菜單

Abr 24, 2019

Tagalog Christian Movies | Revealing the Mystery of God's Name | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!" (Tagalog Dubbed)



Tagalog Christian Movies | Revealing the Mystery of God's Name | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!" (Tagalog Dubbed)


Ang pangalan niya ay Wang Hua, at siya ay mangangaral sa isang bahay iglesia sa Katimugang Tsina. Matapos siyang maniwala sa Panginoon, natuklasan niya sa Biblia na Jehova ang tawag sa Diyos sa Lumang Tipan, at tinawag na Jesus sa Bagong Tipan. Bakit may iba’t ibang pangalan ang Diyos? Talagang nalito si Wang Hua tungkol dito. Sinikap niyang hanapin ang sagot sa Biblia, pero nabigong maunawaan ang hiwaga…. Ngunit matatag siyang naniwala na walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, kaya’t si Jesus lamang ang Tagapagligtas, at basta nakakapit tayo sa pangalan ni Jesus, tiyak na madadala tayo sa kaharian ng langit. Ngunit isang araw, narinig ni Wang Hua ang nakakagulat na balita: Nagbago na ang pangalan ng Diyos! Pagkatapos niyon, hindi na napanatag ang kanyang puso …

Abr 23, 2019

Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob "Ang Ikapitong Pagbigkas"


Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob "Ang Ikapitong Pagbigkas" 


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bayan Ko, kapag nakikinig kayo sa Aking mga salita, nauunawaan ba ninyo ang Aking kalooban? Nakikita ba ninyo ang puso Ko? Sa nakaraan, habang naglalakbay kayo sa daan ng paglilingkod, naranasan ninyo ang mga tagumpay at kabiguan, ang mga pagsulong at mga kabiguan, at may mga panahong nanganib kayong bumagsak at maging sa puntong Ako ay inyong pagtaksilan; ngunit alam ba ninyong sa bawat sandali, nakahanda Akong laging iligtas kayo? Na sa bawat sandali, lagi Kong binibigkas ang Aking tinig upang tawagin at iligtas kayo? Ilang beses na kayong nahulog sa bitag ni Satanas? Ilang beses na kayong nahuli sa mga patibong ng tao? At muli, gaano kayo kadalas mapasama sa walang katapusang pakikipagtalo sa isa’t isa, dahil nabigo kayong palayain ang inyong sarili? Gaano kadalas pumunta ang inyong mga katawan sa Aking tahanan ngunit ang inyong puso, walang nakakaalam kung nasaan? Gayon pa man, ilang beses Kong iniabot ang Aking mapagligtas na kamay upang itayo kayo; ilang beses Kong isinaboy sa inyo ang mga butil ng kaawaan; ilang beses na hindi Ko matiis na makita ang kaawa-awang kalagayan ng inyong paghihirap? Ilang beses … alam ba ninyo?"

Manood ng higit pa:Ano ang kalooban ng Diyos

Abr 22, 2019

Tagalog Worship Songs | Naihayag ng Diyos ang Kanyang Buong Disposisyon sa Tao


Tagalog Worship Songs | Naihayag ng Diyos ang Kanyang Buong Disposisyon sa Tao


I
Dakila ang mga gawa ng Espiritu ng D'yos
mula pa man sa paglalang ng mundo.
Tinapos N'ya iba't-ibang mga gawain sa iba't-ibang mga bansa,
at sa iba't-ibang mga kapanahunan.
Ang mga tao sa bawat kapanahunan
nakikita'ng iba't iba N'yang mga disposisyon
likas na ibinunyag para makita ng lahat
at ipinakita sa iba't ibang mga gawain.
Siya ang D'yos puno ng awa at pagmamahal.
Siya ang alay sa kasalanan ng tao at pastol.

Abr 21, 2019

Tagalog Dubbed Movies | "Ang Iglesia ng Three-Self Ang Aking Payong" | Where Are the Footprints of God? (Tagalog Dubbed)



Tagalog Dubbed Movies | "Ang Iglesia ng Three-Self Ang Aking Payong" | Where Are the Footprints of God? (Tagalog Dubbed)


Isang araw, nadakip ng Komunistang pamahalaan ng China ang maraming Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula sa isang partikular na lokasyon sa kalaliman ng gabi. Ang bagay na ito ay nagdulot ng kaguluhan sa lokal na lugar. Nagpasimula ito ng mga talakayan sa pagitan ng mga miyembro ng Iglesia ng Three-Self. Ilang tao ang naniwala na ang Kidlat sa Silanganan ay nagdusa sa malupit na pagsupil at pag-uusig ng Komunistang pamahalaan ng China. Napakamapanganib na maniwala sa Kidlat ng Silanganan, at pinakaligtas na maniwala sa Iglesia ng Three-Self. Hindi sila magdurusa ng paghihirap at magagawa nilang pumasok sa kaharian ng langit.

Abr 20, 2019

Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (5) "Ang Magandang Sagot ng Isang Kristiyano sa mga Pagkaunawa ng Isang Three-Self Pastor"


Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (5) "Ang Magandang Sagot ng Isang Kristiyano sa mga Pagkaunawa ng Isang Three-Self Pastor"


Inanyayahan ng CCP ang isang pastor ng Three-Self Church para subukang i-brainwash at kumbinsihin ang isang Kristiyano. Nagpasimula ang Kristiyano at ang pastor ng isang magandang debate bilang tugon sa mga haka-hakang sinabi ng Three-Self pastor. Paano lalabanan ng Kristiyanong ito ang pastor? Bakit mabibigo ang pagtatangkang ito ng CCP na mag-brainwashi at mangumbinsi?


Abr 19, 2019

Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay


Nadadama ng mga tao na nagagawa lamang nilang magbago sa loob ng kanilang buhay sa iglesia, at kung hindi sila nabubuhay sa loob ng iglesia, ang pagbabago ay hindi posible, na hindi nila magagawang matamo ang pagbabago sa kanilang totoong buhay. Nakikilala ba ninyo kung ano ang usaping ito? Nagsalita Ako tungkol sa pagdadala sa Diyos sa totoong buhay, at ito ang landas para sa kanila na naniniwala sa Diyos upang pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Sa katunayan, ang buhay ng iglesia ay isa lamang limitadong paraan upang gawing perpekto ang tao.

Abr 18, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Lahat ng Hiwaga ay Nailantad Na



Tagalog Christian Songs

Lahat ng Hiwaga ay Nailantad Na


Makapangyarihang Diyos ng pagkamatuwid—
ang Makapangyarihan!
Sa Iyo'y, walang natatago.
Bawat hiwaga, sa kawalang-hanggan,
na 'di naibunyag ng sinumang tao,
sa 'Yo'y hayag at malinaw.
I
Di na kailangang maghanap at mangapa,
dahil ang persona Mo'y hayag,
Ikaw ang hiwagang ibinunyag,
Ikaw Mismo ang Diyos na buhay,
harap-harapan sa amin,
ang makita ang Iyong persona ay makita
ang lahat ng hiwaga ng espirituwal na daigdig.