菜單

Hul 28, 2018

Huwag Magtuon sa Biblia: Dumalo sa Piging ng Kaharian ng Langit sa Piling ng Panginoon


  Pakiramdam ng maraming sumasampalataya sa Panginoon ay nasa Biblia ang lahat ng salita at gawain ng Diyos, na ganap na ang pagliligtas ng Diyos ayon sa nakasaad sa Biblia, na kailangang ibatay sa Biblia ang pananampalataya sa Diyos at na kung nakabatay sa Biblia ang ating pananampalataya sa Diyos, siguradong madadala tayo sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito tungkol sa relihiyon ay di-nakikitang mga tali na matatag na gumagapos at nagpapakitid sa ating isip kaya hindi natin hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu at hindi matanggap ang kasalukuyang gawain ng Diyos. Kung gayo’y paano natin mauunawaan ang koneksyon ng Biblia sa Diyos at sa Kanyang gawain? Sabi ng Panginoong Jesus, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay" (Juan 5:39-40). Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).  Sa pagtalikod lang sa Biblia tayo makakaharap sa Diyos at makakatanggap ng Kanyang pagliligtas at makakadalo sa piging ng kaharian ng langit sa piling Niya.

Hul 27, 2018

Takasan ang Pagkaalipin ng mga Relihiyosong Fariseo at Bumalik sa Diyos


   Sa buong komunidad ng mga relihiyon, alam ng mga pastor ang Biblia pagbali-baligtarin man ito at madalas nilang ipaliwanag sa mga tao ang mga sipi sa Biblia. Sa ating paningin, mukhang kilala nilang lahat ang Diyos, pero bakit sinisisi at kinokontra ng napakarami sa mga relihiyoso ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga enggrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw- araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang umaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawasiwas nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Hul 25, 2018

Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao






   Ang lahat ng mga tao ay kailangang maunawaan ang layunin ng Aking gawa sa daigdig, iyan ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawa at kung anong antas ang dapat Kong makamit sa gawaing ito bago ito maging ganap. Kung, pagkaraang maging kasama Ko hanggang sa araw na ito, ang mga tao ay hindi pa rin nauunawaan kung ano ang tungkol sa Aking gawa, kung gayon hindi ba walang kabuluhan ang pagsama nila sa Akin? Ang mga tao na sumusunod sa Akin ay dapat malaman ang Aking kalooban. Ginagawa Ko ang Aking gawain sa daigdig ng libu-libong taon, at hanggang sa araw na ito ay ginagawa Ko pa rin ang Aking gawain sa paraang ito. Bagaman may maraming mga pambihirang bagay na kabilang sa Aking gawa, ang layunin ng gawaing ito ay nanatiling hindi nagbabago; tulad lang ng, bilang halimbawa, kahit na Ako ay puno ng paghatol at pagkastigo sa tao, ang Aking ginagawa ay alang-alang pa rin sa pagliligtas sa kanya, at alang-alang sa mas mainam na pagpapalaganap ng Aking ebanghelyo at pagpapalawak pa ng Aking gawain sa lahat ng mga bansang Gentil, kapag ang tao ay nagawa nang ganap. Kaya ngayon, sa panahon kung kailan maraming tao ang matagal nang lubhang nabigo sa kanilang mga pag-asa, patuloy pa rin Ako sa Aking gawa, nagpapatuloy sa Aking gawain na dapat Kong gawin na hatulan at kastiguhin ang tao. Sa kabila ng katotohanan na ang tao ay nayayamot sa Aking sinasabi at sa kabila ng katotohanan na wala siyang paghahangad na iukol ang kanyang sarili sa Aking gawain, isinasagawa Ko pa rin ang Aking tungkulin, sapagkat ang layunin ng Aking gawa ay nananatiling hindi nagbabago at ang Aking orihinal na plano ay hindi masisira. Ang katungkulan ng Aking paghatol ay upang magbigay ng kakayahan sa tao na maging mas mahusay ang pagsunod sa Akin, at ang katungkulan ng Aking pagkastigo ay mahayaan ang tao na mas mabisang mabago. Bagaman ang Aking ginagawa ay alang-alang sa Aking pamamahala, hindi Ako kailanman nakagawa ng anumang bagay na naging walang pakinabang sa tao. Iyon ay dahil nais Kong gawin ang lahat ng mga bansa sa labas ng Israel na kasing-masunurin ng mga Israelita, at gawin silang tunay na mga tao, nang sa gayon may pinanghahawakan Ako sa mga lupain sa labas ng Israel. Ito ang Aking pamamahala; ito ang gawa na Aking tinutupad sa mga bansang Gentil. Kahit ngayon, maraming tao ang hindi pa rin nauunawaan ang Aking pamamahala, sapagkat wala silang interes sa mga bagay na ito, kundi magmalasakit lamang sa kanilang mga sariling kinabukasan at hantungan. Kahit ano ang Aking sabihin, ang mga tao ay walang-malasakit pa rin sa gawaing Aking ginagawa, sa halip ay tanging nakatuon lamang sa kanilang mga hantungan sa hinaharap. Kung ang mga bagay ay magpapatuloy sa ganitong paraan, paano mapapalawak ang Aking gawa? Paano maipapalaganap ang Aking ebanghelyo sa buong mundo? Dapat ninyong malaman, na kapag ang Aking gawa ay lumawak, ikakalat Ko kayo, at pupuksain Ko kayo, gaya nang puksain ni Jehova ang bawat isang tribo ng Israel. Ang lahat ng ito ay gagawin upang ipalaganap ang Aking ebanghelyo sa buong daigdig, at palaganapin ang Aking gawa sa mga bansang Gentil, nang ang Aking pangalan ay maaaring madakila ng parehong mga matatanda at mga bata, at ang Aking banal na pangalan ay dinakila ng mga bibig ng mga tao mula sa lahat ng mga tribo at bansa. Sa pangwakas na kapanahunang ito, dadakilain ang Aking pangalan sa mga bansang Gentil, dahilan upang makita ng mga Gentil ang Aking mga gawa, na maaari nila Akong tawaging ang Makapangyarihan sa lahat dahil sa Aking mga gawa, at magawa ito upang ang Aking mga salita ay maaaring malapit nang matupad. Gagawin Kong malaman ng lahat ng tao na hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos rin ng lahat ng mga bansa ng mga Gentil, kahit na iyong Aking isinumpa. Hahayaan Ko na makita ng lahat ng tao na Ako ang Diyos ng buong sangnilikha. Ito ang Aking pinakadakilang gawa, ang layunin ng Aking plano ng paggawa para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na dapat matupad sa mga huling araw.

