Mga Movie Clip | "Ang Landas na Patungo sa Pagdalisay at Kaligtasan"
Paano dalisayin at iligtas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang tao? Paano tayo sasailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos upang makamit natin ang katotohanan, ang buhay, at maging karapat-dapat sa kaligtasan at pumasok sa kaharian ng langit? Sasabihin ng video na ito sa iyo ang mga sagot, at ituturo ka patungo sa landas na papasok sa kaharian ng langit.
Ang lahat ng mga tao ay isinailalim sa pagpipino dahil sa mga salita ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos na nagkatawang-tao ang sangkatauhan ay tiyak na hindi mabibiyayaan na magdanas sa gayong paraan. Maaari rin itong sabihin nang ganito—yaong mga nakatatanggap sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos ay mga taong pinagpala. Batay sa dating kakayahan ng mga tao, ang kanilang pag-uugali, at mga saloobin sa Diyos, hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng ganitong pagpipino. Ito ay dahil pinatibay sila ng Diyos na tinatamasa nila ang Kanyang pagpapala. Dati nang sinasabi ng mga tao na hindi sila karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o marinig ang Kanyang mga salita.
Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nguni’t ito ay mula sa Israel na Aking nilisan at mula roon na Ako ay dumating sa Silangan. Kung kailan lamang na ang liwanag ng Silangan ay marahang nagiging kulay puti saka ang kadiliman sa buong daigdig ay magsisimulang maging liwanag, at doon lamang matutuklasan ng tao na matagal na akong lumisan sa Israel at muling bumabangon sa Silangan. Yamang minsan na Akong nakábábâ sa Israel at sa dakong huli ay nilisan ito, hindi na Ako maipapanganak sa Israel, dahil ang Aking gawain ay pumapatnubay sa buong sansinukob, at ang higit pa, ang kidlat ay tuwirang kumikislap mula Silangan hanggang Kanluran.
Sa kadahilanang ito nakábábâ Ako sa Silangan at dinala ang Canaan sa mga tao ng Silangan. Hinahangad ko na dalhin ang mga tao mula sa buong daigdig tungo sa lupain ng Canaan, kaya’t ipinagpapatuloy kong ilabas ang Aking mga pagbigkas sa lupain ng Canaan upang pigilan ang buong sansinukob. Sa panahong ito, walang liwanag sa buong daigdig maliban sa Canaan, at lahat ng tao ay nasa panganib ng gutom at lamig. Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay inalis iyon, at pagkatapos ay dinala ang mga Israelita patungo sa Silangan, at ang buong sangkatauhan patungo sa Silangan. Nadálá Ko silang lahat sa liwanag upang sila ay muling makaisa nito, at makasama nito, at hindi na muling mangailangan pang maghanap para dito."
Ano ang kahulugan ng pananampalataya? Paano tayo dapat maniwala sa Diyos upang pagpalain ng Diyos? Maligayang pagdating sa pakikinig ng mga Kristiyanong awitin nang sama-sama!
Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay may dalawang bahagi. Nang una Siyang naging katawang-tao, di Siya pinaniwalaan ni kinilala ng mga tao, anupat ipinako si Jesus sa krus. Sa pangalawang pagkakataon din, di pa rin naniwala sa Kanya o kinilala man lang Siya, at minsan pang ipinako si Cristo sa krus. Hindi ba’t ang tao ay kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan sa Diyos? At paano siya nagkaroon ng kakayanang magpatotoo sa Diyos? Ang pagmamahal sa Diyos, ang paglilingkod sa Diyos, ang pagluluwalhati sa Diyos—hindi ba ito mga mapanlinlang na kasinungalingan? Kung itutuon mo ang iyong buhay sa mga walang katunayan at di-praktikal na mga bagay na ito,
Mga Movie Clip | Masasakit na Alaala "Ano ang mga Pamantayan sa Pagpasok sa Kaharian ng Langit?"
Tungkol sa klase ng tao na makakapasok sa kaharian ng langit, sinabi ng Panginoong Jesus, "kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Kaya anong klaseng tao mismo ang sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit? Maraming taong naniniwala na yaong mga sumusunod sa halimbawa ni Pablo at nagpapakahirap para sa Panginoon ang gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit. At may ilang niniwala na yaon lamang mga nagmamahal sa Diyos nang buong puso, isipan at kaluluwa, na hindi na nagkakasala at nagtamo na ng kadalisayan, ang mga gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit. Kaya sino ang tama at sino ang mali sa dalawang pananaw na ito? Panoorin lamang ang mainit na pagtatalo ng dalawang panig!