菜單

Nob 26, 2017

Dumating na ang Milenyong Kaharian

kaluwalhatian, Mga Biyaya, Pagsamba, praktikal

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dumating na ang Milenyong Kaharian


   Nakita na ba ninyo kung ano’ng gawa ng Diyos ang matutupad sa grupo ng mga taong ito? Sinabi ng Panginoon, kahit na sa Milenyong Kaharian ay dapat sundin pa rin ng mga tao ang Kanyang mga salita at magpatuloy, at sa hinaharap ang salita ng Diyos ay direktang pang gagabay sa buhay ng tao patungo sa mabuting lupain ng Canaan. Noong si Moises ay nasa kagubatan, direktang nagtagubilin at nagsalita sa kanya ang Diyos. Mula sa kalangitan nagsugo ang Diyos ng pagkain, tubig, at manna upang ang mga tao ay magtamasa, at ito ay ganito pa rin ngayon: Personal na inilatag ng Diyos ang mga bagay upang makain at inumin ng mga tao upang pagsayahan, at personal Siyang nagpadala ng mga sumpa upang parusahan ang mga tao. At kaya ang bawat hakbang ng Kanyang gawa ay personal na ipinapatupad ng Diyos. Ngayon, hinahanap ng mga tao na muling mangyari ang mga katotohanan, sinusubukan nilang matanaw ang mga palatandaan at kababalaghan, at maaaring pabayaan ang mga taong iyon, dahil ang gawa ng Diyos ay siyang unti-unting napapatotohanan. Walang nakakaalam na ang Diyos ay bumaba mula sa langit, lingid pa rin sa kanilang kaalaman na nagpadala ang Panginoon ng pagkain at inumin mula sa langit—sa gayon, Siya ang tunay na nabubuhay, at ang mga maayang eksena ng Milenyong Kaharian na iniisip ng mga tao ay personal na mga salita din ng Diyos. Ito ay katotohanan, at tanging ito lamang ang umiiral sa Diyos na nasa lupa. Ang pag-iral ng Diyos sa lupa ay tumutukoy sa laman. Yaong hindi ukol sa laman ay wala sa lupa, at sa gayon ang lahat ng mga taong tumutuon sa pagpunta sa ikatlong langit ay kumikilos nang walang kabuluhan. Isang araw, kapag ang buong sansinukob ay nagbalik sa Diyos, ang sentro ng Kanyang gawa sa buong sansinukob ay susunod sa tinig ng Diyos; sa ibang dako, tatawag ang ilan, ang ilan ay gagamit ng eroplano, ang ilan ay gagamit ng bangka sa karagatan, at ang ilan ay gagamit ng mga laser upang makatanggap ng mga pananalita ng Diyos. Ang lahat ay magiging mapagsamba, at mapaghangad, sila lahat ay mapapalapit sa Diyos, at magtitipun-tipon sa Panginoon, at ang lahat ay sasamba sa Panginoon—at ang lahat ng ito ay mga gawa ng Diyos. Tandaan ito! Hindi kailanman muling magsisimula ang Panginoon saanman. Tutuparin ng Panginoon ang katotohanang ito: Gagawin Niya na ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob ay magtutungo sa Kanya, at sasamba sa Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawa sa ibang lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumuko sa Kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga pagkain. Upang maiwasan ang tag-gutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay dumaranas ng matinding gutom, at ang tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na may taglay ng patuloy na umaagos na bukal na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya. Iyon ang oras na ang mga gawa ng Diyos ay mahahayag, at ang Diyos ay maluluwalhati; ang lahat ng tao sa buong sansinukob ay sasamba sa kabigha-bighaning “tao.” Hindi ba ito ang magiging araw ng kaluwalhatian ng Diyos? Isang araw, ang mga nakatatandang pastol ay magpapadala ng mga telegrama na humahanap sa tubig mula sa bukal ng tubig na buhay. Sila ay matatanda na, subalit sila ay tutungo pa rin upang sumamba sa taong ito, na kanilang itinakwil. Sa kanilang mga bibig kikilalanin nila at sa kanilang mga puso sila ay magtitiwala—at hindi ba ito isang senyales at kababalaghan? Kapag ang buong kaharian ay nagdiriwang, ito ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos, at kung sinuman ang lalapit sa inyo at tatanggap sa mabuting balita ng Diyos ay pagpapalain ng Diyos, at ang mga bansang ito at ang mga taong ito ay pagpapalain at aalagaan ng Diyos. Ito ang tinatayang direksyon: Yaong mga tatanggap ng mga salita ng Diyos mula sa kanyang bibig ay magkakaroon ng landas na lalakaran sa mundo, at maging sila man ay mga negosyante o mga siyentipiko, o mga maestro o mga manggagawa, yaong mga walang salita ng Diyos ay mahihirapan kahit na sa unang hakbang, at sila ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ito ang ibig sabihin ng, “Sa katotohanan maaabot mo ang buong mundo; sa kawalan ng katotohanan, wala kang mararating.” Ang katotohanan ay: Gagamitin ng Diyos ang Daan (na nangangahulugang lahat ng Kanyang mga salita) upang atasan ang buong sansinukob at pamahalaan at lupigin ang sangkatauhan. Ang mga tao ay laging umaasa sa malaking pagbaling sa mga paraan na isinasagawa ng Diyos. Sa payak na pananalita, sa pamamagitan ng mga salita kinukontrol ng Diyos ang mga tao, at dapat mong gawin ang Kanyang sinasabi[a] naisin niyo man o hindi; ito ay isang tunay na layunin, at dapat na sundin ng lahat, at kaya, pati, ito ay hindi matitinag, at alam ng lahat.

Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos

Diyos, Ang Banal na Espiritu, sundin, Jesus

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos

    Ngayon, uunahin natin ang pakikipag-kapwa kung paano dapat paglingkuran ng tao ang Diyos sa kanilang paniniwala sa Diyos, ano ang mga kondisyon na dapat tuparin at kung ano ang dapat maunawaan ng mga naglilingkod sa Diyos, at ano ang mga paglilihis sa inyong serbisyo. Dapat ninyong maunawaan ang lahat ng ito. Ang mga isyung ito ay tumutuon sa inyong paniniwala sa Diyos, kung paano kayo maglakad sa landas ng patnubay ng Banal na Espiritu, at kung paano ang inyong lahat ay inayos ng Diyos, at papahintulutan nila kayong malaman ang bawat hakbang ng gawa ng Diyos sa inyo. Kapag naabot ninyo ang puntong iyon, inyong ikalulugod ang pananampalataya sa Diyos, kung paano maniwala nang wasto sa Diyos, at ano ang dapat ninyong gawin upang kumilos sa pagkakatugma sa kalooban ng Diyos. Gagawin kayo nitong ganap at lubos na masunurin sa gawa ng Diyos, at hindi kayo magkakaroon ng reklamo, hindi kayo hahatulan, o pangangaralan, mas kaunting panghihimasok. Dagdag pa rito, magagawa ninyong maging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan, nagpapahintulot sa Diyos na mailihis kayo at mapaslang na parang isang tupa, upang kayong lahat ay maging mga Pedro ng panahong 1990, at maaaring sukdulang mahalin ang Diyos kahit na nasa krus, nang walang kahit kaunting reklamo. Doon lamang kayo maaaring mamuhay bilang mga Pedro ng panahong 1990.

Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay

     Nadadama ng mga tao na nagagawa lamang nilang magbago sa loob ng kanilang buhay sa iglesia, at kung hindi sila nabubuhay sa loob ng iglesia, ang pagbabago ay hindi posible, na hindi nila magagawang matamo ang pagbabago sa kanilang totoong buhay. Nakikilala ba ninyo kung ano ang usaping ito? Nagsalita Ako tungkol sa pagdadala sa Diyos sa totoong buhay, at ito ang landas para sa kanila na naniniwala sa Diyos upang pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Sa katunayan, ang buhay ng iglesia ay isa lamang limitadong paraan upang gawing perpekto ang tao. Ang pangunahing kapaligiran para sa pagka-perpekto ng mga tao ay ang totoong buhay pa rin. Ito ang totoong pagsasagawa at totoong pagsasanay na Aking sinasabi, na nagtutulot sa mga tao upang matamo ang isang buhay ng normal na pagkatao at upang isabuhay ang kawangis ng isang tunay na tao sa panahon ng pang-araw-araw na buhay. Ang isang aspeto ay ang dapat maging edukado ang isang tao upang pataasin ang kanyang sariling antas ng edukasyon, magawang maunawaan ang mga salita ng Diyos, at tamuhin ang kakayahan na makaunawa. Ang isa pang aspeto ay ang dapat sangkapan ang isang tao ng pangunahing kaalaman na kinakailangan upang mabuhay bilang isang tao upang matamo ang pananaw at katuwiran ng normal na pagkatao, sapagkat ang mga tao ay halos kulang lahat sa mga bahaging ito. Tangi sa roon, dapat ding makarating ang isang tao upang namnamin ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng buhay iglesia, at unti-unting makararating upang magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa katotohanan.

