菜單

Abr 13, 2018

Kristianong Awitin | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan


Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan


Winak'san ng nagkatawang-taong D'yos ang panahon nang "ang likod lang ni Jehova ang nagpakita sa tao," at tinatapos ang kapanahunan ng  paniniwala  sa malabong D'yos. Gawain ng huling nagkatawang-taong D'yos dalhin lahat ng sangkatauhan, dalhin ang tao sa mas totoo, mas praktikal, at mas mabuting panahon.

Abr 12, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Tungkol sa Buhay ni Pedro

Tungkol sa Buhay ni Pedro

    Si Pedro ay isang huwaran na ipinakilala ng Diyos para sa sangkatauhan, at siya ay isang kilalang personalidad. Bakit ang gayong pangkaraniwang tao ay isinaayos ng Diyos bilang isang huwaran at napuri ng mga salinlahi sa kalaunan? Siyempre, hindi na kailangang banggitin pa na ito ay hindi maihihiwalay sa kanyang pagpapahayag at kanyang kapasyahan ng pag-ibig para sa Diyos. Hinggil sa kung saan ang puso ng pag-ibig ni Pedro para sa Diyos ay ipinahayag at kung ano ang tunay na kahalintulad ng mga karanasan niya sa buong buhay niya, dapat tayong bumalik sa Kapanahunan ng Biyaya upang tingnan minsan pa ang mga kaugalian nang panahong iyon, upang masilayan ang Pedro nang kapanahunang yaon.

Abr 11, 2018

Ang tinig ng Diyos | Pakahulugan sa Ikatlong Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikatlong Pagbigkas

