菜單

May 5, 2018

Ang tinig ng Diyos | Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t walong Pagbigkas

Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t walong Pagbigkas


    Ayon sa likas na mga katangian ng sangkatauhan, iyan ay, ang tunay na mukha ng sangkatauhan, ang makayang makapagpatuloy hanggang ngayon ay tunay na hindi naging isang madaling bagay, at tangi lamang sa pamamagitan nito kaya ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay naging kitang-kita. Batay sa esensya ng laman gayundin sa pagkatiwali ng malaking pulang dragon hanggang sa puntong ito, kung hindi sa paggabay ng Espiritu ng Diyos, paanong makatatayo pa rin ang tao ngayon? Ang tao ay hindi karapat-dapat na lumapit sa harap ng Diyos, subali’t minamahal Niya ang sangkatauhan alang-alang sa Kanyang pamamahala at upang ang Kanyang dakilang gawa ay matupad bago maging lubhang matagal. Sa katotohanan, walang tao ang makapagsusukli sa pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan sa loob ng panahon ng kanilang buhay. Marahil may umaasam na masuklian ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng kanilang mga buhay, nguni’t sinasabi Ko sa iyo: Ang tao ay hindi karapat-dapat na mamatay sa harap ng Diyos, kaya’t ang kamatayan ng tao ay walang kabuluhan. Sapagka’t sa Diyos ang kamatayan ng isang tao ay hindi man lamang karapat-dapat na mabanggit, ni may halaga man itong isang sentimo, kundi, ito ay tulad ng kamatayan ng isang langgam. Aking pinapayuhan ang mga tao na huwag isipin ang iyong sarili na napakahalaga, at huwag isipin na ang mamatay para sa Diyos ay may taglay na bigat ng isang malaking bundok. Sa katotohanan, ang kamatayan ng isang tao ay isang bagay na kasinggaan ng isang balahibo. Hindi ito karapat-dapat na maitala. Nguni’t gayundin, ang laman ng tao ay isinumpang mamatay ng kalikasan, kaya’t sa katapusan, ang katawang pisikal ay kailangang magwakas sa lupa. Ito ang tapat na katotohanan, at walang makapagtatanggi rito. Ito ay isang “batas ng kalikasan” na Aking binuo mula sa lahat ng karanasan ng pantaong buhay. Kaya’t hindi namamalayan, ang pagwawakas ng Diyos para sa tao ay binibigyang-kahulugan sa ganoon. Nauunawaan mo ba? Hindi nakapagtataka na sinasabi ng Diyos “Aking kinamumuhian ang pagkamasuwayin ng sangkatauhan. Hindi Ko alam kung bakit. Tila kinamuhian ko na ang tao mula sa pasimula, at gayunman ay lubha kong nadarama ang kanilang nadarama. Kaya’t ang tao ay tumitingin sa Akin nang may dalawang puso, sapagka’t mahal Ko ang tao, at kinamumuhian Ko rin ang tao.”

    Sinong hindi pumupuri sa Diyos para sa Kanyang presensya o Kanyang pagpapakita? Sa panahong ito, para bang ganap Ko nang nakalimutan ang pagiging-di-dalisay at pagiging-di-matuwid sa loob ng tao. Ang pagkamatuwid-sa-sarili ng sangkatauhan, kahalagahan-ng-sarili, pagkamasuwayin, paglaban, at lahat ng kanyang pagkarebelde—pinipilit Ko itong iwaglit sa Aking isipan upang kalimutan. Ang Diyos ay hindi nasisikil dahil sa pagiging gayon ng sangkatauhan. Yamang ang Diyos at Ako ay “parehong nararanasan ang ganitong pasakit,” palalayain Ko rin ang Aking