Sa katotohanan, batay sa ginawa ng Diyos sa mga tao, at ibinigay sa kanila, pati na rin ang siyang pagmamay-ari ng mga tao, maaaring sabihin na hindi labis ang Kanyang mga hinihiling sa mga tao, na hindi Siya humihingi ng sobra sa kanila. Paano, kung gayon, nila maaaring hindi subukang pasiyahin ang Diyos? Nagbibigay ang Diyos ng isandaang porsyento sa tao, ngunit hinihiling lamang Niya ang isang maliit na bahagi ng mga tao—paghingi ba ito nang sobra-sobra? Gumagawa ba ang Diyos ng gulo mula sa wala? Kadalasan, hindi kilala ng mga tao ang kanilang mga sarili, hindi nila sinusuri ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos, at kaya mayroong mga kadalasang pagkakataon na sila ay nasisilo—paano kaya ito maituturing na pakikipagtulungan sa Diyos? Kung mayroon mang oras na hindi nagpataw ang Diyos ng mabigat na pasanin sa mga tao, guguho sila na parang putik, at hindi nila aakuhin sa kanilang mga sarili na maghanap ng mga maaaring gawin. Ganyan ang mga tao, alinman sa walang pasubali o negatibo, kailanma’y walang kakayahan na aktibong makiisa sa Diyos, palaging naghahanap ng negatibong dahilan upang magpatalo sa kanilang mga sarili. Tunay ka bang isang tao na gumagawa ng lahat hindi para sa kanilang mga sarili, ngunit upang pasiyahin ang Diyos? Tunay ka bang isang tao na hindi tumutupad sa mga pangangailangan ng gawain ng Diyos bilang resulta ng kanilang mga sariling emosyon o mga kagustuhan? “Bakit nila palaging sinusubukang makipagtawaran sa Akin? Punong tagapamahala ba Ako ng isang sentro ng kalakalan? Bakit Ko kaya isinasakatuparan nang buong puso ang hinihingi ng mga tao sa Akin, habang nauuwi lang sa wala ang hinihingi Ko mula sa tao?” Bakit hinihingi ng Diyos ang mga bagay na iyon nang maraming beses nang sunud-sunod? Kung gayon bakit Siya umiiyak sa sama ng loob? Walang napala ang Diyos sa mga tao, ang lahat lamang ng nakikita Niya ay ang gawa na kanilang kinukuha at pinipili. Bakit sinasabi ng Diyos, “habang nauuwi lang sa wala ang hinihingi Ko mula sa tao”? Tanungin ninyo ang inyong mga sarili: Mula simula hanggang huli, sino ang kayang gumawa ng gawain ng kanilang tungkulin nang walang anumang pagpipilian? Sino ang hindi kikilos nang ayon sa “mga damdamin sa kanilang mga puso”? Nagbibigay ang mga tao ng kalayaan sa kanilang mga karakter, nangingisda sa loob ng tatlong araw at iniiwan ang mga lambat upang matuyo sa loob ng dalawang araw. Umiinit at lumalamig ang mga ito nang salitan: Kapag mainit ang mga ito, kaya ng mga ito na sirain ang lahat ng bagay sa mundo, at kapag malamig ang mga ito, kaya ng mga ito na pagyeluhin ang lahat ng mga tubig sa daigdig. Hindi ito ang “silbi” ng tao, ngunit ito ang pinakaangkop na pagkakatulad sa estado ng tao. Hindi ba ito totoo? Marahil mayroon Akong “mga pagkaintindi” sa tao, marahil sinisiraan Ko sila ng puri—ngunit gayunman, “Kung may katotohanan lalakaran mo ang buong mundo; kung wala ang katotohanan, wala kang mararating.” Kahit na isa itong talinghaga ng tao, sa tingin Ko nararapat itong gamitin dito. Hindi Ko sinasadyang pahintuin ang mga tao at itanggi ang kanilang mga ginagawa. Hayaan ninyong konsultahin Ko kayo ukol sa ilang