菜單

Ago 23, 2018

Tagalog Gospel Movie 2018 | "Pagkamulat" | The Call of God's Love (Tagalog Dubbed)


     Isang tagapangaral si Lu Xiu'en sa isang bahay-iglesia sa Tsina. Sa paniniwala niya sa mga maling pananaw na ikinakalat ng mga relihiyosong pastor at elder, nagpatuloy siya sa pagpilit na "pinatawad na ng Panginoong Jesus ang kasalanan ng tao, at palaging maliligtas ang mga naniniwala sa Panginoon. Hindi na nila kailangang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw."  Paulit-ulit niyang kinalaban at tinanggihan ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kaharian... Ganunpaman,   dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon siya ng pagkakataong matuklasan na iba ang ipinakitang ugali ng kanyang pastor sa harap ng mga tao, at inilabas ang tunay nitong ugali sa likod nila, at nakita niya kung gaano kaipokrito ang kanyang pastor.  Sa pagkakataong iyon ay dumating naman sa kanya ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kaharian. Matiyagang nagbahagi at nagpatotoo sa kanya ang mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa gawain ng Diyos ng mga huling araw, at matapos marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naitindihan niya ang katotohanan tungkol sa pagkakaiba ng maligtas at makamit ang ganap na kaligtasan at napagtanto niyang ang mga pananaw na sinang-ayunan niya noon ay pawang mga haka-haka lamang na likha ng imahinasyon ng tao at hindi umaayon sa reyalidad ng gawain ng Diyos. Kaya, masaya niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ganunpaman, nung malaman ito ng kanyang pastor, inutusan nito ang mga mananampalataya na kondenahin at iwan siya, at inutusan din ang kanyang pamilya na idiin si Lu Xiu'en... Nalubog sa sakit si Lu Xiu'en at tuluyang nagulo ang pag-iisip. Sa huli, nagawa niyang maintindihan ang katotohanan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita niyang ipokrito ang kanyang pastor sa mundo ng relihiyon, isang kalaban ng Diyos na galit sa katotohanan at anticristong may likas na kademonyohan. Tuluyang nagising si Lu Xiu'en, at iniwasan niya ang panloloko at pagkontrol ng kanyang pastor. Sinunod niya ang Makapangyarihang Diyos, pinili ang tamang landas at nagpursigi upang makamit ang katotohanan at ang ganap na kaligtasan ...     

Ago 22, 2018

Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos

Biblia, langit, Espiritu, Karanasan, langit

    Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila. Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng iyong mga adhikain, at iyong tadhana, mas mabuti pang huwag ka na lamang maniwala. Ang paniniwalang tulad nito ay panlilinlang-sa-sarili, paniniguro-sa-sarili, at pagpapahalaga-sa-sarili. Kung ang iyong pananampalataya ay hindi naitatag sa saligan ng pagtalima sa Diyos, sa kasukdulan ikaw ay parurusahan dahil sa iyong pagsalungat sa Diyos. Silang lahat na hindi hinahanap ang pagtalima sa Diyos sa kanilang pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita ng Diyos, at kainin at inumin nila ang mga salita ng Diyos, at ito ay kanilang isagawa, upang makamit nila ang pagtalima sa Diyos. Kung ang iyong mga dahilan ay totoong ganoon, siguradong itatanghal ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagpala Siya tungo sa iyo. Walang sinuman ang kayang pagdudahan ito, at walang makapagbabago nito. Kung ang iyong mga adhikain ay hindi para sa kapakanan ng pagtalima sa Diyos, at mayroon kang ibang mga layunin, kung gayon ang lahat ng iyong sinasabi at ginagawa—ang iyong mga dasal sa harapan ng Diyos, at kahit ang bawa’t kilos mo—ay magiging pagsalungat sa Diyos. Maaaring ikaw ay may malumanay na pananalita at marahang pag-uugali, ang bawa’t kilos mo at pagpapahayag ay maaaring tama kung tingnan, maaaring lumilitaw ka bilang isa na tumatalima, subali’t pagdating sa iyong mga adhikain at mga pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, lahat ng iyong ginagawa ay pagsalungat sa Diyos, at masama. Ang mga taong nagpapakita na parang tumatalima gaya ng tupa, subali’t ang mga puso ay nagkakandili ng mga masasamang hangarin, ay mga lobo na nakadamit-tupa, sila ay direktang nagkakasala sa Diyos, at ang Diyos ay walang ititira kahit isa sa kanila. Ang Banal na Espiritu ang siyang magbubunyag sa bawa’t isa sa kanila, upang makita ng lahat na ang bawa’t isa sa kanila na mapagkunwari ay siguradong kamumuhian at itatakwil ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Ang Diyos ang siyang makikitungo at magpapasya sa kanila nang isa-isa.

