菜單

Abr 30, 2018

Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa


Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pagbalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga tao na kayang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga tao na hindi kayang tanggapin ang katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mayabang na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang tapos; bukod pa rito, huwag maging mapagwalang-bahala at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat man lang ninyong malaman na yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat maging mapagpakumbaba at mapitagan. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit minaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit walang-ingat na nagsasalita nang tapos o hinuhusgahan ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang kapwa. Kayong lahat ay dapat maging isang taong makatuwiran at tumatanggap sa katotohanan.”
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.

Abr 29, 2018

Awit ng Pagsamba | Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan

buhay, daan, Diyos, Langit, Pag-ibig




I
Balik sa pamilya ng Diyos, sabik at masaya.
Makilala Ka'y karangalan ko,
puso ko'y alay sa 'Yo tunay na Diyos,
ibinigay ko ang aking puso sa Iyo.
Lambak ng Luhang ma'y dinaanan, rikit ng Diyos kita.
Pag-ibig sa Diyos lumalago, galak ko'y galing Sa 'Yo.
Ganda ng Diyos, at likha Niya, puso'y kapit sa Kanya.
Pag-ibig ko sa Diyos di-sapat, awit sa puso ko'y umigkas.

Awit ng Papuri | Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan

 kaluwalhatian, katotohanan, Langit, maghanap, Papuri




 I
Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel
at inalis ito mula roon,
dala ang mga Israelita’t lahat ng tao sa Silangan.
Lahat sila’y inakay ng D’yos sa liwanag
nang sila’y muling magkasama’t makisama sa liwanag,
‘di na kailangang hanapin, hanapin ang liwanag.
Hahayaan ng Diyos ang lahat ng naghahanap
na makitang muli ang liwanag
at ang kaluwalhatian Niya sa Israel,
makita ang Diyos na bumaba sa puting ulap
sa gitna ng mga tao,
makita ang mga puting ulap, makita ang mga kumpol ng prutas,
makita si Jehova Diyos ng Israel, Diyos ng Israel,
makita ang Maestro ng mga Judio,
makita ang inaasam na Mesiyas,
at buong hitsura Niyang inusig ng mga hari sa buong panahon.

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Pagpapaliwanag sa Ikatatlumpu’t isang Pagbigkas

