菜單

Abr 14, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Karagdagan 1: Ang Unang Pagbigkas

Karagdagan 1: Ang Unang Pagbigkas

    Ang Aking hinihingi na gawin ninyo ay hindi ang malabo at walang-lamang teorya na Aking sinasabi, ni ito ay di-kayang-maguni-guni ng utak ng tao o di-makakamtan ng katawang-lupa ng tao. Sino ang may kakayahan ng lubos na katapatan sa loob ng Aking bahay? At sino ang maaaring magkaloob ng kanilang lahat-lahat sa loob ng Aking kaharian? Kung hindi sa pagbubunyag ng Aking kalooban, aakuin ba ninyo sa inyong mga sarili na tuparin ang Aking puso? Walang sinuman ang kahit kailan ay nakaunawa sa Aking puso, at walang sinuman ang kahit kailan ay nakatalos ng Aking kalooban. Sino ang kahit kailan ay nakakita sa Aking mukha o nakarinig sa Aking tinig? Si Pedro ba? O si Pablo? O si Juan? O si Jacob? Sino ang kahit kailan ay nadamitan Ko, o naangkin Ko, o nagámit Ko? Bagaman sa unang pagkakataong Ako ay naging katawang-tao ay sa pagkaDiyos, ang katawang-tao kung saan Aking dinamitan ang Aking Sarili ay hindi alam ang mga pagdurusa ng tao, dahil Ako ay hindi nagkatawang-tao sa isang larawan, kaya’t hindi ito masasabi na ang katawang-tao ay lubos na nagsakatuparan ng Aking kalooban. Saka lamang kapag ang Aking pagkaDiyos ay nakayang gumawa kung paano Ako gagawa at nagsalita kung paano Ako magsasalita sa isang persona ng normal na pagkatao, nang walang hadlang o sagabal, maaari itong masabi na ang Aking kalooban ay isinakatuparan sa katawang-tao. Dahil ang normal na pagkatao ay nakakayang takpan ang pagkaDiyos, sa gayon ay nakamit ang Aking layunin ng pagiging mapagkumbaba at nakatago. Sa panahon ng yugto ng gawain sa katawang-tao, bagaman ang pagkaDiyos ay kumikilos nang tuwiran, ang gayong mga pagkilos ay hindi madali para sa mga tao na makita, na dahil lamang sa buhay at pagkilos ng normal na pagkatao. Ang pagkakatawang-taong ito ay hindi maaaring mag-ayuno nang 40 araw tulad ng unang pagkakatawang-tao, nguni’t Siya ay gumagawa at nagsasalita nang normal, at bagaman nagbubunyag Siya ng mga hiwaga, Siya ay napaka-normal; ang Kanyang tinig ay hindi, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, tulad ng kulog, ang Kanyang mukha ay hindi kumikinang sa liwanag, at ang mga kalangitan ay hindi nanginginig kapag Siya ay naglalakad. Kung iyan ang katayuan, kung gayon dito ay hindi magkakaroon ng Aking karunungan, at hindi nito makakayang hiyain at gapiin si Satanas.

Tagalog Christian Movie | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit (Trailer)


Tagalog Christian Movie | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit (Trailer)

Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot. Noon niya narinig ang tungkol sa isang sektang tinatawag na Kidlat ng Silanganan na lumalabas sa China na nagpapatotoo sa pagbalik ng Panginoong Jesus—Makapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Kaya nga nagpunta si Song Ruiming at ang mangangaral na si Cui Cheng’en sa China para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kung saan binasa nila sa wakas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nalaman nila na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang tinig ng Diyos! Malamang na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus! Gayunman, nang pinag-aaralan na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ibinenta sila ng mga elder ng relihiyon na nagsuplong sa kanila sa mga pulis. Inaresto ang dalawa at ipinatapon ng mga pulis ng Chinese Communist. Sa South Korea naman, nasaktan at nalito si Song Ruiming. Patuloy siyang nag-isip ng mga paraan para makontak ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isang araw, bigla niyang natuklasan ang Korean website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet, batid na lumaganap na ang Kidlat ng Silanganan sa South Korea at nagtatag ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Masayang-masaya at tuwang-tuwa, hinikayat ni Song Ruiming na pag-aralan ng mga kapatid sa kanyang iglesia ang tunay na daan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matibay ang paniniwala nila na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Masaya nilang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at natagpuan nila ang landas patungo sa kaharian ng langit. Sa huli ay may pagkakataon na rin siyang tuparin ang kanyang pinapangarap na kaharian sa langit.
Rekomendasyon:Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.
Tungkol sa Biblia

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang lahat ng mga kilos at mga gawa ni Satanas ay nakikita sa tao. Ngayon ang lahat ng mga kilos at mga gawa ng tao ay pagpapahayag ni Satanas at samakatuwid ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos. Ang tao ang sagisag ni Satanas, at ang disposisyon ng tao ay hindi kayang kumatawan sa disposisyon ng Diyos. Ang ilang mga tao ay may mabuting karakter; ang Diyos ay maaaring gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng naturang karakter ng mga tao at ang gawain na kanilang ginagawa ay ginabayan ng Banal na Espiritu. Ngunit ang kanilang disposisyon ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang gawain ng Diyos na ginagawa Niya sa kanila ay kumikilos lamang at lumalawak sa kung ano na ang umiiral sa loob. Maging sa mga propeta o ang mga taong ginamit ng Diyos mula sa mga nakaraang panahon, walang sinuman ang maaaring direktang kumatawan sa Kanya.”
Rekomendasyon:Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal
Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.

Evidential Fact: Asylum Should Be Granted to The Church of Almighty God Christians – Rosita Šorytė


Evidential Fact: Asylum Should Be Granted to The Church of Almighty God Christians – Rosita Šorytė


On March 1, 2018, during the 37th session of the Human Rights Council at the United Nations in Geneva, the Coordination of the Associations and Individuals for Freedom of Conscience (CAP LC) organized a Side Event on the denial of religious freedom in China and the case of The Church of Almighty God (CAG). Ms. Rosita Šorytė, a former Lithuanian diplomat who is currently president of ORLIR (International Observatory of Religious Freedom of Refugees), made a presentation in the event.
Recommendation:Understanding the Eastern Lightning
Are Almighty God and the Lord Jesus One God?
There is no way of eternal life within the Bible; if man holds to the Bible and worships it, then they will not obtain eternal life.

Abr 13, 2018

Kristianong Awitin | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan


Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan


Winak'san ng nagkatawang-taong D'yos ang panahon nang "ang likod lang ni Jehova ang nagpakita sa tao," at tinatapos ang kapanahunan ng  paniniwala  sa malabong D'yos. Gawain ng huling nagkatawang-taong D'yos dalhin lahat ng sangkatauhan, dalhin ang tao sa mas totoo, mas praktikal, at mas mabuting panahon.

Abr 12, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Tungkol sa Buhay ni Pedro

Tungkol sa Buhay ni Pedro

    Si Pedro ay isang huwaran na ipinakilala ng Diyos para sa sangkatauhan, at siya ay isang kilalang personalidad. Bakit ang gayong pangkaraniwang tao ay isinaayos ng Diyos bilang isang huwaran at napuri ng mga salinlahi sa kalaunan? Siyempre, hindi na kailangang banggitin pa na ito ay hindi maihihiwalay sa kanyang pagpapahayag at kanyang kapasyahan ng pag-ibig para sa Diyos. Hinggil sa kung saan ang puso ng pag-ibig ni Pedro para sa Diyos ay ipinahayag at kung ano ang tunay na kahalintulad ng mga karanasan niya sa buong buhay niya, dapat tayong bumalik sa Kapanahunan ng Biyaya upang tingnan minsan pa ang mga kaugalian nang panahong iyon, upang masilayan ang Pedro nang kapanahunang yaon.