    Ngayon ay hindi na ang Kapanahunan ng Biyaya, ni ang kapanahunan ng awa, kundi ang Kapanahunan ng Kaharian kung saan ang mga tao ng Diyos ay ibinubunyag, ang kapanahunan kung saan ginagawa ng Diyos ang mga bagay-bagay nang tuwiran sa pamamagitan ng pagkaDiyos. Sa gayon, sa bahaging ito ng mga salita ng Diyos, inaakay ng Diyos ang lahat ng mga yaong tumatanggap sa Kanyang mga salita patungo sa espirituwal na kinasasaklawan. Sa pambungad na talata, ginagawa Niya ang mga paghahandang ito nang pauna, at kung tinataglay ng isa ang kaalaman ng mga salita ng Diyos, susundan nila ang baging upang makuha ang melon, at tuwirang matatarok kung ano ang inaasam ng Diyos na makamit sa Kanyang bayan. Dati, ang mga tao ay sinubok sa pamamagitan ng titulong “taga-serbisyo,” at ngayon, pagkatapos na sila ay naparaan sa pagsubok, ang kanilang pagsasanay ay opisyal na nagsisimula. Karagdagan pa, ang mga tao ay dapat na magkaroon ng higit na malaking kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos batay sa pundasyon ng mga salita ng nakaraan, at dapat na tumingin sa mga salita at sa persona, at sa Espiritu at sa persona, bilang isang di-mapaghihiwalay na kabuuan—bilang isang bibig, isang puso, isang pagkilos, at isang pinagmumulan. Ang kailangang ito ang pinakamataas na kailangan na ginawa ng Diyos sa tao simula sa paglikha. Mula rito ay nakikita na inaasam ng Diyos na gugulin ang bahagi ng Kanyang mga pagsisikap sa Kanyang bayan, na inaasam Niyang magpakita ng ilang mga tanda at himala sa kanila, at, higit na mahalaga, na inaasam Niyang mapasunod ang lahat ng mga tao sa kabuuan ng gawain at mga salita ng Diyos. Sa isang bahagi, itinataas ng Diyos Mismo ang Kanyang patotoo, at sa isa, nakágáwâ Siya ng mga kailangan sa Kanyang mga tao, at tuwirang inilabas ang mga utos ng Diyos sa pangangasiwa sa mga masa: Sa gayon, “Yamang kayo ay tinatawag na Aking bayan, ang mga bagay-bagay ay hindi na gaya nang dati; dapat ninyong pakinggan at sundin ang mga pagbigkas ng Aking Espiritu, matamang sundan ang Aking gawain, at hindi maaaring paghiwalayin ang Aking Espiritu at Aking katawang-tao, sapagka’t Kami ay likas na iisa, at hindi magkahiwalay.” Dito, upang hadlangan ang mga tao mula sa pagwawalang-bahala sa Diyos na nagkatawang-tao, minsan pa ay may pagdidiin sa “sapagka’t Kami ay likas na iisa, at hindi magkahiwalay”; dahil ang gayong pagpapabaya ay pagkabigo ng tao, ito ay minsan pang nakatala sa mga utos sa pangangasiwa ng Diyos. Sunod, ipinababatid ng Diyos sa mga tao ang mga kalalabasan ng pagsuway sa mga utos sa pangangasiwa ng Diyos, nang walang itinatagong anuman, sa pamamagitan ng pagsasabing, “sila ay magdurusa ng kawalan, at makakaya lamang uminom mula sa kanilang sariling mapait na karanasan.” Dahil ang tao ay mahina, pagkatapos marinig ang mga salitang ito wala siyang magawa kundi maging higit pang maingat sa Diyos sa kanyang puso, sapagka’t ang “mapait na karanasan” ay sapat upang ang mga tao ay saglit na magbulay. Ang mga tao ay maraming mga pakahulugan sa “mapait na karanasang” ito na sinasabi ng Diyos: mahatulan ng mga salita o mapaalis mula sa kaharian, o maihiwalay sa ilang panahon, o ang laman ng isa ay magawang tiwali ni Satanas at maangkin ng masasamang mga espiritu, o mabigo ng Espiritu ng Diyos, o ang laman ng isa ay matapos at maitapon sa Hades. Ang mga pakahulugang ito ay kung ano ang mararating ng mga utak ng mga tao, kaya’t sa kanilang guni-guni, hindi kaya ng mga taong lampasan ang mga iyon. Nguni’t ang mga kaisipan ng Diyos ay hindi gaya niyaong sa tao; ibig sabihin niyan, ang “mapait na karanasan” ay hindi tumutukoy sa alinman sa nasa itaas, kundi sa lawak ng pagkakilala ng mga tao sa Diyos pagkatapos tanggapin ang pakikitungo ng Diyos. Para sabihin ito nang maliwanag, kapag ang isang tao ay sadyang pinaghihiwalay ang Espiritu ng Diyos at ang Kanyang mga salita, o pinaghihiwalay ang mga salita at ang persona, o ang Espiritu at ang katawang-tao na idinaramit Niya sa Kanyang Sarili, ang taong ito ay hindi lamang walang kakayanang makilala ang Diyos sa mga salita ng Diyos, kundi may kaunti ring paghihinala sa Diyos—kung saan matapos ito ay nabubulag sila sa bawa’t pagbaling. Hindi ito gaya ng naguguni-guni ng mga tao na sila ay tuwirang inihiwalay; sa halip, unti-unti silang bumabagsak sa pagkastigo ng Diyos—na ang ibig sabihin, sila ay bumababa sa matitinding mga sakúnâ, at walang sinumang magiging tugma sa kanila, na para bang naangkin sila ng masasamang espiritu, at para bang sila’y isang langaw na walang ulo, dumadapo sa mga bagay-bagay saan man sila pumunta. Sa kabila nito, hindi pa rin sila makaalis. Sa kanilang mga puso, ang mga bagay-bagay ay di-mailarawan sa hirap, na parang may di-masabing pagdurusa sa kanilang mga puso—gayunman hindi nila maibuka ang kanilang mga bibig, at ginugugol nila ang buong araw na tulalâ, hindi madama ang Diyos. Sa ilalim ng mga kalagayang ito na ang mga utos sa pangangasiwa ng Diyos ay nagbabanta sa kanila, kaya hindi sila nangangahas na umalis sa iglesia sa kabila ng kawalan ng kasiyahan—ito ang tinatawag na “panloob at panlabas na pagsalakay,” at lubhang napakahirap para sa mga tao na tiisin. Ang nasábi rito ay iba sa mga pagkaintindi ng mga tao—at iyan ay dahil, sa ilalim ng mga kalagayang yaon, alam pa rin nilang hanapin ang Diyos, at nangyayari ito kapag tinatalikuran sila ng Diyos, at ang higit na mahalaga ay yaong, gaya lamang sa isang hindi-mananampalataya, lubos na hindi nila kayang madama ang Diyos. Hindi inililigtas nang tuwiran ng Diyos ang ganoong mga tao; kapag ang kanilang mapait na karanasan ay naubos na, iyan ang sandali na ang kanilang huling araw ay nakarating. Nguni’t sa sandaling ito, hinahanap pa rin nila ang kalooban ng Diyos, nag-aasam na masiyahan kahit sa kaunting sandali pa—nguni’t ang sandaling ito ay iba sa nakaraan, malibang mayroong mga namumukod na kalagayan.

