菜單

Okt 27, 2017

Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos


  Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang, humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba. Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?

Okt 24, 2017

Clip ng Pelikulang Paghihintay - Ang Katapusan ng mga Lumaban sa Ikalawang Pagdating ng Panginoon

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Katapusan ng mga Lumaban sa Ikalawang Pagdating ng Panginoon



  Papaano na nakita niyang nagpakita ang Panginoon ngunit ayaw pa ring tanggapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon? Papaano na palagi siyang naghihintay at nag-aabang para sa pagdating ng Panginoon, ngunit sa panahon ng kanyang kamatayan ay iiwan ang isang habambuhay na pagsisisi? Sasabihin sa iyo ng movie clip na ito ang mga sagot.


Rekomendasyon:


Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus

Okt 15, 2017

Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos

Diyos, Cristo, Jesus, katotohanan, buhay

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos

  Ang lahat ng tao ay nais na makita ang tunay na mukha ni Jesus at nagnanais na makasama Siya. Naniniwala ako na wala sa mga kapatid na lalaki o kapatid na babae ang magsasabi na hindi niya gustong makita o makasama si Jesus.

Okt 4, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|Nararapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Nararapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka saDiyos


Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng mga tao ay nauunawaan nila ang katotohanan ngunit hindi nila ito kayang isagawa. Ang isang dahilan ay hindi nais magdusa ng tao, at ang isa pa, ang pang-unawa ng tao ay masyadong hindi sapat; hindi niya makita ang maraming nakalipas na mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may maliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong-unawa ng katotohanan, hindi niya malutas ang mga kahirapan na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay maaari lamang magbigay ng paglilingkod sa bibig sa kanyang pananampalataya sa Diyos, gayunpaman ay hindi kayang dalhin ang Diyos sa kanyang araw-araw na buhay. Sa madaling salita, ang Diyos ay Diyos, at ang buhay ay buhay, para bagang ang tao ay walang relasyon sa Diyos sa kanyang buhay. Iyan ang pinaniniwalaan ng lahat ng tao. Ang ganitong pamamaraan ng pananampalataya sa Diyos ay hindi magbibigay-daan sa tao na magkamit at maging perpekto sa pamamagitan Niya sa katotohanan. Sa katotohanan, ang ibig sabihin nito ay hindi ang hindi kumpleto ang salita ng Diyos, ngunit sa halip ang kakayahan ng tao upang tanggapin ang Kanyang salita ay hindi sapat. Maaari nating sabihin na halos lahat ng tao ay hindi ginagawa kung ano ang orihinal na atas ng Diyos. Sa halip, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay alinsunod sa kanilang sariling intensyon, itinatag na mga palagay sa relihiyon, at mga kaugalian. Kaunti ang mga sumailalim sa isang pagbabago sa pagsunod sa pagtanggap ng salita ng Diyos at sinimulang kumilos alinsunod sa Kanyang kalooban. Sa halip, nanatili pa rin sila sa kanilang mga maling paniniwala. Kapag ang tao ay nagsimulang maniwala sa Diyos, siya ay gumagawa batay sa nakaugaliang patakaran ng relihiyon, at namumuhay at nakikipag-ugnayan sa iba nang ganap batay sa kanyang sariling pilosopiya sa buhay. Iyan ang kaso ng siyam sa bawat sampung tao. Kakaunti ang mga nagpapanukala ng isa pang plano at panibagong simula pagkatapos umpisahang maniwala sa Diyos. Walang nagtatangi o magawang isagawa ang salita ng Diyos bilang katotohanan.

Okt 3, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Mga Himno | Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Mga Himno | Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan

Balik sa pamilya ng Diyos, sabik at masaya.
Makilala Ka’y karangalan ko, puso ko’y alay sa ‘Yo tunay na Diyos,
ibinigay ko ang aking puso sa Iyo.
Lambak ng Luhang ma’y dinaanan, rikit ng Diyos kita.
Pag-ibig sa Diyos lumalago, galak ko’y galing Sa ‘Yo.
Ganda ng Diyos, at likha Niya, puso’y kapit sa Kanya.
Pag-ibig ko sa Diyos di-sapat, awit sa puso ko’y umigkas.

Okt 2, 2017

Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos


Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos

Walang may kamalayan sa pagdating ng Diyos,
walang sumalubong sa pagdating Niya.
Higit pa, walang may-alam sa gagawin ng Diyos.
Walang may-alam ng gagawin N’ya.
Buhay ng tao’y sadyang hindi nagbabago.
Kasama natin ang Diyos gayang karaniwang tao,
bilang pinakahamak sa lahat ng tagasunod,
bilang karaniwang mananalig.
May sarili Siyang hangarin at layunin.
May pagka-Diyos Siyang di-taglay ng tao.
Walang nakabatid ng Kanyang pagka-Diyos,
o ang kaib’hang Kanyang diwa sa tao.
Kasama natin Siya sa pamumuhay, walang takot at malaya,
ang tingin natin sa Kanya’y ‘di higit sa walang halagang mananalig.
Kanyang minamasdan ang bawat kilos natin,
at lahat ng ating saloobin ang lahat ng to ay lantad sa harapan Niya,
ang lahat ay hayag sa harap Niya.
Walang may pakialam sa pag-iral ng Diyos,
walang nakaisip sa tungkulin Niya,
higit sa lahat, walang sinumang naghinala tungkol sa kung sino Siya.
Nagpatuloy lamang tayo sa mga gawain natin,
na tila walang kaugnayan ang Diyos sa atin.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Okt 1, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos

Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos
Isang araw,
mararamdaman mo na ang Maylalang
ay hindi na isang palaisipan,
na ang Maylalang ay hindi kailanman nagtago sa iyo,
na ang Maylalang
ay hindi kailanman ikinubli ang Kanyang mukha sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi kailanman malayo sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi na ang Isa na
walang tigil mong inaasam sa iyong mga kaisipan
ngunit hindi mo maaaring abutin ng iyong mga damdamin,
na Siya ay talagang at tunay na nagbabantay sa iyong kaliwa at kanan,
nagtutustos ng iyong buhay, at tumatangan ng iyong tadhana,
tumatangan ng iyong tadhana.
Wala Siya sa malayong abot-tanaw,
ni inilihim Niya ang Kanyang Sarili sa itaas sa mga ulap.