菜單

Dis 12, 2018

Paano Mo Dapat Tratuhin ang Iyong Sariling Mga Salita at Pagkilos

https://tl.godfootsteps.org/wp-content/grand-media/audio/how-treat-your-words-and-actions.m4a

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Paano Mo Dapat Tratuhin
ang Iyong Sariling Mga Salita at Pagkilos


I
Naniniwala ka ba sa mga salita ng Diyos
at sa paghihiganti?
Na parurusahan Niya ang mga nanlilinlang,
nagtataksil sa Kanya?
Mas gugustuhin mo bang dumating ang araw na iyon
nang mas maaga o mas matagal pang panahon?
Natatakot ka ba sa kaparusahan,
o lalabanan mo ba ang Diyos,
kahit na alam mong may kaparusahan?
At kapag dumating ang araw na iyon,
ikaw ba ay nasa gitna ng pag-iyak o kasiyahan?
Ikaw ba ay umaasa o natatakot

na matutupad ang lahat ng salita ng Diyos?
Kung ikaw ay umaasa na aalis ang Diyos
sa lalong madaling panahon
para tuparin ang Kanyang mga salita,
paano mo dapat tratuhin ang iyong mga salita
at mga pagkilos?
Kung hindi ka umaasa na ito ay mangyayari,
bakit maniniwala pa sa Kanya?
II
Anong mga katapusan ang Iyong ninanais?
Lubusan ka bang naniniwala o nagdududa sa Diyos?
Pinag-aralan mo ba ang mga kahihinatnan at mga katapusan
na idudulot ng iyong mga pagkilos at pag-uugali?
Ikaw ba ay umaasa o natatakot
na matutupad ang lahat ng salita ng Diyos?
Kung ikaw ay umaasa na aalis ang Diyos
sa lalong madaling panahon
para tuparin ang Kanyang mga salita,
paano mo dapat tratuhin ang iyong mga salita
at mga pagkilos?
Kung hindi ka umaasa na ito ay mangyayari,
bakit maniniwala pa sa Kanya?
III
Batid mo ba kung bakit ka sumusunod sa Kanya?
Kung para lamang palawakin ang iyong abot-tanaw,
kung gayon hindi na kailangang pagdusahan
itong mga karaingan.
Subalit kung ito ay para pagpalain at umiwas sa kalamidad,
bakit hindi ka nababahala tungkol sa iyong pag-uugali?
Bakit hindi mo tanungin ang iyong sarili
kung matutugunan mo ang Kanyang mga kahilingan?
O ikaw ba ay karapat-dapat tumanggap
sa Kanyang mga pagpapala sa hinaharap?
Kung ikaw ay umaasa na aalis ang Diyos
sa lalong madaling panahon
para tuparin ang Kanyang mga salita,
paano mo dapat tratuhin ang iyong mga salita
at mga pagkilos?
Kung hindi ka umaasa na ito ay mangyayari,
bakit maniniwala pa sa Kanya?

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao