Tagalog Christian Movie | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" (Clips 2/2) Paano Lutasin ang Panloloko at Maging Tapat na Tao na Naghahatid ng Kagalakan sa Diyos
Sabi ng Panginoong Jesus, "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit" (Mateo 18:3).
Si Cheng Nuo, isang Kristiyano, ay hindi tumitigil kailanman sa paghahangad na maging isang tapat na tao. Pagkaraan ng ilang taon ng pagpapailalim sa gawain ng Diyos, dumalang na ang kanyang pagsisinungaling at nagtrabaho siya para sa simbahan mula madaling araw hanggang hatinggabi, nahihirapan at ginugugol ang sarili. Itinuturing niya na isa siyang tapat na tao na umaayon sa kalooban ng Diyos. Ngunit nang masaktan nang malubha ang kanyang asawa sa isang aksidente, nagsimulang mabuo sa kanyang puso ang mga maling pagkaunawa at reklamo sa Diyos at nawalan siya ng hangaring gampanan ang kanyang tungkulin.
Sa pamamagitan ng pagsubok at paglalantad sa kanya ng Diyos, binasa ni Cheng Nuo ang mga salita ng Diyos at nagnilay-nilay. Nalaman niya na kahit madalang na siyang magsinungaling mula nang manalig siya, nasa puso pa rin niya ang pagiging tuso at mapanlinlang, at ang paggugol niya para sa Diyos ay para makipagtawaran sa Diyos, na naghahanap ng mga pagpapala at gantimpala; ang pagkakaroon niya ng sakim at mapanlinlang na masamang disposisyon ay malalim pa ring nakabaon sa kanya, at hindi siya isang tapat na tao na naghahatid ng kagalakan sa Diyos. Kalaunan ay naunawaan niya ang kanyang likas na panlilinlang sa paghahanap ng katotohanan at nakasumpong ng landas tungo sa pagiging isang tapat na tao at isang taong nararapat sa kaharian ng Diyos …