菜單

Nob 26, 2019

Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy" (Clip 1/2)


Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy" (Clip 1/2)


Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21).

Nob 24, 2019

Tagalog Christian Songs | Ang Nagkatawang-taong Anak ng Tao'y Diyos Mismo




Tagalog Christian Songs | Ang Nagkatawang-taong Anak ng Tao'y Diyos Mismo



Nang pagka-Diyos ng Diyos,
sa dugo't laman natanto,
malinaw nang Siya ay narito.
Malalapitan Siya ng tao,
mauunawaan kalooban Niya,
maging pagka-Diyos Niya sa mga salita,
gawa at kilos ng Anak ng tao.

Sa pagkatao, inihayag ng Anak
kalooban at pagka-Diyos ng Diyos.
At sa pagpapakita ng disposisyon,
inihayag Niya sa tao ang Diyos
sa espirituwal na dako,
na 'di nahihipo o nakikita.
Nakita nilang Diyos,
may laman at anyo.

Nob 18, 2019

Tagalog Praise Songs | "Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo" | God Is My Beloved



Tagalog Praise Songs | "Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo" | God Is My Beloved

I
Kaninong mga salita ang pinakamatamis,
at pinalakas ang aking espiritu?
Kaninong pag-ibig ang pinakamaganda,
at kinuha ang aking puso?
Kaninong gawain ang pinaka-kahanga-hanga,
nililinis ang katiwalian ng sangkatauhan?
Sino ang nagbibigay sa akin ng malaking kaligtasan,
at nagdadala sa akin sa harap ng trono?
Sino ang nagbibigay sa akin ng isang tunay na buhay ng tao, 
na pinapayagan akong makita muli ang liwanag?
Sino'ng pinaka-kaibig-ibig na Persona na palagi kong iniisip?
Makapangyarihang Diyos, aking Mahal,
Ika'y nasa puso ko.
Makapangyarihang Diyos, aking Mahal, ang puso ko'y sa'Yo.

Nob 14, 2019

Tagalog Christian Song | "Nadala na ng Diyos ang Tao sa Bagong Panahon"



Tagalog Christian Song - "Nadala na ng Diyos ang Tao sa Bagong Panahon"


Gawain ng Diyos ang pumapatnubay

sa buong sansinukob at, higit pa rito,

ang kidlat ay direktang kumikislap

mula Silangan hanggang Kanluran.

I

Ipinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain

sa mga bayang gentil.

Ang Kanyang kaluwalhatian ay kumikislap sa buong sansinukob.

Nob 11, 2019

Tagalog Christian Songs | Ituring ang Salita ng Diyos Bilang Batayan ng Asal Ninyo


Tagalog Christian Songs | Ituring ang Salita ng Diyos Bilang Batayan ng Asal Ninyo



Diyos umaasang hindi n'yo maaksaya
lahat ng bigay N'ya, pagpapagal N'ya;
at malalaman ninyo puso N'ya,
tinuturing salita N'ya inyong batayan.
Ito ma'y mga salitang
gusto n'yong dinggin o hindi,
ito ma'y mga salitang
masaya n'yong tinatanggap o nahihirapan,
dapat n'yo itong bigyang-halaga.
Kilos n'yong mababaw at walang pakialam
magdudulot ng lungkot at muhi sa Kanya.
Diyos umaasang hindi n'yo maaksaya
lahat na bigay N'ya, pagpapagal N'ya;
at malalaman ninyo puso N'ya,
tinuturing salita N'ya inyong batayan.

Nob 8, 2019

Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan" (Clip 1/2)




Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan"



Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.

Nob 6, 2019

"Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" (Clips 2/2) Paano Lutasin ang Panloloko at Maging Tapat na Tao na Naghahatid ng Kagalakan sa Diyos



Tagalog Christian Movie |  "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" (Clips 2/2) Paano Lutasin ang Panloloko at Maging Tapat na Tao na Naghahatid ng Kagalakan sa Diyos



Sabi ng Panginoong Jesus, "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit" (Mateo 18:3). 
Si Cheng Nuo, isang Kristiyano, ay hindi tumitigil kailanman sa paghahangad na maging isang tapat na tao. Pagkaraan ng ilang taon ng pagpapailalim sa gawain ng Diyos, dumalang na ang kanyang pagsisinungaling at nagtrabaho siya para sa simbahan mula madaling araw hanggang hatinggabi, nahihirapan at ginugugol ang sarili. Itinuturing niya na isa siyang tapat na tao na umaayon sa kalooban ng Diyos. Ngunit nang masaktan nang malubha ang kanyang asawa sa isang aksidente, nagsimulang mabuo sa kanyang puso ang mga maling pagkaunawa at reklamo sa Diyos at nawalan siya ng hangaring gampanan ang kanyang tungkulin.