菜單

Dis 14, 2018

Ikaw Ay Nasa Puso Ko


Tagalog Worship Songs Ikaw Ay Nasa Puso Ko

I
Sa pagtupad ko ng tungkulin malayo sa 'king tahanan,
iniisip Kita at nagdarasal ako sa 'Yo.
Sa pagbabasa ng salita Mo,
lalo akong nagtitiwala sa 'Yo puso'y napapanatag.
Para makapagpatotoo sa 'Yo, labis akong naghirap,
at lalo kong nalalaman kung gaano Ka kaganda.
Sumusunod sa 'Yo, lalakad ako hanggang katapusan.
'Pag nagbago Ka ng anyo,
pagbabalik Mo'y sasalubungin namin,
pagbabalik Mo'y sasalubungin.

Dis 13, 2018

Tagalog Full Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation



Tagalog Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation


Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip.

Dis 12, 2018

Paano Mo Dapat Tratuhin ang Iyong Sariling Mga Salita at Pagkilos

https://tl.godfootsteps.org/wp-content/grand-media/audio/how-treat-your-words-and-actions.m4a

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Paano Mo Dapat Tratuhin
ang Iyong Sariling Mga Salita at Pagkilos


I
Naniniwala ka ba sa mga salita ng Diyos
at sa paghihiganti?
Na parurusahan Niya ang mga nanlilinlang,
nagtataksil sa Kanya?
Mas gugustuhin mo bang dumating ang araw na iyon
nang mas maaga o mas matagal pang panahon?
Natatakot ka ba sa kaparusahan,
o lalabanan mo ba ang Diyos,
kahit na alam mong may kaparusahan?
At kapag dumating ang araw na iyon,
ikaw ba ay nasa gitna ng pag-iyak o kasiyahan?
Ikaw ba ay umaasa o natatakot

Dis 11, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos ay nasa Langit at Nasa Lupa Rin"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Diyos ay nasa Langit at Nasa Lupa Rin


I
Ang Diyos ay praktikal sa puso ng mga tao,
kapag Siya'y nasa lupa.
Sa langit,
ang Diyos ang Tagapamahala ng lahat ng mga nilalang.
Minsang naglakbay ang Diyos sa mga bundok at sa mga tubig, 
marahan Siyang lumakad kasama ng sangkatauhan.

Dis 10, 2018

Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (1) "Bakit ba Labis na Inaapi ng CCP ang mga Kristiyano?"


Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (1) "Bakit ba Labis na Inaapi ng CCP ang mga Kristiyano?"


Malinaw na nakasaad sa Chinese Constitution ang kalayaang pangrelihiyon, pero sa likod ng lahat ng ito, gumagamit ang gobyerno ng maraming tao at pera sa hibang na pagsugpo sa mga paniniwala sa relihiyon at malupit na pagpapahirap sa mga Kristiyano. Ni hindi pa sila tumitigil sa pagbili ng pinakabagong surveillance equipment para subaybayan, sundan, at arestuhin ang mga Kristiyano.

Dis 9, 2018

Clip ng Pelikulang Ang Sandali ng Pagbabago (1) "Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?"


Tagalog Christian Movie Ang Sandali ng Pagbabago (1) "Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?"


Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: "Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin." (1Co 15:52). Naniniwala sila na kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala nang hindi umaalpas sa pang-aalipin ng pagiging likas na makasalanan, agad babaguhin ng Panginoon ang ating imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit pagdating Niya.

Dis 8, 2018

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII" (Ikatlong Bahagi)


Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII" (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nagtrabaho nang palihim ang Diyos. Noong hindi pa dumarating ang tao sa mundong ito, bago makadaupang-palad ang sangkatauhang ito, nilikha na ng Diyos ang lahat ng ito.