Ang Pagpapaliwanag sa Ikatatlumpu’t isang Pagbigkas

    Ang disposisyon ng Diyos ay tumatakbo sa lahat ng mga pagbigkas ng Diyos, ngunit ibinubunyag ng pangunahing hibla ng Kanyang mga salita ang paghihimagsik ng buong sangkatauhan at inilalantad ang mga bagay gaya ng kanilang pagsuway, pagsusuwail, kawalang-katarungan, kabuktutan, at kawalang-kakayahang tunay na mahalin ang Diyos. Ito ay tulad na, ang mga salita ng Diyos ay nakakarating sa punto na sinasabi Niya na ang bawat napakaliit na butas sa mga katawan ng tao ay nagtataglay ng pagsalungat sa Diyos, na kahit pati ang kanilang pinakamaliliit na ugat ay nagtataglay ng pagsuway sa Diyos. Kung hindi ito susubukang suriin ng mga tao, palagi silang mawawalan ng kakayahang malaman ang mga iyon, at hindi kailanman makakayanang itapon ang mga ito. Ibig sabihin, kakalat sa kanila ang mikrobyo ng pagtutol sa Diyos at sa huli, para bang nilamon ng kanilang mga puting mga selula ng dugo ang kanilang mga pulang mga selula ng dugo, iniiwan ang kanilang buong katawan na wala nang pulang mga selula ng dugo; sa huli, mamamatay sila mula sa lukemya. Ito ang tunay na estado ng tao, at walang sinuman ang makatatanggi nito. Ipinanganak sa bayan kung saan naninirahan nang nakapulupot ang dakilang pulang dragon, sa lahat ng mga tao mayroong kahit isang bagay na naglalarawan at nagpapakita ng kamandag ng dakilang pulang dragon. Kung gayon, sa yugtong ito ng gawain, ang pagkilala sa sarili ang pangunahing hibla sa lahat ng bahagi sa mga salita ng Diyos, pagtanggi sa sarili, pagtalikod sa sarili, at pagpatay sa sarili. Maaaring sabihin na ito ang pangunahing gawa noong mga huling araw, at ang saklaw na ito ng gawain ang pinakakomprehensibo at mabusisi sa lahat—na siyang nagpapakita na nagpaplano ang Diyos na dalhin ang kapanahunan sa isang katapusan. Walang sinuman ang inasahan ito, ngunit isa rin itong bagay na kanilang inasam sa kanilang mga pandama. Kahit hindi ito sinasabi ng Diyos nang masyadong tahasan, ang mga pandama ng mga tao ay labis na talamak—lagi nilang nararamdaman na maiksi ang panahon. Maaari kong sabihin na mas lalong nararamdaman ito ng isang tao, mas lalo siyang may isang malinaw na kaalaman sa kapanahunan. Hindi ito ang kaso na kanyang nakita na normal ang mundo, at sa gayon itinatanggi ang mga salita ng Diyos; sa halip, dahil sa mga paraan ng mga gawain ng Diyos, nalaman niya kung ano ang nilalaman sa loob ng gawain ng Diyos, na tinutukoy sa tono ng mga salita ng Diyos. Mayroong isang sikreto sa tono ng mga pagbigkas ng Diyos, na kung saan walang sinuman ang nakakadiskubre at tiyak din kung ano ang pinakamahirap para sa karamihan ng mga tao na pasukin. Ang pananatiling mangmang ng mga tao sa tono na siyang gamit ng Diyos sa pananalita ang suliranin kung bakit hindi kayang maunaawaan ng mga tao ang