菜單

Ene 18, 2019

2. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang paghatol ng malaking puting luklukan, tulad ng ipinropesia sa Aklat ng Pahayag.

III. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw


2. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang paghatol ng malaking puting luklukan, tulad ng ipinropesia sa Aklat ng Pahayag.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).


“At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.

Ene 17, 2019

Kailangan ng Masamang Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Tagalog Song | "Kailangan ng Masamang Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos"


I
Diyos naging tao dahil pakay ng gawain N'ya
ay 'di espiritu ni Satanas, ni anumang 'di,
'di ng laman, pero ng tao.
Pinasama ni Satanas laman ng tao't 
naging pakay ng gawain ng Diyos.
Ang lugar ng kaligtasan ng Diyos ay tao, ay tao.
Ang tao ay isang mortal, tanging laman at dugo,
Diyos lang makapagliligtas sa kanya.
Dapat taglayin ng Diyos katawang-tao,
upang gawin ang Kanyang gawain,
makamit pinakamagandang resulta.

Ene 16, 2019

Pag-ibig ng Diyos Pumapaligid sa Puso Ko


Tagalog Christian Songs

Pag-ibig ng Diyos Pumapaligid sa Puso Ko


I
Araw ng katuwiran sumisikat sa Silangan.
O Diyos! Kaluwalhatian Mo'y pinupuspos ang langit at lupa.
Sinta ko, puso ko'y lukob ng pag-ibig Mo.
Mga naghahanap sa katotohanan—nagmamahal sa 'Yo.
Madaling-araw, mag-isa man,
pagninilay sa Kanyang mga salita dulot ay galak.
Magiliw Niyang mga salita, parang sa inang nagmamahal;
mga salita ng Kanyang paghatol, parang pangaral ng ama.
Walang ibang mahal sa mundo,
kundi ang Makapangyarihang Diyos, nang buong puso.
Walang ibang mahal sa mundo,
kundi ang Makapangyarihang Diyos, nang buong puso.

Ene 15, 2019

Clip ng Pelikulang (5) "Paano Nagkaroon ng mga Pagkakamali sa Loob ng Biblia?"


Clip ng Pelikulang Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (5) "Paano Nagkaroon ng mga Pagkakamali sa Loob ng Biblia?"


Maraming naniniwala na ang buong Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na lubos itong nagmumula sa Banal na Espiritu, at na walang mali ni isang salita. Umaayon ba sa mga tunay na pangyayari ang ganitong klaseng pananaw? Ang Biblia ay isinulat ng mahigit 40 awtor, ang mga nilalaman nito ay itinala at isinaayos ng tao, at hindi tuwirang inihayag ng Banal na Espiritu. Mahirap iwasang ipakita ang mga ideya at pagkakamali ng tao kapag tao ang nagtala at nagsaayos nito.

Manood ng higit pa:Pelikulang Kristiano

Ene 14, 2019

Pagtatanggal ng Mga Tanikala ng Espiritu

Pagtatanggal ng Mga Tanikala ng Espiritu

Wu Wen Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan


Ako ay isang mahinang tao na may sensitibong katauhan. Nang hindi ako naniwala sa Diyos, madalas akong nalungkot at nabagabag sa mga bagay na dumating sa aking buhay. Maraming ganitong mga pagkakataon, at lagi kong nadama na mahirap ang aking buhay; walang kagalakan, walang kaligayahan sa aking puso na masasabi. Nang sinimulan ko ang paniniwala sa Diyos, mayroong isang yugto ng panahon na kung saan nakaramdam ako ng malaking kagalakan at kapayapaan, ngunit pagkatapos noon, muli ay nadama ko ang katulad ng dati. Hindi ko naiintindihan kung bakit ako palaging ganoon.

Ene 13, 2019

Kumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan

Kumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan

Qin Shuting, Lungsod ng Linyi, Lalawigan ng Shandong

Sa ilang panahon, bagama't hindi ako tumigil sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, hindi ko kailanman naramdaman ang liwanag. Ako ay nanalangin sa Diyos para dito ngunit, pagkatapos, hindi pa rin ako naliwanagan. Kaya naisip ko, "kumain ako at uminom ng nararapat sa akin at ang Diyos ay hindi ako nililiwanagan. Wala akong magagawa, at wala akong kakayahan upang makatanggap ng mga salita ng Diyos. May oras para liwanagan ng Diyos ang bawat tao, kaya hindi kailangang pagsikapang madaliin ito."

Ene 12, 2019

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX" (Ikatlong Bahagi)


Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (III) (Ikatlong Bahagi)"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nang nilkha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, ginamit Niya ang lahat ng uri ng sistema at pamamaraan upang mabalanse sila, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa mga kabundukan at mga lawa, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa lahat ng halaman at lahat ng mga uri ng mga hayop, mga ibon, mga insekto—ang Kanyang layunin ay upang tulutan ang lahat ng uri ng mga nilalang upang mabuhay at magparami sa loob ng mga kautusang Kanyang itinatag. Ang lahat ng nilalang ay hindi makalalabas sa mga kautusang ito at hindi sila maaaring labagin. Sa loob lamang ng ganitong uri ng kapaligiran maaaring ligtas na makapanatili at makapagparami ang mga tao, sa maraming salinlahi."

Manood ng higit pa:Ang tinig ng Diyos