Abr 10, 2018

Salita ng Diyos | Pakahulugan sa Unang Pagbigkas

Pakahulugan sa Unang Pagbigkas

    Gaya ng sinabi ng Diyos, “Walang makatatarok sa ugat ng Aking mga salita, ni mauunawaan man nila ang layunin sa likod ng mga iyon.” Kung hindi sa pamamagitan ng paggabay ng Espiritu ng Diyos, kung hindi sa pamamagitan ng pagdating ng Kanyang mga salita, lahat ay mapapahamak sa ilalim ng Kanyang pagkastigo. Bakit ba sinusubok ng Diyos ang tao nang napakatagal? At kasingtagal ng limang buwan? Ito ang pangunahing punto ng ating pagsasamahan gayundin ang pinakapunto ng karunungan ng Diyos. Maaari nating ipalagay ang ganito: Kung hindi sa pamamagitan ng pagsubok na ito, at kung wala ang pagsalakay ng Diyos, pagpatay, at pagtibag sa tiwaling sangkatauhan, kung ang pagtatayo ng iglesia ay nagpatuloy hanggang ngayon, kung gayon ay ano ang makakamit niyan? Kaya sa unang linya ng Kanyang pagsasalita, ang Diyos ay dumidiretso sa punto at ipinaliliwanag ang ninanasang epekto ng gawain sa loob ng mga buwang ito, at ito, masakit mang sabihin, ay tumpak! Ipinakikita nito ang karunungan ng mga gawa ng Diyos sa loob ng sakop ng panahong ito: pagtuturo sa mga tao upang matutunan ang pagpapasakop at taos-pusong dedikasyon sa pamamagitan ng pagsubok, gayundin ang kung paano mas mauunawaan ang Diyos sa pamamagitan ng masakit na pagpipino. Habang mas nawawalan ng pag-asa ang mga tao, mas nakakaya nilang maunawaan ang kanilang mga sarili. At upang sabihin ang katotohanan, habang mas masakit ang pagpipinong kanilang kinakaharap, mas nakakaya nilang maunawaan ang kanilang sariling katiwalian, at habang pinagdadaanan nila ito nalalaman pa nila na sila ay hindi karapat-dapat na maging isang ‘taga-serbisyo” para sa Diyos, at ang pagganap sa ganitong uri ng serbisyo ay pinaparangalan Niya. Kaya’t sa sandaling ito ay makamit, sa sandaling nasaid ng isang tao ang kanyang sarili, binibigkas ng Diyos ang mga salita ng habag, hindi patago bagkus ay kitang-kita. Maliwanag na pagkatapos ng ilang buwan, ang bagong[a] pamamaraan ng gawain ng Diyos ay nagsisimula ngayon; ito ay malinaw upang makita ng lahat. Sa nakaraan, malimit na sinabi ng Diyos “hindi madaling makamit ang karapatang matawag na Aking bayan,” kaya habang tinutupad Niya ang mga salitang ito sa mga taong tinutukoy bilang mga taga-serbisyo, maaaring makita ng lahat na ang Diyos ay maaaring mapagkatiwalaan nang walang anumang kamalian. Lahat ng sinasabi ng Diyos ay magkakatotoo sa magkakaibang antas, at ang Kanyang mga salita ay hindi kailanman walang laman.