Abr 11, 2018

Ang tinig ng Diyos | Pakahulugan sa Ikatlong Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikatlong Pagbigkas

    Ngayon ay hindi na ang Kapanahunan ng Biyaya, ni ang kapanahunan ng awa, kundi ang Kapanahunan ng Kaharian kung saan ang mga tao ng Diyos ay ibinubunyag, ang kapanahunan kung saan ginagawa ng Diyos ang mga bagay-bagay nang tuwiran sa pamamagitan ng pagkaDiyos. Sa gayon, sa bahaging ito ng mga salita ng Diyos, inaakay ng Diyos ang lahat ng mga yaong tumatanggap sa Kanyang mga salita patungo sa espirituwal na kinasasaklawan. Sa pambungad na talata, ginagawa Niya ang mga paghahandang ito nang pauna, at kung tinataglay ng isa ang kaalaman ng mga salita ng Diyos, susundan nila ang baging upang makuha ang melon, at tuwirang matatarok kung ano ang inaasam ng Diyos na makamit sa Kanyang bayan. Dati, ang mga tao ay sinubok sa pamamagitan ng titulong “taga-serbisyo,” at ngayon, pagkatapos na sila ay naparaan sa pagsubok, ang kanilang pagsasanay ay opisyal na nagsisimula. Karagdagan pa, ang mga tao ay dapat na magkaroon ng higit na malaking kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos batay sa pundasyon ng mga salita ng nakaraan, at dapat na tumingin sa mga salita at sa persona, at sa Espiritu at sa persona, bilang isang di-mapaghihiwalay na kabuuan—bilang isang bibig, isang puso, isang pagkilos, at isang pinagmumulan. Ang kailangang ito ang pinakamataas na kailangan na ginawa ng Diyos sa tao simula sa paglikha. Mula rito ay nakikita na inaasam ng Diyos na gugulin ang bahagi ng Kanyang mga pagsisikap sa Kanyang bayan, na inaasam Niyang magpakita ng ilang mga tanda at himala sa kanila, at, higit na mahalaga, na inaasam Niyang mapasunod ang lahat ng mga tao sa kabuuan ng gawain at mga salita ng Diyos. Sa isang bahagi, itinataas ng Diyos Mismo ang Kanyang patotoo, at sa isa, nakágáwâ Siya ng mga kailangan sa Kanyang mga tao, at tuwirang inilabas ang mga utos ng Diyos sa pangangasiwa sa mga masa: Sa gayon, “Yamang kayo ay tinatawag na Aking bayan, ang mga bagay-bagay ay hindi na gaya nang dati; dapat ninyong pakinggan at sundin ang mga pagbigkas ng Aking Espiritu, matamang sundan ang Aking gawain, at hindi maaaring paghiwalayin ang Aking Espiritu at Aking katawang-tao, sapagka’t Kami ay likas na iisa, at hindi magkahiwalay.” Dito, upang hadlangan ang mga tao mula sa pagwawalang-bahala sa Diyos na nagkatawang-tao, minsan pa ay may pagdidiin sa “sapagka’t Kami ay likas na iisa, at hindi magkahiwalay”; dahil ang gayong pagpapabaya ay pagkabigo ng tao, ito ay minsan pang nakatala sa mga utos sa pangangasiwa ng Diyos. Sunod, ipinababatid ng Diyos sa mga tao ang mga kalalabasan ng pagsuway sa mga utos sa pangangasiwa ng Diyos, nang walang itinatagong anuman, sa pamamagitan ng pagsasabing, “sila ay magdurusa ng kawalan, at makakaya lamang uminom mula sa kanilang sariling mapait na karanasan.” Dahil ang tao ay mahina, pagkatapos marinig ang mga salitang ito wala siyang magawa kundi maging higit pang maingat sa