菜單

Hul 10, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong



I
Pagkatapos ng gawain ni Jehova,
naging tao si Jesus para gumawa sa gitna ng mga tao.
Di nakabukod ang Kanyang gawain,
ito'y itinatag sa gawain ni Jehova.
Ito ang gawain para sa isang bagong panahon
nang wakasan ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan.
At nang magwakas ang gawain ni Jesus,
nagpatuloy ang Diyos sa sumunod na panahon.

Hul 4, 2019

Ebanghelyo Ngayong Araw: Paano Magiging Mas Malapit sa Diyos


Ni Kaiomo, China

Sinasabi ng Bibliya, “Magsilapit kayo sa Dios, at siya’y lalapit sa inyo” (Santiago 4:8). Bilang mga Kristiyano, sa pamamagitan lamang ng paglapit sa Diyos at pagkakaroon ng isang tunay na pakikipag-ugnayan sa Kanya at saka natin mapananatili ang isang normal na relasyon sa Diyos at matamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Katulad lang ito ng dalawang taong nakikipag-ugnayan sa bawat isa, na mapananatili lamang nila ang kanilang malapit na relasyon sa mahabang panahon sa pamamagitan ng pagiging bukas sa isa’t isa, madalas na pakikipag-usap kapag nahaharap sila sa mga isyu, at sa pamamagitan ng pag-unawa at paggalang sa isa’t isa.

Hun 29, 2019

Si Cristo ang Diyos na Nagkatawang-tao


Tagalog Christian Movies Clip - Si Cristo ang Diyos na Nagkatawang-tao (Tagalog)


Sa nakalipas na dalawang libong taon, bagama’t alam ng mga mananampalataya sa Panginoon na ang Panginoong Jesus ay si Cristo, na Siya ang Diyos sa katawang-tao, walang nakaunawa sa mga hiwaga ng katotohanan kaugnay sa kung ano talaga ang pagkakatawang-tao ng Diyos at kung paano natin dapat kilalanin ang Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit, noong nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw para dumating at gawin ang Kanyang gawain na paghatol, itinuring Siya ng ilang tao na para bang Siya’y karaniwang tao lang at tumangging tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Napakamalamang na mawawala ng mga tao ang pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw sa ganitong paraan. Makikitang mahalaga ang pagkaunawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao para sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon.

Hun 24, 2019

"Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom



Tagalog Christian Movies 2019 | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom


Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na matatapat na tao lamang ang makakapasok sa kaharian ng langit; matatapat na tao lang ang maaaring maging mga tao ng kaharian. Ikinukuwento ng pelikulang ito ang karanasan ng Kristiyanong si Cheng Nuo sa gawain ng Diyos at ang patuloy na paghahangad niyang maging matapat na tao sa buhay.

Hun 19, 2019

Pagkilala kay Jesus|Ang Disposisyon ba ng Panginoong Jesus ay Maawain at Mapagmahal Lamang?


Sa tuwing pag-uusapan natin ang Panginoong Jesus, iniisip nating lahat ang Kanyang masaganang pag-ibig para sa atin; personal Siyang pumunta sa mundo upang tubusin ang sangkatauhan at isang inosenteng Tao na ipinako sa krus, at ang aktong ito ay ganap na inihahayag ang Kanyang pag-ibig sa buong sangkatauhan. Sinasabi ng Biblia, “Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios, Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin, Upang liwanagan ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan; Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan” (Lucas 1:78–79). Bawat Kristiyano na tumatanggap sa kaligtasan ng Panginoon ay tinatamasa ang masaganang biyaya na ipinagkakaloob Niya sa atin at nararanasan natin ang kapayapaan at kaligayahang ibinibigay Niya sa atin. Kaya naman maraming tao ang naniniwala na ang disposisyon ng Panginoong Jesus ay habambuhay na mapagmahal at maawain.

Hun 16, 2019

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos


Salita ng Buhay | "Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Matapos ang gawa ni Jehova, si Jesus ay naging katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa kalagitnaan ng mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinakatuparan nang hiwalay, subali’t itinatag sa ibabaw ng gawain ni Jehova.

Hun 13, 2019

Ano ang madala sa langit bago sumapit ang kalamidad? Ano ang isang mananagumpay na ginawang ganap bago sumapit ang kalamidad?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang “pagiging nadagit” ay hindi ang makuha mula sa isang mababang lugar tungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Ito ay isang malaking pagkakamali. Ang pagiging nadagit ay tumutukoy sa Aking pagtatadhana bago pa man at pagpipili. Ito ay nakatutok sa lahat ng Aking naordinahan bago pa man at pinili. Yaong mga nagkamit ng estado ng pagiging mga panganay na anak, ang estado ng Aking mga anak, o Aking bayan, ay ang lahat ng mga tao na nadagit. Ito ay napaka-hindi-tugma sa mga paniwala ng mga tao. Sinuman na may bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay ang lahat ng tao na nadagit sa harap Ko. Ito ay tunay na tunay, hindi-nagbabago-kaylan-man, at hindi kayang pasubalian ng kahit sino. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sino mang Aking naordinahan bago pa man ay madadagit sa harap Ko.