Abr 9, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi)


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay masyadong katawa-tawa! Pinagpira-piraso nito ang Diyos at pinagbaha-bahagi sa tatlong persona, bawat isa ay may kalagayan at Espiritu; paano kung gayon na Siya ay isang Diyos at isang Espiritu pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, ang langit at lupa, at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob dito ay nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Sinasabi ng ilan na nilikha Nila ito nang magkakasama. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ito ba ang Banal na Espiritu, ang Anak, o ang Ama? Sinasabi ng ilan na ang Anak ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino ang Anak sa kaanyuan? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Tinatawag ng nagkatawang-tao ang Diyos sa langit sa pangalang Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay ipinanganak mula sa paglilihi ng Banal na Espiritu? Sa loob Niya ay ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, Siya ay kaisa ng Diyos sa langit, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay tunay na hindi totoo. Ito ay ang isang Espiritu na ipinatutupad ang lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, iyon ay, ang Espiritu ng Diyos ang nagpapatupad ng Kanyang gawain.”
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Abr 7, 2018

Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China [Trailer]


Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China [Trailer]

Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa “Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han” ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China … Ang dokumentaryong ito ay matapat at inilalarawan nang walang pinapanigan ang tunay na mga karanasan sa pang-uusig na dinanas ng mga Kristiyanong Chinese sa mga kamay ng pamahalaang CCP. Ang mga Kristiyanong inusig sa pelikula ay mga tao mula sa iba’t ibang sekta at denominasyon na naghanap sa katotohanan, at narinig ang tinig ng Diyos at sa gayo’y nagsibalik sa Makapangyarihang Diyos. Tumahak sila sa tamang landas ng buhay, subalit galit na galit na pinag-aaresto sila ng pamahalaang CCP. Ang ilan sa kanila ay ibinilanggo, ang ilan ay pinahirapan sa anumang paraan, ang ilan ay namuhay bilang pugante na nahiwalay sa kanilang asawa’t mga anak, at ang ilan ay nalumpo o napatay pa dahil sa pang-aabuso. Ang dokumentaryong ito na napakaganda ng pagkakuha ay nagtatangkang muling isadula ang tunay na nangyari noong panahong iyon, at naglalaan ng malalim na pagninilay-nilay tungkol sa garapal na panghihimasok sa mga pananalig sa relihiyon at karapatang-pantao ng mga Kristiyanong Chinese. Ipinapakita sa atin nito ang tunay na buhay ng mga Kristiyanong Chinese at mga Kristiyanong pamilya upang mas maunawaan natin, gayundin bilang pagninilay-nilay—na bihirang makita nitong nakaraang mga taon—tungkol sa mga karanasan at damdamin ng mga Kristiyanong Chinese na inusig dahil sa kanilang pananampalataya.
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Abr 6, 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Judio; Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. …Isinagawa sa Judea ang Kanyang unang gawain, sa loob ng saklaw ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang panahong naglulunsad ng gawain. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang natupad sa mga tao ng mga bansang Gentil; higit pa, isinagawa ito sa mga sinumpang taong iyon. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na may pinaka-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay naging” ang Diyos ng lahat ng nilalang sa sansinukob at naging Panginoon ng lahat ng bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay.”
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Tungkol sa Biblia