Diyos sa kanyang puso, sapagka’t ang “mapait na karanasan” ay sapat upang ang mga tao ay saglit na magbulay. Ang mga tao ay maraming mga pakahulugan sa “mapait na karanasang” ito na sinasabi ng Diyos: mahatulan ng mga salita o mapaalis mula sa kaharian, o maihiwalay sa ilang panahon, o ang laman ng isa ay magawang tiwali ni Satanas at maangkin ng masasamang mga espiritu, o mabigo ng Espiritu ng Diyos, o ang laman ng isa ay matapos at maitapon sa Hades. Ang mga pakahulugang ito ay kung ano ang mararating ng mga utak ng mga tao, kaya’t sa kanilang guni-guni, hindi kaya ng mga taong lampasan ang mga iyon. Nguni’t ang mga kaisipan ng Diyos ay hindi gaya niyaong sa tao; ibig sabihin niyan, ang “mapait na karanasan” ay hindi tumutukoy sa alinman sa nasa itaas, kundi sa lawak ng pagkakilala ng mga tao sa Diyos pagkatapos tanggapin ang pakikitungo ng Diyos. Para sabihin ito nang maliwanag, kapag ang isang tao ay sadyang pinaghihiwalay ang Espiritu ng Diyos at ang Kanyang mga salita, o pinaghihiwalay ang mga salita at ang persona, o ang Espiritu at ang katawang-tao na idinaramit Niya sa Kanyang Sarili, ang taong ito ay hindi lamang walang kakayanang makilala ang Diyos sa mga salita ng Diyos, kundi may kaunti ring paghihinala sa Diyos—kung saan matapos ito ay nabubulag sila sa bawa’t pagbaling. Hindi ito gaya ng naguguni-guni ng mga tao na sila ay tuwirang inihiwalay; sa halip, unti-unti silang bumabagsak sa pagkastigo ng Diyos—na ang ibig sabihin, sila ay bumababa sa matitinding mga sakúnâ, at walang sinumang magiging tugma sa kanila, na para bang naangkin sila ng masasamang espiritu, at para bang sila’y isang langaw na walang ulo, dumadapo sa mga bagay-bagay saan man sila pumunta. Sa kabila nito, hindi pa rin sila makaalis. Sa kanilang mga puso, ang mga bagay-bagay ay di-mailarawan sa hirap, na parang may di-masabing pagdurusa sa kanilang mga puso—gayunman hindi nila maibuka ang kanilang mga bibig, at ginugugol nila ang buong araw na tulalâ, hindi madama ang Diyos. Sa ilalim ng mga kalagayang ito na ang mga utos sa pangangasiwa ng Diyos ay nagbabanta sa kanila, kaya hindi sila nangangahas na umalis sa iglesia sa kabila ng kawalan ng kasiyahan—ito ang tinatawag na “panloob at panlabas na pagsalakay,” at lubhang napakahirap para sa mga tao na tiisin. Ang nasábi rito ay iba sa mga pagkaintindi ng mga tao—at iyan ay dahil, sa ilalim ng mga kalagayang yaon, alam pa rin nilang hanapin ang Diyos, at nangyayari ito kapag tinatalikuran sila ng Diyos, at ang higit na mahalaga ay yaong, gaya lamang sa isang hindi-mananampalataya, lubos na hindi nila kayang madama ang Diyos. Hindi inililigtas nang tuwiran ng Diyos ang ganoong mga tao; kapag ang kanilang mapait na karanasan ay naubos na, iyan ang sandali na ang kanilang huling araw ay nakarating. Nguni’t sa sandaling ito, hinahanap pa rin nila ang kalooban ng Diyos, nag-aasam na masiyahan kahit sa kaunting sandali pa—nguni’t ang sandaling ito ay iba sa nakaraan, malibang mayroong mga namumukod na kalagayan.