Sarili mula sa palaisipang ito, kung hindi ay lalo pa Akong masisikil ng tao. Bakit magpapakaabala sa ganyan? Dahil ayaw ng tao na sumama sa sambahayan ng Diyos kasama Ko, paano Ko magagamit ang Aking kapangyarihan upang supilin sila? Hindi Ko ginagawa ang mga bagay-bagay upang ipilit ang Aking kapangyarihan sa kanila, at hindi nakapagtataka, dahil Ako ay isinilang sa pamilya ng Diyos, kaya sabihin pa na ang tao at Ako ay laging magkaiba. Ito ay humantong sa matinding pagkatalo sa kasalukuyan. Nguni’t patuloy Kong iniiwasan ang mga kahinaan ng tao; anong Aking pagpipilian? Ako ang dapat sisihin sa pagiging walang-kapangyarihan. Hindi nakapagtataka na inaasam ng Diyos na “magretiro” mula sa “ahensya” ng sangkatauhan, at ninanais ang Kanyang “pensyon.” Ako ay nagsasalita mula sa pananaw ng isang tao, at ang tao ay hindi nakikinig, nguni’t kapag Ako ay nagsalita bilang Diyos, di ba sila ay sumusuway pa rin? Marahil ay darating ang araw na ang Diyos ay tunay na biglang “magreretiro” mula sa “ahensya” ng sangkatauhan, at kapag dumating ang sandaling iyon, ang salita ng Diyos ay mas lalo pang magiging mabagsik. Sa kasalukuyan, maaaring dahil sa Akin kaya ang Diyos ay nagsasalita sa ganitong paraan, at kung darating ang araw na yaon, ang Diyos ay hindi na magiging tulad Ko, matiyagang “nagsasalaysay ng mga kuwento sa mga bata sa isang paaralang pambata.” Marahil ay hindi natutumbok ng Aking sinasabi ang punto. Alang-alang lamang sa Diyos na nagkatawang-tao kaya ang Diyos ay handang luwagan nang kaunti ang Kanyang paghawak sa tao, kung hindi, ito ay magiging masyadong nakakatakot na isipin. Gaya ng sinabi ng Diyos, “Niluwagan Ko ang Aking paghawak sa kanila sa isang tiyak na antas, tinutulutan sila na magpasásà sa kanilang makalamang mga pagnanásà, kaya’t nangahas sila na maging malaya, walang nakapipigil, at makikita na hindi nila Ako tunay na minahal, dahil namuhay sila sa laman.” Bakit sinasabi ng Diyos dito na “nagpapasásà sa kanilang mga pagnanásà,” at “namuhay sa laman”? Sa katotohanan, ang pananalitang ito ay hindi nangangailangan ng Aking interpretasyon at ito ay maaaring maunawaan nang likas. Marahil ay may mga taong nagsasabi na hindi nila nauunawaan, nguni’t Aking sasabihin na nalalaman mo ang katotohanan, at nagkukunwari lamang ng kamangmangan. Ipinaaalaala Ko sa iyo: Bakit sinasabi ng Diyos na “Hinihingi Ko lamang sa tao na makipagtulungan sa Akin”? Bakit sinasabi ng Diyos na ang pantaong kalikasan ay mahirap baguhin? Bakit kinamumuhian ng Diyos ang pantaong kalikasan? At ano ang eksaktong kalikasan ng tao? Ano ang hindi kalikasan ng tao? Sinong nakaisip ng mga katanungang ito? Marahil ito ay isang bagong paksa sa tao, nguni’t kung anuman, nakikiusap Ako sa tao na pag-ukulan ito ng malaking pagsasaalang-alang, kung hindi lagi kang magkakasala sa Diyos dahil sa mga salitang gaya ng “ang pantaong kalikasan ay hindi-nagbabago.” Anong kabutihan nito na kumilos laban sa Kanya sa ganyang paraan? Hindi ba ito sa kasukdulan ay paghahanap lamang ng gulo? Hindi ba ito, sa katapusan, ay para lamang paghahagis ng isang itlog laban sa isang bato?
    Sa katotohanan, lahat ng mga pagsubok at mga tukso na dumarating sa tao ay mga aral na kinakailangan ng Diyos sa tao. Ayon sa orihinal na hangarin ng Diyos, kahit na isuko ng tao ang kanyang sarili sa paghiwalay sa isang bagay na minamahal niya, ito ay makakamit pa rin. Ang suliranin lamang ay laging minamahal ng tao ang kanyang sarili, kaya nabibigo siyang tunay na makipagtulungan sa Diyos. Hindi humihingi ng malaki ang Diyos sa tao. Ang hinihingi lamang ng Diyos sa tao ay itinakda na makamtan nang madali at masaya; ang tao lamang ay hindi handang magtiis ng mga paghihirap. Gaya ng mga bata, maaari silang mamuhay nang matipid upang makaipon ng kaunting barya upang parangalan ang kanilang mga magulang at tuparin ang tungkuling nararapat nilang tuparin. Gayunman ay natatakot sila na hindi sila kakain nang sapat at na ang kanilang pananamit ay magiging masyadong simple, kaya sanhi ng isang dahilan o iba pa, iwinawaksi nila ang pagmamahal at pagkalinga ng kanilang mga magulang paláyô tungo sa mga ulap, na parang magsisimula silang gawin ito matapos kumita ng malaking halaga ng pera. Nguni’t nakikita Ko mula rito na ang mga tao bilang isang anak ay walang likas na pagmamahal sa kanilang mga magulang—sila ay mga anak na walang-galang-sa-magulang. Marahil ay lubha itong lampas, subali’t Ako ay hindi maaaring magsalita nang salungat sa mga katunayan at maglabas ng walang-saysay. Hindi Ko maaaring “tularan ang iba” na labanan ang Diyos para bigyang-kasiyahan ang Aking Sarili. Dahil lamang sa walang sinuman sa lupa ang may-galang-sa-magulang kaya sinabi ng Diyos: “Sa langit, si Satanas ang Aking kaaway, sa lupa, ang tao ang Aking kalaban. Dahil sa pagkakaisa sa pagitan ng langit at lupa, siyam na henerasyon nila ay dapat na ibilang na may-sala dahil sa pag-anib.” Si Satanas ay isang kaaway ng Diyos; sinasabi Ko iyan dahil hindi nito sinusuklian ang dakilang pabor at kabaitan ng Diyos, kundi “sumasagwan pasalungat sa alon,” at sa ganoon ay hindi nito “iginagalang” ang Diyos bilang isang magulang. Hindi ba’t ganito rin ang mga tao? Sila ay hindi nagpapakita ng paggalang-ng-isang-anak sa kanilang “mga magulang” at hindi kailanman sinusuklian ang pag-aalaga at pagtulong ng kanilang “mga magulang.” Ito ay sapat upang ipakita na ang mga tao ng lupa ay ang kamag-anak ni Satanas sa langit. Ang tao at si Satanas ay magkaísáng puso at isipan laban sa Diyos, kaya’t hindi nakapagtataka na idinadawit ng Diyos ang siyam na henerasyon bilang nagkasala sa pamamagitan ng pag-anib at walang maaaring mapatawad. Sa nakaraan, Ang Diyos ay may nagpatirapang lingkod sa langit na Kanyang tinawag upang pamahalaan ang sangkatauhan, nguni’t hindi ito nakinig, at kumilos batay sa sarili nitong pakiramdam na magrebelde laban sa Kanya. Hindi ba’t ang mga mapanghimagsik na mga tao ay nagmamadali ring humahakbang patungo sa landas na ito? Kahit gaano man ang paghihigpit ng Diyos sa “mga renda,” ang mga tao ay hindi basta kailanman gumigiwang at hindi makababalik. Sa Aking pananaw, kung ang tao ay magpapatuloy sa daang ito, sila ay babagsak, at marahil sa sandaling ito iyong mauunawaan ang tunay na kahulugan ng mga salitang ito: “ang tao ay hindi makalas mula sa kanilang lumang kalikasan.” Naipaalaala ng Diyos sa tao sa maraming mga pagkakataon: “Dahil sa pagkamasuwayin ng tao, iniwan Ko siya.” Bakit ba sinasabi ito ng Diyos nang paulit-ulit? Maaari bang ang Diyos ay tunay na maging ganoon kawalang-puso? Bakit sinasabi rin ng Diyos na “Ako ay hindi tao lamang”? Sa loob ng napakaraming mga araw na walang-ginagawa, sinong tunay na nakapagsuri sa mga detalyadong usápíng ito? Aking inuudyukan ang sangkatauhan na higit pang pagsikapan ang mga salita ng Diyos at huwag itong basta-bastahin; ito ay walang pakinabang para sa iyo, o para sa iba. Higit na mabuti pang huwag sabihin yaong hindi kailangang sabihin, at huwag isipin yaong hindi kailangang pag-isipan. Hindi ba mas simple iyan? Anong kamalian ang maaaring ibunga nito? Bago iproklama ng Diyos ang katapusan ng Kanyang gawain sa lupa, walang sinumang hihinto sa “paggalaw”; walang sinumang maghuhugas ng kanilang mga kamay mula sa kanilang tungkulin. Hindi ito ang panahon; huwag kumilos bilang gabay para sa Diyos, o isang bantay-sa-unahan. Palagay Ko ay napakaaga pa para huminto ngayon at tumigil sa pagsulong—anong iyong palagay?
