菜單

May 28, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos


Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa loob ng iglesia ngayon? Mayroon ka bang nauunawaan sa gayon? Ano ang pinakadakilang mga paghihirap ng mga kapatid? Ano ang pinakakulang sa kanila? Sa kasalukuyan, may ilang mga tao na negatibo sa gitna ng mga pagsubok, at ang iba sa kanila ay nagrereklamo pa, at ang ilan ay hindi na nagpapatuloy pa sapagkat ang Diyos ay hindi na nagsasalita. Ang mga tao ay hindi nakapasok sa tamang landas sa paniniwala sa Diyos.

May 27, 2019

Tagalog Christian Songs | "Tumindig, Makipagtulungan sa Diyos"



Tagalog Christian Songs | "Tumindig, Makipagtulungan sa Diyos"


I
Mahal ng Diyos ang lahat, 
lahat ng tunay na naglalaan ng sarili nila sa Kanya,
napopoot sa lahat ng isinilang sa Kanya,
gayunma'y kinakalaban at 'di Siya kilala.
'Di Niya pababayaan ang mga tunay na para sa Kanya.
Sa halip dodoblehin Niya ang mga pagpapala nila.
Lahat ng walang utang-na-loob ay parurusahang dalawang ulit.
Wala Siyang palalampasing sinuman sa kanila.
Tumindig, makipagtulungan sa Diyos!
Taos-pusong gumugol para sa Kanya,
at magiging patas sa iyo ang Diyos.

May 26, 2019

Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)



Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa bawa’t pagkakataon ng gawain ng Diyos ay naroon ang mga pangitain na kailangang malaman ng tao, mga pangitain na sinusundan ng mga angkop na kinakailangan ng Diyos sa tao. Kung wala ang mga pangitaing ito bilang saligan, hindi kayang magsagawa ng tao, o makakayang lubos na sumunod sa Diyos. Kung hindi kilala ng tao ang Diyos at hindi nauunawaan ang Kanyang kalooban, lahat ng ginagawa ng tao ay walang kabuluhan, at walang kakayahang sang-ayunan ng Diyos.Kahit gaano kasagana ang mga kaloob sa tao, hindi pa rin siya maihihiwalay mula sa gawain at sa patnubay ng Diyos.

May 25, 2019

"Sino Siya na Nagbalik" Clip 6 - Tanging ang Salita ng Diyos ang Makapagbibigay ng Buhay sa Tao


"Sino Siya na Nagbalik" Clip 6 - Tanging ang Salita ng Diyos ang Makapagbibigay ng Buhay sa Tao


Maraming tao ang naniwala sa Diyos sa loob ng isang libong taon, ngunit napakakaunti ang nakaintindi kung ano ang katotohanan, at mas kaunti pa ang nakaintindi kung bakit nagagawa ng katotohanan na maging mga buhay natin, at kung ano eksakto ang maaaring resulta nito. Samakatuwid, maraming tao ang naniniwala sa Diyos ngunit hindi hinahanap ang katotohanan at, bagama’t naniwala sila sa Diyos nang maraming taon, hindi pa sumailalim sa kahit anong pagbabago ang kanilang mga disposisyon sa buhay. Tatalakayin ng maikling pelikulang ito kung bakit tanging ang salita ng Diyos ang katotohanan, at kung bakit tanging ang katotohanan ang maaaring maging ating buhay na walang hanggan.

Ang katapatan sa salita at gawa ay ang pangunahing kasanayan na maging tapat na tao. Tanging matapat na tao ang makakapasok sa kaharian ng langit. Ang "Walang Katumbas Ang Katapatan" ay nagdudulot sa atin ng paraan upang magsanay. Umaasa ako na lahat tayo ay maaaring tapat na mga tao upang pagpalain ng Diyos!

May 24, 2019

Tagalog Christian Songs | Nawa'y Mabatid Natin ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos



Tagalog Christian SongsNawa'y Mabatid Natin ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos



I
Namumuhay sa lupaing ito ng karumihan,
tayo'y malabis na inuusig ng malaking pulang dragon.
At nakabuo tayo ng pagkapoot para dito.
Hinahadlangan nito ang pag-ibig natin sa Diyos
at hinihikayat ang ating kasakiman
para sa 'ting mga pagkakataon sa hinaharap.
Tinutukso tayo nito na maging negatibo, para labanan ang Diyos.
Tayo'y nalinlang, napasama't napinsala nito hanggang ngayon,
sa puntong di natin makayang
suklian ang pag-ibig ng Diyos ng ating puso.

May 23, 2019

31. Ano ang matatalinong dalaga? Ano ang mangmang na mga dalaga?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Sa kasalukuyan, lahat niyaong sumusunod sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa daloy ng Banal na Espiritu; yaong mga estranghero sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu, at ang gayong mga tao ay hindi pupurihin ng Diyos. … "Ang pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu" ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, ang magawang talimahin at sundin ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ay ang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang mayroong kakayahan na tanggapin ang papuri ng Diyos at nakikita ang Diyos, ngunit makakaya ding malaman ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakahuling gawain ng Diyos, at makakaya ding malaman ang mga pagkaintindi at pagkamasuwayin ng tao, at kalikasan at katuturan ng tao, mula sa Kanyang pinakahuling gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod.

May 22, 2019

38. Paano nakikita ang pagbabago ng disposisyon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Kung mababago man ang iyong disposisyon o hindi, nakasalalay ito kung makaaagapay ka o hindi sa mismong mga salita ng Banal na Espiritu taglay ang tunay na pagkaunawa. Ito ay iba mula sa inyong naunawaan noong una. Ang iyong naintindihan ukol sa isang pagbabago sa disposisyon noong una ay ikaw, na madaling manghatol, sa pamamagitan ng pagdidisiplina ng Diyos ay hindi na basta-basta na lamang nagsasalita. Ngunit ito ay isa lamang aspeto ng pagbabago, at sa kasalukuyan ang pinaka-kritikal na punto ay ang pagsunod sa paggabay ng Banal na Espiritu. Sinusunod ninyo ang anumang sinasabi ng Diyos; tinatalima ninyo ang anumang Kanyang sinasabi. Hindi kayang baguhin ng mga tao ang kanilang disposisyon sa kanilang ganang mga sarili; sila ay kailangang sumailalim sa paghatol at pagkastigo at masakit na pagpipino ng mga salita ng Diyos, o pakikitunguhan, didisiplinahin, at pupungusin sa pamamagitan ng Kanyang mga salita.