菜單

May 19, 2018

Bahagi 1: Kailangang Magtuon ang Isang Tao sa Pagbabahagi ng 20 Mahahalagang Katotohanan Kapag Nangangaral tungkol sa Ebanghelyo at Nagpapatotoo tungkol sa Diyos

2. Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
    “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).
    “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).
    “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya’y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:9-11).
    “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).
    Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
    Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay dapat munang maging katawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat maging totoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman, nagiging isang tao.

purihin ang Diyos | Mga Simbolo ng Tagumpay ng Diyos

 Diyos, Kaharian, kapangyarihan, Pagsamba

I
Naibalik ang tao sa dati niyang anyo.
Tungkuli’y matutupad, lugar nila’y hawak,
ayos ng Diyos ay masusunod.
May grupo na ang Diyos na sa lupa Siya’y sasambahin.
Siya ay magtatayo ng kahariang sasamba sa Kanya sa lupa.
Siya ay magtatayo ng kahariang sasamba sa Kanya sa lupa.

May 18, 2018

Movie Review | Child, Come Back Home—How an Internet-Addicted Boy Successfully Turns His Life Around


Hello everyone! Thank you for turning into this episode of Movie Reviews. Movies with faith-related themes have gained more and more concern in recent years. In this movie, the protagonist goes through ups and downs but eventually comes out from his plight by relying on God. It is sure to bring hope to and touch many people who are awash in confusion. This is the kind of movie that “Child, Come Back Home” is. Since this movie’s release, it has received one award and commendation after another at film festivals in a number of countries including India and the U.S. At the U.S. Christian Film Festival, it won multiple awards, including “Best Educational Film.” It tells the story of the high school student Li Xinguang who becomes lost in online games and slowly loses himself. After undergoing many twists and turns, through the guidance of God’s words, Li Xinguang finally sees through the essence and the harm of online games, and is able to give up his toxic addiction, return to the house of God, and embark on the path of a life of light. It’s a true moving story
Recommendation:
How does the Church of Almighty God develop?
How does the Church of Almighty God develop?
The Eastern Lightning—The Light of Salvation
God’s Work, God’s Disposition, and God Himself I
There is no way of eternal life within the Bible; if man holds to the Bible and worships it, then they will not obtain eternal life.

Cristianong Papuring Kanta | Gumagawang Tahimik ang Diyos sa Katawang-tao Upang Iligtas ang Sangkatauhan


I
Ang D’yos naging katawang-tao,
nanatiling nakatago sa tao
upang gawin ang bagong gawain,
iligtas tayo sa kasamaan.
‘Di Siya nagbibigay ng paliwanag.
Sa mga planong nagawa N’ya,
ginagawa Kanyang gawain paisa-isang hakbang.
Mga salita N’ya’y nadaragdagan araw-araw,
umaaliw, nagpapaalala, sumasaway, at nagbababala.
Mula sa mahinahon at mabait sa mabangis at makahari,
mga salita N’ya’y ikinikintal kahabaga’t takot.
Lahat ng sinasabi N’ya’y inihahayag malalalim nating lihim.
Mga salita Niya’y tagos sa’tin at napapahiya tayo.
Mayroong walang katapusang tustos
ng Kanyang buhay na tubig.
At salamat sa Kanya,
namumuhay tayong kasama ang D’yos nang harapan.
Ang D’yos naging katawang-tao,
nanatiling nakatago sa tao
upang gawin ang bagong gawain,
iligtas tayo sa kasamaan.
‘Di Siya nagbibigay ng paliwanag.
Sa mga planong nagawa N’ya,
ginagawa Kanyang gawain paisa-isang hakbang.

May 17, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | “Anak, Umuwi Ka Na!” | Amazing Grace of God


Isang mag-aaral ng senior high school si Li Xinguang. Isa siyang makatwiran at matinong bata simula pa noong maliit siya. Paborito siya ng kanyang mga magulang at guro. Nang tumuntong na siya sa middle school, nahumaling siya sa mga internet computer game. Madalas siyang lumiliban sa klase upang makapunta sa internet cafe. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat upang makalaya siya sa adiksyon ng internet. Sa kasamaang palad, lumala nang lumala ang adiksyon ni Li Xinguang. Nawalan siya ng gana at dahan-dahang naging delinkwente. … Nang malapit nang mawalan ng pag-asa ang mga magulang ni Li Xinguang, nalaman nilang kayang iligtas ng Diyos ang mga tao, kayang tulungang makalaya sa kanilang adiksyon sa internet at makawala sa paninira ni Satanas. Dahil dito, nagpasya silang maniwala sa Diyos at hinangad na maliligtas ng Diyos ang kanilang anak. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan nila ang pinagmumulan ng kasiraan at kabuktutan ng sangkatauhan. Nakita nila ang katotohanan sa likod ng kasamaan at kadiliman ng tao at naunawaan na tanging Diyos lang ang makapagliligtas sa tao at makapagpapalaya mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Kailangan lamang maniwala ni Xinguang sa Diyos at maunawaan ang katotohanan, at magagawa niyang lumaya sa kanyang adiksyon sa internet. Dahil dito, ipinalaganap nila ang ebanghelyo kay Xinguang at ginabayan si Xinguang basahin ang mga salita ng Diyos. Nagdasal sila sa Diyos at hiningi sa Kanyang iligtas ang kanilang anak at tulungan siyang makalaya sa kanyang adiksyon sa internet. … Pagkatapos ng isang laban, nagsimulang magdasal at magtiwala sa Diyos si Xinguang. Sa ilalim ng gabay ng mga salita ng Diyos, nagawa niyang makawala sa wakas sa kanyang adiksyon sa internet at pinalaya ang sarili mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Ang anak na dating wala nang pag-asa dahil sa mga internet game at internet cafe ay umuwi na sa wakas!
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.
Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

May 16, 2018

I. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Pagkakatawang-tao ng Diyos

1. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.

    Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
    “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).
    “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).
    “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).
    “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).
    “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).

Cristianong Kanta | Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos

daan, Diyos, Kaligtasan, karunungan



I
Walang may kamalayan sa pagdating ng Diyos,
walang sumalubong sa pagdating Niya.
Higit pa, walang may-alam sa gagawin ng Diyos.
Walang may-alam ng gagawin N’ya.
Buhay ng tao’y sadyang hindi nagbabago.
Kasama natin ang Diyos gayang karaniwang tao,
bilang pinakahamak sa lahat ng tagasunod,
bilang karaniwang mananalig.
May sarili Siyang hangarin at layunin.
May pagka-Diyos Siyang di-taglay ng tao.
Walang nakabatid ng Kanyang pagka-Diyos,
o ang kaib’hang Kanyang diwa sa tao.