mga salita ng Diyos—at kapag nalaman na nila nang mabuti ang sikretong ito, kakayanin na nila ang ilang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Palaging sinusunod ng mga salita ng Diyos ang isang prinsipyo: ang dulutan ang mga tao na malaman na ang mga salita ng Diyos ay ang lahat-lahat, at nireresolba ang lahat ng mga paghihirap ng tao sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Mula sa perspektibo ng Espiritu, pinapasimple ng Diyos ang Kanyang mga gawa, mula sa perspektibo ng tao, inilalantad Niya ang mga pagkakaintindi ng mga tao, mula sa perspektibo ng Espiritu, sinasabi Niya na hindi mapag-intindi ang tao sa Kanyang kalooban, at mula sa perspektibo ng tao, sinasabi Niya na natikman na Niya ang matamis, maasim, mapait, at maanghang na mga lasa ng karanasan ng tao, na sa gitna ng hangin at ulan, nararanasan Niya ang pag-uusig ng pamilya, at nararanasan ang mga tagumpay at kabiguan ng buhay. Ang mga ito ang mga salitang sinabi mula sa iba’t ibang mga perspektibo. Kapag nakikipag-usap Siya sa sambayanan ng Diyos, para itong isang tagapangalaga ng bahay na pinagsasabihan ang mga alipin, o kagaya ng isang nakakatawang palabas; iniwan ng Kanyang mga salita na pulahang-mukha ang mga tao, na walang lugar upang mapagtaguan mula sa kahihiyan, na para bang naikulong sila ng mga pyudal na awtoridad upang magbigay ng isang kumpisal sa ilalim ng matinding pagpapahirap. Kapag nakikipag-usap Siya sa sambayanan ng Diyos, walang pigil ang Diyos kagaya ng mga nagpoprotestang mag-aaral sa unibersidad na nagsisiwalat ng mga eskandalo sa loob ng sentral na gobyerno. Kung mapanukso ang lahat ng mga salita ng Diyos, magiging mas mahirap ang mga ito upang tanggapin ng mga tao; kung gayon, prangkahan ang mga salitang sinabi ng Diyos, hindi sila naglalaman ng mga kodigong lihim para sa tao, ngunit ipinupunto nito nang direkta ang aktwal na estado ng tao—na siyang nagpapakita na hindi lamang mga salita ang pagmamahal ng Diyos sa tao, ngunit totoo. Kahit na pinahahalagahan ng mga tao ang pagiging totoo, walang totoo tungkol sa kanilang pagmamahal sa Diyos. Ito ang siyang kulang sa tao. Kung hindi totoo ang pagmamahal ng tao para sa Diyos, kung gayon, magiging walang saysay at hindi makatotohanan ang kabuuan ng lahat, na para bang maglalaho ang lahat dahil dito. Kung malalampasan ng kanilang pag-ibig para sa Diyos ang mga sansinukob, kung gayon, ganoon din ang kanilang estado at pagkakakilanlan, at kahit ang mga salitang ito, magiging tunay, at hindi hungkag—nakikita mo ba ito? Nakikita mo ba ang mga kinakailangan ng Diyos para sa tao? Hindi dapat tamasahin lamang ng tao ang mga biyaya ng katayuan, ngunit isabuhay ang realidad ng katayuan. Ito ang hinihingi ng Diyos sa sambayanan ng Diyos, at ang lahat ng sa tao, at hindi isang malaking hungkag na teorya.