mga tanong: Sino ang nakakakita sa gawa ng Diyos bilang ang gawa ng kanilang sariling tungkulin? Sino ang makapagsasabi, “Hangga’t kaya kong pasiyahin ang Diyos, ibibigay ko ang aking lahat”? Sino ang makapagsasabi, “Hindi alintana ang iba, gagawin ko ang lahat ng kinakailangan ng Diyos, at kahit pa gaano kahaba o kaikli ang gawain ng Diyos, marapat kong tuparin ang aking tungkulin; trabaho ng Diyos ang pagdadala ng Kanyang gawain sa katapusan, hindi ito isang bagay na iniisip ko”? Sino ang may kakayahan sa ganoong kaalaman? Hindi mahalaga ang inyong palagay—marahil mayroon kang mas mataas na mga kabatiran, kung saan Aking tinatanggap, inaamin Ko ang pagkatalo—ngunit dapat Kong sabihin sa inyo na isang tapat na puso na dalisay at marubdob ang nais ng Diyos, hindi ang puso ng isang lobo na walang utang na loob. Ano ang alam ninyo sa “pagtatawarang” ito? Mula simula hanggang huli, “nilalakbay na ninyo ang mundo.” Sa isang sandali kayo ay nasa “Kunming,” sa walang hanggan nitong batis, at sa isang kisapmata makararating na kayo sa malupit na lamig at nababalot ng niyebeng “Polong Timog.” Sino ang hindi na nakabalik pa sa kanilang mga sarili? Isang espiritu na “Walang pahinga hanggang kamatayan” ang hinihingi ng Diyos, ang nais Niya ay isa na siyang “hindi tatalikuran ng mga tao hanggang marating nila ang pader ng timog.” Natural, ang intensyon ng Diyos ay hindi para piliin ng mga tao ang maling daan, ngunit upang kupkupin ang ganoong espiritu. Kagaya ng sinasabi ng Diyos, “Kapag inihahambing Ko ang mga “regalo” na ibinigay nila sa Aking mga bagay, agad napapansin ng mga tao ang Aking kahalagahan, at saka lamang nila nakikita ang Aking kalakihan.” Paano maipaliliwanag ang mga salitang ito? Marahil, binibigyan ka ng kaunting kaalaman ng pagbabasa ng mga unang nabanggit na salita, dahil tinatanggal ng Diyos ang buong puso ng tao para sa paghihimay, sa anong oras na malaman ng mga tao ang mga salitang ito. Ngunit dahil sa malalim na kahulugan sa loob ng mga salita ng Diyos, nananatili ang mga taong hindi nalilinawan tungkol sa “lumang katawan,” dahil hindi sila nag-aral sa isang medikal na unibersidad, ni hindi sila mga arkeologo, at kaya nararamdaman nila na hindi kayang unawain ang bagong terminong ito—at doon lamang sila nagpadadaig nang bahagya. Dahil ang mga tao ay walang kapangyarihan sa harap ng lumang katawan; kahit na hindi ito tulad ng isang mabangis na halimaw, ni hindi nito kayang lipulin ang sangkatauhan gaya ng isang bombang atomiko, hindi nila alam kung ano ang gagawin dito, na para bang wala silang kapangyarihan. Ngunit sa Akin, mayroong mga paraan ng pakikitungo sa lumang katawan. Hindi kailanman gumagawa ng pagsisikap ang tao na mag-isip ng isang pangontra na siyang naghatid sa iba’t ibang uri ng kaibahan ng tao na madalas na nagpapakita sa Aking mga mata; kagaya ng sinabi ng Diyos: “Kapag ipinapakita Ko sa kanila ang Aking kabuuan, tinitingnan nila Ako nang may dilat na mga mata, nakatayo sa harapan Ko nang hindi gumagalaw, kagaya ng isang haliging asin. At kapag pinagmamasdan Ko ang kanilang kaibahan, nahihirapan Akong pigilan ang Aking sarili sa pagtawa. Dahil nagpaparamdam