菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Patotoo ng isang Cristiano. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Patotoo ng isang Cristiano. Ipakita ang lahat ng mga post

May 30, 2019

Mga Patotoo ng Pagkakaranas ng Paghatol sa Harapan ng Upuan ni Cristo


"Sino Siya na Nagbalik" Clip 7 - Mga Patotoo ng Pagkakaranas ng Paghatol sa Harapan ng Upuan ni Cristo


Bagama’t napapawalang-sala ang ating mga kasalanan sa sandaling maniwala tayo sa Panginoon, nabubuhay pa rin tayo sa gitna ng kasalanan, nagkakasala at ikinukumpisal ang mga kasalanan araw-araw at lahat ay nasasabik sa sandaling hindi na tayo magkakasala o susuway sa Diyos. Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang paghatol upang lutasin ang ating mga malasatanas na disposisyon at makasalanang kalikasan. Makinig kayo! Ibinabahagi ng mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang  Diyos ang kanilang mga patotoo sa pagsailalim sa paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos at kung paano nito binago ang kanilang mga disposisyon.

Ene 13, 2019

Kumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan

Kumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan

Qin Shuting, Lungsod ng Linyi, Lalawigan ng Shandong

Sa ilang panahon, bagama't hindi ako tumigil sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, hindi ko kailanman naramdaman ang liwanag. Ako ay nanalangin sa Diyos para dito ngunit, pagkatapos, hindi pa rin ako naliwanagan. Kaya naisip ko, "kumain ako at uminom ng nararapat sa akin at ang Diyos ay hindi ako nililiwanagan. Wala akong magagawa, at wala akong kakayahan upang makatanggap ng mga salita ng Diyos. May oras para liwanagan ng Diyos ang bawat tao, kaya hindi kailangang pagsikapang madaliin ito."