Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao (6)
Bakit sinasabi na mas kapaki-pakinabang na magkatawang-tao ang Diyos sa pagliligtas sa tiwaling sangkatauhan? Sa ano maaaring makita ang pangangailangan at malaking kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang laman ng tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at lubusang binulag, at matinding napinsala. Ang pinaka-pangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos ng personal sa katawang-tao ay dahil ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na sa laman, at dahil si Satanas ay ginagamit din ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos. Ang paglaban kay Satanas sa katunayan ay gawaing panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao din ang layon ng kaligtasan ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay napakahalaga. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ay naging sagisag ni Satanas, at naging layon upang talunin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nangyayari sa lupa, at ang Diyos ay dapat maging tao upang gawin ang paglaban kay Satanas. Ito ang gawaing pinakapraktikal” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).