ni may halaga man itong isang sentimo, kundi, ito ay tulad ng kamatayan ng isang langgam. Aking pinapayuhan ang mga tao na huwag isipin ang iyong sarili na napakahalaga, at huwag isipin na ang mamatay para sa Diyos ay may taglay na bigat ng isang malaking bundok. Sa katotohanan, ang kamatayan ng isang tao ay isang bagay na kasinggaan ng isang balahibo. Hindi ito karapat-dapat na maitala. Nguni’t gayundin, ang laman ng tao ay isinumpang mamatay ng kalikasan, kaya’t sa katapusan, ang katawang pisikal ay kailangang magwakas sa lupa. Ito ang tapat na katotohanan, at walang makapagtatanggi rito. Ito ay isang “batas ng kalikasan” na Aking binuo mula sa lahat ng karanasan ng pantaong buhay. Kaya’t hindi namamalayan, ang pagwawakas ng Diyos para sa tao ay binibigyang-kahulugan sa ganoon. Nauunawaan mo ba? Hindi nakapagtataka na sinasabi ng Diyos “Aking kinamumuhian ang pagkamasuwayin ng sangkatauhan. Hindi Ko alam kung bakit. Tila kinamuhian ko na ang tao mula sa pasimula, at gayunman ay lubha kong nadarama ang kanilang nadarama. Kaya’t ang tao ay tumitingin sa Akin nang may dalawang puso, sapagka’t mahal Ko ang tao, at kinamumuhian Ko rin ang tao.”