Ago 21, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I) (Ikaapat na bahagi)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I)" (Ikaapat na bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:

Ago 20, 2018

Latest Tagalog Christian Music Video | "Sa Pagkatakot Lang sa Diyos na Malalayuan ang Kasamaan"


I
Ang disposisyon ng Diyos ay kamahalan at poot. 
'Di Siya tupa na kakatayin lang ng kahit sino.
Hindi Siya manika, pinaglaruan ng kahit sino.
Ni 'di S'ya hangin, inuutusan lang ng tao.
Kung naniniwala ka sa pag-iral ng Diyos,
dapat puso mo'y may takot sa Kanya.
Alam mo dapat ang diwa ng Diyos ay 'di naaagrabyado.
Ang paglabag ay marahil dulot ng salita,
kaisipan, kaalaman o masamang gawain.
Maaaring dulot ito ng isang malumanay na kilos
na katanggap-tanggap ng moralidad.
Pero pag ginalit mo ang Diyos,
nawala mo na ang pagkakataong maligtas,
at ang mga huling araw mo'y malapit nang dumating.
Ito'y talagang nakakatakot.

Ago 19, 2018

Latest Christian Full Movie 2018 "Sino Siya na Nagbalik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)


Si Kim Yeongrok ay isang masipag na pastor sa relihiyosong komunidad ng Korea. Dahil uhaw sa katotohanan, buong kasabikan niyang inantabayanan ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus. Isang araw noong 2013, nabasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa Chosun Ilbo. Ang mga salitang ito, na puno ng kapangyarihan, ay nagkaroon ng agarang epekto sa kanya, at talagang naantig siya. Upang makatiyak na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ang Tagapagligtas na matagal niyang hinintay, sinimulan niyang hanapin at siyasatin ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos. … Habang isa-isa niyang nalulutas ang bawat pagdududa sa kanyang puso, talagang napakasaya ni Kim Yeongrok kaya sinimulan niyang magpatirapa: ang Makapangyarihang Diyos ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus sa mga huling araw. Tahimik siyang dumating sa atin at matagal nang ginagawa ang paghatol simula sa bahay ng Diyos!  

Ago 18, 2018

Ang Kaugnayan sa Pagitan ng Paghatol sa mga Huling Araw at Pagpasok sa Kaharian ng Langit


  Sa mga relihiyoso, maraming naniniwala na basta’t iniingatan nila ang pangalan ng Panginoon, matibay ang pananalig nila sa pangako ng Panginoon at nagpapakahirap sila para sa Panginoon, pagbalik Niya mara-rapture sila at makakapasok sa kaharian ng langit. Makakapasok ba talaga ang isang tao sa kaharian ng langit sa pananalig sa Panginoon sa ganitong paraan? Ano ba mismo ang mangyayari sa atin kung hindi natin tatanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit ... Si Cristo ay ang daanan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, na walang sinuman ang makakalampas. Walang sinuman ang gagawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lang" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Para mas detalyado ang inyong pagkaunawa, panoorin lamang ang maikling videong ito!

Ago 17, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Awit ng Tagumpay" God’s Judgment in the Last Days (Tagalog Dubbed)



   Ang gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay umalingawngaw sa bawat sekta at grupo. Kasunod ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinatanggap at ipinapalaganap ng parami nang paraming mga tao, ang mga tunay na mananampalataya sa Diyos na uhaw para sa Kanyang pagpapakita ay bumabalik nang paisa-isa sa harap ng trono ng Diyos. Samantala, ang pamahalaan ng Tsina at ang mga relihiyosong pastor at elder ay walang humpay na sinusupil at inuusig ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula simula hanggang matapos. Ang babae na pangunahing tauhan ng pelikula, si Zheng Xinjie, ay isang miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagpapalaganap ng ebanghelyo. Naharap niya ang magulong pang-aapi at mga pag-atake mula sa Komunistang Pamahalaan ng Tsina at mga relihiyosong lider. Kasama ang kanyang mga kapatid, umaasa sa Diyos, paano niya pagtatagumpayan itong madilim na mga puwersa ni satanas upang makanta ang isang awit ng tagumpay? ...