sila upang humingi ng mga bagay mula sa Akin, binibigyan Ko sila ng mga bagay na nasa Aking kamay, at hinahawakan nila ito sa kanilang dibdib, iniingatan ang mga ito kagaya ng isang bagong-silang na sanggol, isang gawi na kanilang ginagawa lang sa ilang sandali.” Hindi ba mga gawa ito ng lumang katawan? Dahil, ngayon, naiintindihan ng mga tao, bakit hindi sila tumatalikod, at bagkus ay nagpapatuloy pa? Sa katunayan, hindi kayang matamo ng tao ang isang bahagi ng mga kinakailangan ng Diyos, ngunit hindi pinakikinggan ng mga tao ang mga ito, dahil “hindi Ko kinakastigo nang magaan ang tao. Sa kadahilanang ito na palaging nabibigyan ang mga tao ng kalayaan na pamahalaan ang kanilang katawan. Hindi nila sinusunod ang Aking kalooban, ngunit hindi kailanman Ako nilinlang sa Aking hukuman” Hindi ba ito ang katayuan ng tao? Hindi sa sinasadya ng Diyos na maghanap ng mali, ngunit isa itong katotohanan—dapat bang ipaliwanag ito ng Diyos? Kagaya ng sinasabi ng Diyos, “Ito ay dahil ang pananampalataya ng mga tao ay labis na dakila na sila ay “kahanga-hanga.” Sa kadahilanang ito, sinusunod Ko ang mga pagsasaayos ng Diyos, at kaya hindi Ako masyadong nagsasabi ng patungkol dito; dahil sa pananampalaya ng mga tao, susunggaban Ko ito, ginagamit ang kanilang pananampalataya upang dulutan sila na isagawa ang kanilang tungkulin nang wala Ako na nagpapaalala sa kanila. Mali bang gawin ito? Hindi ba ito ang tiyak na kailangan ng Diyos? Marahil, sa sandaling marinig ang ganoong mga salita, maaaring makaramdam ng pagkasuya ang ilang mga tao—kaya magsasalita Ako tungkol sa ibang bagay, upang bigyan sila ng kaunting kalayaan. Kapag sumailalim na sa pagkastigo ang lahat ng mga napiling tao ng Diyos sa sansinukob, at kapag naituwid ang estado sa kaibuturan ng tao, palihim na magbubunyi ang mga tao sa kanilang mga puso, na para bang nakatakas sila sa kapighatian. Sa sandaling ito, hindi na mamimili ang mga tao para sa kanilang mga sarili, dahil ito mismo ang epekto na natamo sa panahon ng huling gawain ng Diyos. Sa Kanyang mga hakbang na nagpatuloy hanggang sa ngayon, sumailalim lahat ang mga anak ng Diyos at ang mga tao sa pagkastigo, at hindi rin makaliligtas ang mga Israelita sa yugtong ito, dahil nabahiran ang mga tao ng karumihan sa loob, at kaya dinadala ng Diyos ang lahat ng tao na pumasok sa dakilang tunawang hurno para sa pagpipino, na isang kinakailangan na daan. Sa sandaling lumampas ito, muling mabubuhay mula sa kamatayan ang mga tao, na siyang tiyak na naunang sinabi ng Diyos sa “Nagsasalita ang Pitong Espiritu.” Hindi na Ako magsalita pa ng tungkol dito, upang hindi na makagalit ng mga tao. Dahil ang gawain ng Diyos ay nakamamangha, dapat sa wakas ay matamo ang mga propesiya na winika ng bibig ng Diyos; kapag hinihiling ng Diyos na magsasalita na naman ang mga tao ukol sa kanilang mga pagkaintindi, labis silang namamangha, at kaya walang sinuman ang dapat na mag-alala o mabalisa. Kagaya ng sinabi Ko, “Sa lahat ng Aking gawain, kailanman ba’y mayroong isang hakbang na isinagawa ng mga kamay ng tao?” Nauunawaan mo ba ang diwa ng mga salitang ito?
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao