Karagdagan 1: Ang Unang Pagbigkas
Ang Aking hinihingi na gawin ninyo ay hindi ang malabo at walang-lamang teorya na Aking sinasabi, ni ito ay di-kayang-maguni-guni ng utak ng tao o di-makakamtan ng katawang-lupa ng tao. Sino ang may kakayahan ng lubos na katapatan sa loob ng Aking bahay? At sino ang maaaring magkaloob ng kanilang lahat-lahat sa loob ng Aking kaharian? Kung hindi sa pagbubunyag ng Aking kalooban, aakuin ba ninyo sa inyong mga sarili na tuparin ang Aking puso? Walang sinuman ang kahit kailan ay nakaunawa sa Aking puso, at walang sinuman ang kahit kailan ay nakatalos ng Aking kalooban. Sino ang kahit kailan ay nakakita sa Aking mukha o nakarinig sa Aking tinig? Si Pedro ba? O si Pablo? O si Juan? O si Jacob? Sino ang kahit kailan ay nadamitan Ko, o naangkin Ko, o nagámit Ko? Bagaman sa unang pagkakataong Ako ay naging katawang-tao ay sa pagkaDiyos, ang katawang-tao kung saan Aking dinamitan ang Aking Sarili ay hindi alam ang mga pagdurusa ng tao, dahil Ako ay hindi nagkatawang-tao sa isang larawan, kaya’t hindi ito masasabi na ang katawang-tao ay lubos na nagsakatuparan ng Aking kalooban. Saka lamang kapag ang Aking pagkaDiyos ay nakayang gumawa kung paano Ako gagawa at nagsalita kung paano Ako magsasalita sa isang persona ng normal na pagkatao, nang walang hadlang o sagabal, maaari itong masabi na ang Aking kalooban ay isinakatuparan sa katawang-tao. Dahil ang normal na pagkatao ay nakakayang takpan ang pagkaDiyos, sa gayon ay nakamit ang Aking layunin ng pagiging mapagkumbaba at nakatago. Sa panahon ng yugto ng gawain sa katawang-tao, bagaman ang pagkaDiyos ay kumikilos nang tuwiran, ang gayong mga pagkilos ay hindi madali para sa mga tao na makita, na dahil lamang sa buhay at pagkilos ng normal na pagkatao. Ang pagkakatawang-taong ito ay hindi maaaring mag-ayuno nang 40 araw tulad ng unang pagkakatawang-tao, nguni’t Siya ay gumagawa at nagsasalita nang normal, at bagaman nagbubunyag Siya ng mga hiwaga, Siya ay napaka-normal; ang Kanyang tinig ay hindi, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, tulad ng kulog, ang Kanyang mukha ay hindi kumikinang sa liwanag, at ang mga kalangitan ay hindi nanginginig kapag Siya ay naglalakad. Kung iyan ang katayuan, kung gayon dito ay hindi magkakaroon ng Aking karunungan, at hindi nito makakayang hiyain at gapiin si Satanas.