    Dinadala ng Diyos ang tao sa pagkastigo, at Kanyang dinadala sila tungo sa isang atmospera ng kamatayan, subali’t sa kabilang banda, anong nais ng Diyos na gawin ng tao sa lupa? Kumilos bilang isang aparador sa tahanan? Hindi ito makakain o maisusuot, kundi titingnan lamang. Kung ganoon, bakit gagamit ng napakaraming masalimuot na proseso, lubhang pinagdurusa ang tao sa laman? Sinasabi ng Diyos, “sinasamahan Ko sila sa ‘dakong bitáyán,’ dahil ang kasalanan ng sangkatauhan ay sapat upang Aking kastiguhin.” Sa sandaling ito, pinalalakad ba ng Diyos ang mga tao sa dakong bitáyán sa kanilang mga sarili? Bakit walang sinumang nagmamakaawa para sa kapatawaran nila? Kung gayon ay paano makikipagtulungan ang tao? Maaari bang tunay na makagawa ang tao ng mga bagay-bagay nang hindi makukulayan ng emosyon, habang ginagawa ng Diyos ang Kanyang mga paghatol? Ang bisa ng mga salitang ito ay pangunahing nakasalalay sa mga pagkilos ng tao. Habang ang isang ama ay kumikita ng pera, kung pagkatapos ay hindi alam ng ina kung paano makikipagtulungan, hindi nalalaman kung paano pamamahalaan ang sambahayan, kung gayon ay ano ang magiging katayuan ng tahanang yaon? Tingnan ang katayuan ng iglesia ngayon; ano ang iisipin ninyo bilang mga tagapanguna? Maaari kayong magdaos ng isang pagpupulong kung saan bawa’t isa ay maaaring magsalita tungkol sa kanilang personal na mga impresyon. Ginugulo ng ina ang mga bagay-bagay sa tahanan, kaya ano ang magiging itsura ng mga anak ng pamilyang ito? Mga ulila? Mga pulubi? Hindi kataka-takang sinabi ng Diyos: “Iniisip ng lahat ng mga tao na Ako ay isang pagka-Diyos na kulang sa ‘kalidad ng katalinuhan,’ subali’t sinong makauunawa na kaya Kong masilip ang lahat ng bagay sa sangkatauhan?” Hinggil sa gayong katayuan na kitang-kita, walang pangangailangan na magsalita mula sa Kanyang pagka-Diyos. Gaya ng sinasabi ng Diyos, “hindi kailangang pukpukin ang isang pako ng isang maso.” Sa sandaling ito, marahil ay may mga tao na may ilang praktikal na karanasan sa kasabihan ng Diyos na: “Sa gitna ng mga tao, walang isa mang nagmamahal sa Akin.” Sa puntong ito, ito ay gaya ng sinabi ng Diyos: “Ang mga tao ay atubiling lahat na iyukod ang kanilang mga ulo dahil sa kasalukuyang katayuan, subali’t ang kanilang mga puso ay nananatiling hindi napapaniwala.” Ang mga salitang ito ay tulad ng isang teleskopyo. Sa malapit na hinaharap, ang tao ay patutungo sa ibang katayuan. Ito ay tinatawag na pagiging di-maitama. Nauunawaan ba ninyo? Iyan ang sagot sa dalawang katanungang ito ng Diyos: “Hindi ba ang mga tao ay umiiwas lamang sa pagkakasala dahil natatakot sila na Ako ay aalis? Hindi ba totoo na sila ay hindi dumaraing dahil lamang sa natatakot sila sa pagkastigo?” Sa katunayan, ngayon ang mga tao ay maluwag nang kaunti at tila masyadong napapagod, at sila ay ganap na hindi interesadong pag-ukulan ng pansin ang gawa ng Diyos, at may-pakialam lamang sa mga pagsasaayos at mga plano para sa kanilang laman. Hindi ba ito ang tunay na katayuan?
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:
Rekomendasyon:
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal