菜單

Dis 14, 2018

Ikaw Ay Nasa Puso Ko


Tagalog Worship Songs Ikaw Ay Nasa Puso Ko

I
Sa pagtupad ko ng tungkulin malayo sa 'king tahanan,
iniisip Kita at nagdarasal ako sa 'Yo.
Sa pagbabasa ng salita Mo,
lalo akong nagtitiwala sa 'Yo puso'y napapanatag.
Para makapagpatotoo sa 'Yo, labis akong naghirap,
at lalo kong nalalaman kung gaano Ka kaganda.
Sumusunod sa 'Yo, lalakad ako hanggang katapusan.
'Pag nagbago Ka ng anyo,
pagbabalik Mo'y sasalubungin namin,
pagbabalik Mo'y sasalubungin.
II
Ang salita Mo ang humuhubog sa'kin
at sa aki'y nagbibigay-buhay.
Sa pag-iisip sa pagmamahal Mo, puso ko'y sumasaya,
at buong katawan ko'y lumalakas, lumalakas.
Lahat aking iniiwan at ginugugol para sa 'Yo.
Ikaw ang nagtataas sa 'kin.
Sumusunod sa 'Yo, lalakad ako hanggang katapusan.
'Pag nagbago Ka ng anyo,
pagbabalik Mo'y sasalubungin namin,
pagbabalik Mo'y sasalubungin.
Oh-oh-oh, sumusunod sa 'Yo, lalakad ako hanggang katapusan.
'Pag nagbago Ka ng anyo,
pagbabalik Mo'y sasalubungin namin,
pagbabalik Mo'y sasalubungin.
III
Sa paghihirap at pagiging laging abala
'di ako nasasaktan, dahil kapiling kita.
Kahit 'di makita 'Yong mukha,
mahal pa rin Kita, at Ika'y nasa puso ko.
Pag-ibig Mo'y nag-ugat na dito sa puso ko
at magpakailanma'y magiging tapat sa 'Yo.
Sumusunod sa 'Yo, lalakad ako hanggang katapusan.
'Pag nagbago Ka ng anyo,
pagbabalik Mo'y sasalubungin namin,
pagbabalik Mo'y sasalubungin.
Pagbabalik Mo'y sasalubungin namin.
pagbabalik Mo'y sasalubungin namin.

Magrekomenda nang higit pa:Tagalog Christian Songs