菜單

Hun 21, 2018

Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China [Trailer]


Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …
Ang dokumentaryong ito ay matapat at inilalarawan nang walang pinapanigan ang tunay na mga karanasan sa pang-uusig na dinanas ng mga Kristiyanong Chinese sa mga kamay ng pamahalaang CCP. Ang mga Kristiyanong inusig sa pelikula ay mga tao mula sa iba’t ibang sekta at denominasyon na naghanap sa katotohanan, at narinig ang tinig ng Diyos at sa gayo’y nagsibalik sa Makapangyarihang Diyos. Tumahak sila sa tamang landas ng buhay, subalit galit na galit na pinag-aaresto sila ng pamahalaang CCP. Ang ilan sa kanila ay ibinilanggo, ang ilan ay pinahirapan sa anumang paraan, ang ilan ay namuhay bilang pugante na nahiwalay sa kanilang asawa’t mga anak, at ang ilan ay nalumpo o napatay pa dahil sa pang-aabuso. Ang dokumentaryong ito na napakaganda ng pagkakuha ay nagtatangkang muling isadula ang tunay na nangyari noong panahong iyon, at naglalaan ng malalim na pagninilay-nilay tungkol sa garapal na panghihimasok sa mga pananalig sa relihiyon at karapatang-pantao ng mga Kristiyanong Chinese. Ipinapakita sa atin nito ang tunay na buhay ng mga Kristiyanong Chinese at mga Kristiyanong pamilya upang mas maunawaan natin, gayundin bilang pagninilay-nilay—na bihirang makita nitong nakaraang mga taon—tungkol sa mga karanasan at damdamin ng mga Kristiyanong Chinese na inusig dahil sa kanilang pananampalataya.

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan

Hun 20, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | D'yos Nagkatawang-tao upang Iligtas ang Sangkatauhan


I
Ngayon ang araw, kita mo ba?
'Di simpleng bagay Diyos dumating sa gitna ng tao
upang tao'y iligtas, talunin si Satanas,
kaya Diyos nagkatawang-tao.
Kung di rito, di S'ya gagawa sa Sarili N'ya.
D'yos nagkatawang-tao upang si Satanas ay labanan
at akayin ang tao,
na lama'y naging tiwali't nais iligtas ng D'yos.
D'yos muling nagkatawang-tao
upang talunin si Satanas, at tao'y iligtas.
D'yos lang makalalaban kay Satanas sa Espiritu
o sa katawang-tao.

Hun 19, 2018

Mga Movie Clip | "Pag-unawa sa Kahalagahan ng Dalawang Beses na Pagkakatawang-tao ng Diyos"


Mga Movie Clip | "Pag-unawa sa Kahalagahan ng Dalawang Beses na Pagkakatawang-tao ng Diyos"


    Ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay ipinako sa krus, sa gayo'y winakasan ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol, lubusang inililigtas ang tao mula sa nasasakupan ni Satanas. Ang Diyos na dalawang beses na nagkatawang-tao ay may napakalaking kahalagahan, tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Jesus ay gumawa ng isang yugto ng gawain na tinupad lamang ang diwa ng 'ang Salita ay kasama ng Diyos': Ang katotohanan ukol sa Diyos ay kasama ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay kasama ng laman at hindi maihihiwalay sa Kanya, iyon ay, ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay kasama ng Espiritu ng Diyos, na siyang lalong malaking katunayan na ang Jesus na nagkatawang-tao ay ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos. Tinupad ng yugtong ito ng gawain ang panloob na kahulugan ng 'ang Salita ay nagkatawang-tao,' nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa 'ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos,' ..." (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).

Rekomendasyon:

Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

Nakita Ko ang Proteksyon ng Diyos sa Isang Karanasan


Hun 18, 2018

Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Unang Bahagi)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos:  "Ang Diyos ng mga huling araw ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid magiging imposible na gawing payak ang realidad ng Diyos, at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subalit gumagamit ng salita upang diligin at pastulan ang tao, at pagkatapos nito ay makakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang kaalaman ng tao sa Diyos. Ito ang layon ng gawaing ginagawa Niya at ang mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit nang maraming iba-ibang mga paraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang kapinuhan, pakikitungo, pagpupungos, o pagbibigay ng mga salita, ang Diyos ay nagwiwika mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagka-kamangha-mangha ng Diyos. Kapag ang tao ay naging kumpleto na sa panahon na tinatapos ng Diyos ang kapanahunan sa mga huling araw, magiging kwalipikado siya na tumingin sa mga tanda at mga kababalaghan."

Rekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan

Ano ang Pagkakaiba ng Cristianismo at ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Hun 17, 2018

Cristianong Musikang | O Panginoon, Nasaan Ka

Banal na kasulatan, buhay, Pagsamba, Kaligtasan

I
Namumuhay tayo sa dominyon ng Pariseo,
o Panginoon ko, nabibitag at kontrolado nila.
Bawat araw, naririnig at sinasalita ang kaalaman sa Biblia.
Hindi alam paano gawin ang salita ng Diyos,
nabubuhay sa ritwal.
'Di nasusunod mga utos N'ya,
lalong hindi alam ano ang pagsunod sa Diyos
at ano ang pagsunod sa kalooban N'ya.
Bagama't naniniwala sa Diyos,
ako'y sumasamba sa tao at naniniwala sa salita nila,
walang kaalaman sa gawain ng Diyos
at Kanyang disposisyon sa anumang paraan.
Nahulog ako sa kadiliman nang matagal,
at nawala ang kahulugan ng paniniwala sa Diyos.

Hun 16, 2018

Mga Movie Clip | "Ang Panginoong Jesus ba ang Anak ng Diyos o ang Diyos Mismo?"


Malinaw na nakatala sa Biblia na ang Panginoong Jesus ang Cristo, na Siya ang Anak ng Diyos.Gayunman ang Kidlat sa Silanganan ay nagpapatotoo na ang Cristo na nagkatawang-tao ay ang pagpapakita ng Diyos, na Siya ang Diyos Mismo. Kung gayon, ang Cristo ba na nagkatawang-tao ang Anak ng Diyos? O Siya Mismo ang Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "'Si Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos, na Kanyang kinalulugdan'.... ay tunay na sinalita ng Diyos Mismo. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Sarili Niya mismo, ngunit mula lamang sa magkaibang pananaw, na ang Espiritu sa langit ay sumasaksi sa Kanyang sariling pagkakatawang-tao. Si Jesus ay ang Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ang Kanyang Anak sa langit. Naiintindihan mo ba? Hindi ba ang mga salita ni Jesus, 'Ang Ama ay nasa Akin at Ako ay nasa Ama,' nagsasabing sila ay isang Espiritu? At hindi ba dahil sa pagkakatawang-tao na Sila ay nagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa? Sa katotohanan, Sila ay isa pa rin; kahit ano pa, ito ay para lamang ang Diyos ay sumasaksi sa Sarili Niya" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).

Rekomendasyon:

Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Ginising Ako ng mga Salita ng Diyos

Dumating na ang Milenyong Kaharian