Nob 24, 2017

Ang Masama ay Nararapat Parusahan

Biblia, buhay, Diyos, Jesus, Pagsamba

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Masama ay Nararapat Parusahan

    Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung ang lahat ng iyong pagkilos ay nasusubaybayan ng Diyos, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Matatawag kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at kasakdalan, ay mga matuwid at kinalulugdan ng Diyos. Habang mas tinatanggap ninyo ang mga Salita ng Diyos ngayon mismo, mas nagagawa ninyo matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga Salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan. Ito ang komisyon ng Diyos sa inyo, at kung ano ang dapat ninyong makamtan. Kung gumagamit kayo ng mga pananaw upang sukatin at ilarawan ang Diyos, na parang ang Diyos ay tulad ng isang di-nagbabagong imahen na gawa sa luwad, at kung nililimitahan ninyo ang Diyos sa Biblia, at pinipigilan ninyo Siya sa limitadong saklaw ng paggawa, ito ay nagpapatunay na hinatulan ninyo ang Diyos. Dahil, sa kanilang mga puso, ang mga Hudyo sa panahon ng Lumang Tipan ay ginawang isang hinulmang idolo ang Diyos, na parang ang Diyos ay tatawagin lamang Mesiyas, at tanging Siya lang na tinatawag na Mesiyas ay Diyos, at dahil pinaglingkuran at sinamba nila Siya na parang isang (walang buhay na) imaheng gawa sa luwad, pinako nila si Jesus sa krus sa panahong iyon, na hinatulan nila Siya ng kamatayan—at walang pag-aalinglangang pinarusahan ang inosenteng si Jesus ng kamatayan. Walang ginawang krimen ang Diyos, ngunit hindi pinalampas ng tao ang Diyos at di nagdalawang isip na bigyan Siya ng parusang katamayan. Sa gayon, pinako si Jesus sa krus. Ang tao ay laging naniniwala na hindi nagbabago ang Diyos, at inilalarawan Siya ayon sa Biblia, na parang nakita na ng tao ang pamamahala ng Diyos, na parang ang lahat ng mga ginawa ng Diyos ay nasa kamay ng tao. Ang mga tao ay talaga namang katawa-tawa, taglay nila ang labis na kayabangan, taglay nilang lahat ang talino sa pagsasalita nang maganda. Gaano man kalalim ang kaalaman mo tungkol sa Diyos, sinasabi ko pa rin na hindi mo kilala ang Diyos, at wala ng iba pang mas tumututol sa Diyos, at hinatulan mo ang Diyos, sapagkat lubos kang walang kakayahang sundin ang gawain ng Diyos at ang lumakad sa landas na gawin kang perpekto ng Diyos. Bakit hindi kailanman nasisiyahan ang Diyos sa mga ginagawa ng tao? Dahil hindi kilala ng tao ang Diyos, masyado siyang maraming mga pananaw, sa halip na sundin ang katotohanan, lahat ng kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay nanggaling mula sa parehong hibla, matibay at hindi nababali. Kaya, sa Kanyang pagdating sa mundo ngayon, ang Diyos ay minsan pang ipinako sa krus ng tao. Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay—kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga salita, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na salbaheng hukom ang humatol sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus. Gaano karami ang maaaring tawagin na matuwid dahil talagang kumikilos sila para sa kapakanan ng Diyos?

Nob 21, 2017

Ang Diwa ng Personal na Paghihiganti

Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | ng Diwa ng Personal na Paghihiganti

Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | ng Diwa ng Personal na Paghihiganti


Zhou Li    Xintai City, Shandong Province
  Ilang panahong nakalipas, kinailangan naming balangkasin ang mga distrito sa loob ng aming lugar, at batay sa aming mga prinsipyo para sa pagpili ng mga pinuno, may isang kapatid na lalaki ang medyo nababagay na kandidato. Pinaghandaan kong i-angat siya bilang pinuno ng distrito. Isang araw habang kausap ko ang kapatid na ito, nabanggit niya na pakiramdam niya’y dominante ako sa aking trabaho, masyadong malakas, at ang isang pagtitipon na kasama ako ay hindi gaanong masaya…. Nang marinig ko ito, pakiramdam ko’y minaliit ako. Labis na sumama ang loob ko; nakabuo kaagad ako ng isang partikular na opinyon sa kapatid na ito, at hindi na binalak pang i-angat siya bilang pinuno ng distrito.

Nob 19, 2017

Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos


I
Yamang hinahanap natin bakás ng Diyos,
dapat hanapin kalooban N'ya,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos.
Dahil kung nasa'n bagong salita N'ya,
naroon din ang tinig, ang tinig ng Diyos;
kung nasaan bakás ng Diyos,
naro'n gawa N'ya, naro'n gawa N'ya.
Kung nasaan pahayag ng Diyos,
naro'n pagpapakita, pagpapakita ng Diyos,
at kung nasaan pagpapakita ng Diyos,
naroon ang katotohanan, daan, buhay.

Nob 18, 2017

Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal

Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal


Baixue Shenyang City
  Dahil sa isang pangangailangan sa trabaho, inilipat ako sa ibang lugar ng trabaho. Nang panahong iyon, labis akong nagpasalamat sa Diyos. Pakiramdam ko’y marami pang kulang sa akin, gayunman sa pamamagitan ng banal na pagsusulong ng Diyos, nabigyan ako ng pagkakataon upang tuparin ang aking tungkulin sa isang kahanga-hangang lugar ng trabaho. Gumawa ako ng panata sa Diyos sa aking puso: Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makabayad sa Diyos.