I
Namumuhay tayo sa dominyon ng Pariseo,
o Panginoon ko, nabibitag at kontrolado nila.
Bawat araw, naririnig at sinasalita ang kaalaman sa Biblia.
Hindi alam paano gawin ang salita ng Diyos,
nabubuhay sa ritwal.
'Di nasusunod mga utos N'ya,
lalong hindi alam ano ang pagsunod sa Diyos
at ano ang pagsunod sa kalooban N'ya.
Bagama't naniniwala sa Diyos,
ako'y sumasamba sa tao at naniniwala sa salita nila,
walang kaalaman sa gawain ng Diyos
at Kanyang disposisyon sa anumang paraan.
Nahulog ako sa kadiliman nang matagal,
at nawala ang kahulugan ng paniniwala sa Diyos.
II
Panginoon nawa'y liwanagan mo ako
upang maintindihan ang kalooban Mo.
Nang sa gayo'y makaalis ako sa dilim,
kontrol at panlilinlang ng mga Pariseo,
at tunay na makabalik sa Diyos.
Iligtas mo ako, o Diyos, mula sa kadiliman,
at iligtas mo ako sa lansi ng Pariseo,
iligtas sa lansi ng Pariseo.
Ano ang dahilan kung bakit ang simbaha'y napabayaan?
Sinong naligaw palayo sa tamang landas
at naggabay sa akin sa kadiliman?
Panginoon 'wag mo akong itakwil.
Handa akong magsisi at bumalik sa'yo.
Handa akong bumalik sa'yo.
Handa akong bumalik sa'yo.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Rekomendasyon:
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos
Ginising Ako ng mga Salita ng Diyos