菜單

May 24, 2019

Tagalog Christian Songs | Nawa'y Mabatid Natin ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos



Tagalog Christian SongsNawa'y Mabatid Natin ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos



I
Namumuhay sa lupaing ito ng karumihan,
tayo'y malabis na inuusig ng malaking pulang dragon.
At nakabuo tayo ng pagkapoot para dito.
Hinahadlangan nito ang pag-ibig natin sa Diyos
at hinihikayat ang ating kasakiman
para sa 'ting mga pagkakataon sa hinaharap.
Tinutukso tayo nito na maging negatibo, para labanan ang Diyos.
Tayo'y nalinlang, napasama't napinsala nito hanggang ngayon,
sa puntong di natin makayang
suklian ang pag-ibig ng Diyos ng ating puso.

May 23, 2019

31. Ano ang matatalinong dalaga? Ano ang mangmang na mga dalaga?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Sa kasalukuyan, lahat niyaong sumusunod sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa daloy ng Banal na Espiritu; yaong mga estranghero sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu, at ang gayong mga tao ay hindi pupurihin ng Diyos. … "Ang pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu" ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, ang magawang talimahin at sundin ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ay ang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang mayroong kakayahan na tanggapin ang papuri ng Diyos at nakikita ang Diyos, ngunit makakaya ding malaman ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakahuling gawain ng Diyos, at makakaya ding malaman ang mga pagkaintindi at pagkamasuwayin ng tao, at kalikasan at katuturan ng tao, mula sa Kanyang pinakahuling gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod.

May 22, 2019

38. Paano nakikita ang pagbabago ng disposisyon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Kung mababago man ang iyong disposisyon o hindi, nakasalalay ito kung makaaagapay ka o hindi sa mismong mga salita ng Banal na Espiritu taglay ang tunay na pagkaunawa. Ito ay iba mula sa inyong naunawaan noong una. Ang iyong naintindihan ukol sa isang pagbabago sa disposisyon noong una ay ikaw, na madaling manghatol, sa pamamagitan ng pagdidisiplina ng Diyos ay hindi na basta-basta na lamang nagsasalita. Ngunit ito ay isa lamang aspeto ng pagbabago, at sa kasalukuyan ang pinaka-kritikal na punto ay ang pagsunod sa paggabay ng Banal na Espiritu. Sinusunod ninyo ang anumang sinasabi ng Diyos; tinatalima ninyo ang anumang Kanyang sinasabi. Hindi kayang baguhin ng mga tao ang kanilang disposisyon sa kanilang ganang mga sarili; sila ay kailangang sumailalim sa paghatol at pagkastigo at masakit na pagpipino ng mga salita ng Diyos, o pakikitunguhan, didisiplinahin, at pupungusin sa pamamagitan ng Kanyang mga salita.

May 21, 2019

Mga Pagsasalaysay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas



Mga Pagsasalaysay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Tumatayo Ako sa ibabaw ng sansinukob sa bawa’t araw, nagmamasid, at mapagpakumbabang itinatago ang Aking Sarili sa Aking dakong tahanan upang maranasan ang pantaong buhay, maiging pinag-aaralan ang bawat gawa ng tao. Kailanma’y walang sinumang tunay na naghandog ng kanyang sarili sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang nagsikap na matamo ang katotohanan. Wala kahit isa ang kailanma’y naging napakaingat para sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang gumawa ng mga pagpapasya sa harap Ko at nanatili sa kanyang tungkulin.

May 20, 2019

Tagalog Christian Songs | "Ang mga Tumatanggap lang ng Katotohanan ang Makakarinig ng Tinig ng Diyos"



Tagalog Christian Songs | "Ang mga Tumatanggap lang ng Katotohanan ang Makakarinig ng Tinig ng Diyos"



Kung sa'n may pagpapakita ng Diyos,
may pagpapahayag ng katotohanan at ang tinig ng Diyos.
Ang mga tumatanggap lang ng katotohanan
ang makakarinig ng tinig ng Diyos 
at makakasaksi sa Kanyang pagpapakita.
Alisin ang mga pananaw na "imposible"!
Mga isipang imposible ay malamang mangyari.
Ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan.
Ang Kanyang mga isip at gawa ay
ubod ng layo sa isipan ng tao.

May 19, 2019

Tagalog Christian Songs | Yaon Lamang May Tunay na Pananampalataya ang Sinasang-ayunan ng Diyos



Tagalog Christian Songs | Yaon Lamang May Tunay na Pananampalataya ang Sinasang-ayunan ng Diyos



I
Nang hampasin ni Moises ang bato
at tubig ay bumukal, kaloob 'yon ni Jehova,
dahil 'yon sa pananampalataya.
Nang tumugtog si David para purihin si Jehova,
puno ng galak ang kanyang puso,
dahil 'yon sa pananampalataya.
Nang mga kawan at ari-arian ni Job ay nawala,
at katawan niya'y nagkapigsa,
dahil 'yon sa pananampalataya.
At habang naririnig pa niya ang tinig ni Jehova,
at kaluwalhatian Niya’y kita pa,
dahil 'yon sa pananampalataya.
Dahil sa pananampalataya.

May 18, 2019

Salita ng Buhay | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo" (Sipi)


Salita ng Buhay | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo" (Sipi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang mga taong nagawang masama, ay namumuhay lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit lahat sila ay sumasamba sa mga malabong diyus-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, ang kanilang mga salita ay puno ng kayabangan at pagmamalaki, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin.Araw-araw silang naghahanap ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong nakatatagpo ng kahit na anong mga “angkop” na sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang mga kasulatan.