Hul 24, 2018

Trailer ng Dokumentaryong "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | Pagsisiyasat sa Sansinukob


Sa malawak na himpapawid sa kalawakan na puno ng mga bituin, nagbabanggaan ang mga planeta, at isang sunurang masalimuot na mga pamamaraan ang nagsisilang ng bagong mga planeta.... Ang di-mabilang na katawang selestyal sa kalawakan ay gumagawang lahat nang magkakaayon—sinong nagpapatakbo sa mga iyon? Malapit nang ihayag ng Kristiyanong dokumentaryong musikal—Ang Isang Naghahari sa Lahat—ang mga tunay na pangyayari!

Hul 23, 2018

Cristianong Musikang Video | Lahat ng Bansa at Lahat ng Bayan Purihin ang Makapangyarihang Diyos


Ang Diyos na nagkatawang tao ay Diyos na Makapangyarihan, 
nagpapalabas ng katotohanan tao’y dinadalisay at hinahatulan.
Ngayo’y nanaig ang Diyos mula sa impluwensiya ni Satanas, 
nanlupig at nagkamit ng bayan.
Pinupuri namin ang Diyos, Marunong at Makapangyarihan, 
si Satanas ay talunan.
Purihin ang Diyos na may matuwid na kalooban, 
nabunyag nang lubusan.
Lahat ay purihin ang Diyos na Makapangyarihan, 
Diyos na kaibig-ibig at praktikal.
Pinupuri namin ang Diyos na mapagpakumbaba’t 
nakatago’t talagang kamahal-mahal.
Purihin Ka, Diyos na Makapangyarihan (Purihin ang Diyos)! 
Ang lahat ay purihin Ka (purihin Ka)!
Purihin Ka, Diyos na Makapangyarihan! Ang lahat ay purihin Ka!

Hul 22, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I Ikalawang Bahagi


 ✿¸.•*♡*•☆•.¸¸✿¸.•*♡*•☆•.¸¸✿¸.•*♡*•☆•.¸¸✿¸.•*♡*•☆•.¸¸✿¸.•*♡*•☆•.¸¸✿ 
 
 Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nilikha ng Diyos angdalawang taong ito at itinuring silang mga kasama Niya. Bilang nag-iisa nilang kapamilya, inalagaan ng Diyos ang kanilang mga buhay at tinugunan din ang mga pangunahin nilang pangangailangan. Dito, nagpapakita ang Diyos bilang magulang nila Adan at Eba. Habang ginagawa ito ng Diyos, hindi nakikita ng tao kung gaano katayog ang Diyos; hindi niya nakikita ang kataas-taasang pangingibabaw ng Diyos, ang Kanyang pagiging mahiwaga, at lalo nang hindi ang Kanyang poot o kamahalan. Ang nakikita lamang niya ay ang pagpapakumbaba ng Diyos, ang Kanyang pagsuyo, ang Kanyang malasakit para sa tao at ang Kanyang pananagutan at paglingap para sa kanya. Ang saloobin at paraan kung paano pinakitunguhan ng Diyos sina Adan at Eba ay katulad ng pagpapakita ng malasakit ng mga magulang na tao para sa kanilang sariling mga anak. Ganito rin ang mga magulang na tao kung magmahal, mag-gabay, at mag-alaga para sa kanilang mga sariling anak na lalaki at babae—totoo, nakikita, at tunay." 

Christian Full Movie 2018 "Paghihintay" Hear the Voice of God and Welcome the Lord (Tagalog Dubbed)


Christian Full Movie 2018 "Paghihintay" Hear the Voice of God and Welcome the Lord  (Tagalog Dubbed)



Si Yang Hou'en  ay isang pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maingat niyang hinintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus mula sa mga ulap at pagdadala sa kanya sa kaharian ng langit.