菜單

Hun 2, 2019

Salita ng Diyos | "Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya.

May 31, 2019

Anong gantimpala ang ipinakakaloob sa matatalinong dalaga? Daranas ba ng kalamidad ang mga mangmang na dalaga?

Nagbalik na ang Panginoon,Bible

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


"Ang pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu" ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, ang magawang talimahin at sundin ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ay ang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu.

May 30, 2019

Mga Patotoo ng Pagkakaranas ng Paghatol sa Harapan ng Upuan ni Cristo


"Sino Siya na Nagbalik" Clip 7 - Mga Patotoo ng Pagkakaranas ng Paghatol sa Harapan ng Upuan ni Cristo


Bagama’t napapawalang-sala ang ating mga kasalanan sa sandaling maniwala tayo sa Panginoon, nabubuhay pa rin tayo sa gitna ng kasalanan, nagkakasala at ikinukumpisal ang mga kasalanan araw-araw at lahat ay nasasabik sa sandaling hindi na tayo magkakasala o susuway sa Diyos. Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang paghatol upang lutasin ang ating mga malasatanas na disposisyon at makasalanang kalikasan. Makinig kayo! Ibinabahagi ng mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang  Diyos ang kanilang mga patotoo sa pagsailalim sa paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos at kung paano nito binago ang kanilang mga disposisyon.

May 28, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos


Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa loob ng iglesia ngayon? Mayroon ka bang nauunawaan sa gayon? Ano ang pinakadakilang mga paghihirap ng mga kapatid? Ano ang pinakakulang sa kanila? Sa kasalukuyan, may ilang mga tao na negatibo sa gitna ng mga pagsubok, at ang iba sa kanila ay nagrereklamo pa, at ang ilan ay hindi na nagpapatuloy pa sapagkat ang Diyos ay hindi na nagsasalita. Ang mga tao ay hindi nakapasok sa tamang landas sa paniniwala sa Diyos.

May 27, 2019

Tagalog Christian Songs | "Tumindig, Makipagtulungan sa Diyos"



Tagalog Christian Songs | "Tumindig, Makipagtulungan sa Diyos"


I
Mahal ng Diyos ang lahat, 
lahat ng tunay na naglalaan ng sarili nila sa Kanya,
napopoot sa lahat ng isinilang sa Kanya,
gayunma'y kinakalaban at 'di Siya kilala.
'Di Niya pababayaan ang mga tunay na para sa Kanya.
Sa halip dodoblehin Niya ang mga pagpapala nila.
Lahat ng walang utang-na-loob ay parurusahang dalawang ulit.
Wala Siyang palalampasing sinuman sa kanila.
Tumindig, makipagtulungan sa Diyos!
Taos-pusong gumugol para sa Kanya,
at magiging patas sa iyo ang Diyos.

May 26, 2019

Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)



Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa bawa’t pagkakataon ng gawain ng Diyos ay naroon ang mga pangitain na kailangang malaman ng tao, mga pangitain na sinusundan ng mga angkop na kinakailangan ng Diyos sa tao. Kung wala ang mga pangitaing ito bilang saligan, hindi kayang magsagawa ng tao, o makakayang lubos na sumunod sa Diyos. Kung hindi kilala ng tao ang Diyos at hindi nauunawaan ang Kanyang kalooban, lahat ng ginagawa ng tao ay walang kabuluhan, at walang kakayahang sang-ayunan ng Diyos.Kahit gaano kasagana ang mga kaloob sa tao, hindi pa rin siya maihihiwalay mula sa gawain at sa patnubay ng Diyos.

May 25, 2019

"Sino Siya na Nagbalik" Clip 6 - Tanging ang Salita ng Diyos ang Makapagbibigay ng Buhay sa Tao


"Sino Siya na Nagbalik" Clip 6 - Tanging ang Salita ng Diyos ang Makapagbibigay ng Buhay sa Tao


Maraming tao ang naniwala sa Diyos sa loob ng isang libong taon, ngunit napakakaunti ang nakaintindi kung ano ang katotohanan, at mas kaunti pa ang nakaintindi kung bakit nagagawa ng katotohanan na maging mga buhay natin, at kung ano eksakto ang maaaring resulta nito. Samakatuwid, maraming tao ang naniniwala sa Diyos ngunit hindi hinahanap ang katotohanan at, bagama’t naniwala sila sa Diyos nang maraming taon, hindi pa sumailalim sa kahit anong pagbabago ang kanilang mga disposisyon sa buhay. Tatalakayin ng maikling pelikulang ito kung bakit tanging ang salita ng Diyos ang katotohanan, at kung bakit tanging ang katotohanan ang maaaring maging ating buhay na walang hanggan.

Ang katapatan sa salita at gawa ay ang pangunahing kasanayan na maging tapat na tao. Tanging matapat na tao ang makakapasok sa kaharian ng langit. Ang "Walang Katumbas Ang Katapatan" ay nagdudulot sa atin ng paraan upang magsanay. Umaasa ako na lahat tayo ay maaaring tapat na mga tao upang pagpalain ng Diyos!