菜單

Peb 8, 2019

Ang Kaharian ng Diyos ay Itinatatag sa mga Tao



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Kaharian ng Diyos ay Itinatatag sa mga Tao


I
Sa lupa at sansinukob, ang karunungan ng Diyos ay makikita.
Sa lahat ng bagay at lahat ng tao,
karunungan N'ya'y nagbubunga ng magaganda.
Ang lahat ay mukhang gawa ng kaharian ng Diyos.
Sangkatauha'y namamahinga sa ilalim ng langit ng Diyos,
mga tupa sa pastulan ng Diyos.
Diyos ay makapagpapahingang muli sa Sion;
tao'y makapapamuhay sa ilalim ng patnubay ng Diyos.
Pinamamahalaan ng mga tao ang lahat sa kamay ng Diyos.
Dunong at unang anyo, sa huli napapabalik nila ito.

Peb 7, 2019

Ginagamit ng Diyos ang Katotohanan Upang Hatulan at Linisin ang Tao sa mga Huling Araw


Clip ng Pelikulang Paggising Mula sa Panaginip (3) "Ginagamit ng Diyos ang Katotohanan Upang Hatulan at Linisin ang Tao sa mga Huling Araw"


Sa mga Huling Araw, nagkakatawang-tao ang Diyos upang isakatuparan ang gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos, kaya, pa’no nalilinis at naliligtas ang tao ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Ano’ng mga pagbabago ang madadala sa sarili nating disposisyon sa buhay matapos danasin ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos?  Ang pelikulang ito ng Paggising Mula sa Panaginip, ang magbibigay sa ‘yo ng lahat ng kasagutan!

Magrekomenda nang higit pa:Ebangheliyong pelikula

Peb 6, 2019

Makakamit Ba Natin ang Buhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Biblia?


Makakamit Ba Natin ang Buhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Biblia?


Ang mga pastor at elder ay kadalasang itinuturo sa mga tao na hindi sila matatawag na mga mananampalataya kapag lumayo sila mula sa Biblia, at na sa pagtangan lang sa Biblia sila magtatamo ng buhay at makakapasok sa kaharian ng langit. Kaya talaga bang hindi tayo maaaring magtamo ng buhay kapag lumayo tayo mula sa Biblia? Ang Biblia ba ang makapagbibigay sa atin ng buhay, o ang Diyos? Sabi ng Panginoong Jesus, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan; sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan: at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.

Peb 5, 2019

Ang mga Pamantayan ng Tunay na Mabuting Tao


Moran Linyi City, Shandong Province


Mula noong bata pa ako, palagi ko nang binibigyan ng importansya ang tingin ng ibang tao sa akin at ang kanilang opinyon tungkol sa akin. Upang makakuha ako ng papuri mula sa ibang mga tao para sa lahat ng ginagawa ko, hindi ako kailanman nakipagtalo sa sinuman tuwing may lumilitaw na anumang bagay, upang maiwasang sirain ang mabuting imahe ng mga tao tungkol sa akin. Pagkatapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nagpatuloy ako nang ganito, itinataguyod sa bawat posibleng paraan ang mabuting imahe ng aking mga kapatid tungkol sa akin.

Peb 4, 2019

V. Mga Kondisyon sa Pagpasok sa Kaharian ng Langit

Tanong 1: Namatay sa krus ang Panginoong Jesus para sa atin. Tinubos niya tayo sa mga kasalanan at pinatawad ang ating mga sala, ginawa Niya ito para iligtas tayo at ipinagkaloob sa atin na makapasok sa kaharian ng langit. Kahit patuloy tayong nagkakasala at kailangan pa tayong linisin, pinatawad ng Panginoon ang lahat ng kasalanan natin at ginawa tayong karapat-dapat sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Akala ko hangga’t isinasakripisyo natin ang lahat para makagawa para sa Panginoon, hangga’t payag tayong magtiis ng paghihirap at magbigay ng kabayaran, papayagan tayong makapasok sa kaharian ng langit. Akala ko ‘yon ang pinangako sa atin ng Panginoon. Gano’n pa man, ilan sa mga kapatid natin ang kumukwestyon ngayon sa paniniwalang ‘yon.

Peb 3, 2019

Madadala Tayo Sa Kaharian ng Langit Matapos Tanggapin ang Pagtubos ng Panginoong Jesus?



Ebangheliyong pelikula | Madadala Tayo Sa Kaharian ng Langit  Matapos Tanggapin ang Pagtubos ng Panginoong Jesus?


Batay sa mga salita ng Panginoong Jesus sa krus na "Naganap na," karaniwan ay sinasabi nang patapos ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na tapos na kung gayon ang pagliligtas sa sangkatauhan. Kapag nagbalik ang Panginoon, tatanggapin ang mga nananalig sa kaharian ng langit, at hindi na kailangang padalisayin at iligtas ang mga tao. Naaayon ba ang pananaw na ito ng mga pastor at elder sa mga salita ng Diyos? Saan tumutukoy sa huli ang Panginoong Jesus, nang sabihin Niyang "Naganap na" sa krus? Bakit gugustuhing ipahayag ng Diyos ang katotohanan sa mga huling araw, na hinahatulan at dinadalisay ang mga tao? Anong klaseng mga tao ba talaga ang makakapasok sa kaharian ng langit?

Magrekomenda nang higit pa:Ebangheliyong pelikula

Peb 2, 2019

Tagalog Christian Movies-Mga Sumusunod Lang sa mga Yapak ng Diyos ang Makakatahak sa Landas ng Buhay na Walang Hanggan


Tagalog Christian Movies-"Sino ang Aking Panginoon" (Clip 5/5) Mga Sumusunod Lang sa mga Yapak ng Diyos ang Makakatahak sa Landas ng Buhay na Walang Hanggan

Maraming taong sumasampalataya sa Panginoon ang naniniwala na: Dahil ang Biblia ay isang talaan ng salita ng Diyos at patotoo ng tao at makapagbibigay ng malaking katatagan sa tao, ang pagbabasa ng Biblia ay dapat magbigay sa atin ng buhay na walang hanggan. Ngunit sabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man” (Juan 11:25-26). Bakit sinabi ng Panginoong Jesus na walang buhay na walang hanggan sa Biblia? Ano ang dapat nating gawin para makamit natin ang daan tungo sa buhay na walang hanggan?

Magrekomenda nang higit pa:Ebanghelyo