"Tamis sa Kahirapan" Clip 2 - Bakit Walang-awang Inuusig ng Partido Komunista ng Tsina ang Pananampalataya ng Relihiyon?
Matagal na panahon nang walang-awang pinigil, inatake at pinagbawalan ng Partido Komunista ng Tsina ang pananampalataya ng relihiyon. Tinawag nilang mga pangunahing kriminal ng estado ang mga Kristiyano. Hindi sila nag-aalinlangang gumamit ng mga mararahas na paraan para pigilan, hulihin, pahirapan at paslangin silang lahat. Anong dahilan at ginagawa nila ang mga bagay na ito? Kinikilala ng mga nananampalataya ang Diyos bilang dakila. Iginagalang nila ang Diyos at nakatuon sila sa paghahanap sa katotohanan at sa pagtahak sa tamang landas ng buhay. Bakit itinuturing ng Partido Komunista ng Tsina ang mga Kristiyano bilang mga kaaway? Bakit salungat sila sa mga taong nananalig sa Diyos? Sisiyasatin ng video na ito ang mga dahilan kung bakit inuusig ng Partido Komunista ng Tsina ang pananampalataya ng relihiyon.