Abr 28, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay Ngang Dumating ang Diyos sa Gitna ng Mga Tao


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay Ngang Dumating ang Diyos sa Gitna ng Mga Tao


Dinadala ng Diyos ang wakas ng sangkatauhan sa mundo ng tao.
Pagkatapos, nilalantad N’ya Kanyang buong disposisyon,
upang lahat ng taong nakakakilala at hindi sa Diyos
masisiyahang tititigan at nakikita na pumaparito ang Diyos
sa kalagitnaan ng mga tao,
sa lupa kung sa’n lahat ng bagay lumalago.
Ito ang plano ng Diyos.
Ito ang tangi Niyang “pahayag” mula nang nilalang niya ang tao.
Nais ng Diyos na
buong-puso niyong pagmasdan ang bawat kilos Niya,
dahil tungkod Niya’y nalalapit na naman sa sangkatauhan.
Lumalapit ito sa sangkatauhang tumututol sa Kanya.

Abr 27, 2018

Salita ng Diyos | Pakahulugan sa Ikatatlumpung Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikatatlumpung Pagbigkas

    May mga tao na maaaring mayroong kaunting pananaw sa mga salita ng Diyos, subali’t walang sinuman sa kanila ang nagtitiwala sa kanilang mga damdamin; sila ay lubhang natatakot na mahulog sa pagkanegatibo. Sa gayon, sila ay palaging halinhinan sa pag-itan ng galak at lungkot. Patas na sabihing ang mga buhay ng lahat ng mga tao ay puno ng dalamhati; sa kasunod pang hakbang dito, mayroong pagpipino sa pang-araw-araw na buhay ng lahat ng mga tao, gayunman masasabi Ko na walang sinuman ang nakatatamo ng anumang pagpapalaya sa kanilang mga espiritu bawa’t araw, at ito ay para bang may tatlong malalaking bundok ang dumadagan sa kanilang mga ulo. Walang isa man sa kanilang mga buhay ang masaya at nagagalak sa lahat ng sandali—at kahit na kapag medyo masaya sila, pinipilit lamang nilang nagpapakasaya ang kanilang mga itsura. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay palaging may pakiramdam na parang may di-tapos. Sa gayon, hindi sila matatag sa kanilang mga puso; sa buhay, ang mga bagay-bagay ay tila walang laman at hindi-patas, at pagdating sa paniniwala sa Diyos, sila ay abálá at kulang sa panahon, o kaya ay wala silang panahon para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o hindi kayang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Walang isa man sa kanila ang mapayapa, at malinaw, at matatag sa kanilang mga puso. Para bang sila ay nahirati na sa pamumuhay sa ilalim ng nalalambungang kalangitan, na para bang namumuhay sila sa isang kalawakang walang oksidyen, at humantong ito sa kalituhan sa kanilang mga buhay. Ang Diyos ay laging nagsasalita nang diretso sa mga kahinaan ng mga tao, lagi Niya silang sinasaktan sa kanilang sakong ni Akiles—hindi mo ba malinaw na nakita ang tono ng Kanyang pagsasalita sa kabuuan? Kailanman ay hindi binigyan ng Diyos ang mga tao ng pagkakataong magsisi, at ginagawa Niya ang lahat ng mga tao na mamuhay sa “buwan” nang walang oksidyen. Mula sa simula hanggang ngayon, ang pang-ibabaw ng mga salita ng Diyos ay naglantad ng kalikasan ng tao, gayunman ay walang sinuman ang malinaw na nakakita sa nilalaman ng mga salitang ito. Lumilitaw na sa pamamagitan ng paglalantad sa kakanyahan ng tao, ang mga tao ay dumarating sa pagkakilala sa kanilang mga sarili at sa gayon ay dumarating sa pagkakilala sa Diyos, gayunman ay hindi ito ang landas sa nilalaman. Ang tono at higit na kalaliman ng mga salita ng Diyos ay nagpapakita ng malinaw na pagkakaiba sa pag-itan ng Diyos at tao. Sa kanilang mga damdamin, ginagawa nito ang mga tao na maniwala nang hindi namamalayan na ang Diyos ay hindi kayang maabot at hindi kayang malápítan; dinadala ng Diyos ang lahat sa lantad, at tila walang sinuman ang kayang magbalik ng kaugnayan sa pag-itan ng Diyos at tao sa kung paano ito dati. Hindi mahirap makita na ang layunin ng lahat ng mga pagbigkas ng Diyos ay upang gamitin ang mga salita upang pabagsakin ang lahat ng mga tao, sa pamamagitan niyon ay natutupad ang Kanyang gawain. Ito ay isang hakbang ng gawain ng Diyos. Gayunman ay hindi ito ang pinaniniwalaan ng mga tao sa kanilang mga isipan. Sila ay naniniwala na lumalapit na ang gawain ng Diyos sa kasukdulan nito, na lumalapit na ito sa pinaka-nababatid na epekto upang sa gayon ay malupig ang malaking pulang dragon, na ang ibig sabihin, ginagawa ang mga iglesia na sumusulong, at walang sinuman ang nagkakaroon ng mga pagkaintindi tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao, o kaya ang lahat ng mga tao na nakakakilala sa Diyos. Gayunman basahin natin kung ano ang sinasabi ng Diyos: “Sa isipan ng mga tao, ang Diyos ay Diyos, at hindi madaling pakisamahan, habang ang tao ay tao, at hindi dapat madaling maging salaula … at bilang resulta, palagi silang mababa at matiyaga sa harap Ko; hindi nila kayang maging tugma sa Akin, sapagka’t masyado silang maraming mga pagkaintindi.” Mula rito ay nakikita na, hindi alintana kung ano ang sinasabi ng Diyos o kung ano ang ginagawa ng tao, ang mga tao ay lubos na walang kakayahan sa pagkilala sa Diyos; dahil sa papel na ginagampanan ng kanilang kakanyahan, kung anuman, sila ay, sa pagtatapos ng maghapon, walang kakayahang kilalanin ang Diyos. Sa gayon, ang gawain ng Diyos ay magtatapos kapag nakita ng mga tao ang kanilang mga sarili bilang ang mga anak-na-lalaki ng impiyerno. Walang pangangailangan para sa Diyos na pawalan ang Kanyang poot sa mga tao, o usigin sila nang tuwiran, o sukdulang hatulan sila ng kamatayan upang tapusin ang Kanyang buong pamamahala. Sumasatsat lamang Siya ayon sa Kanyang kakanyahan, na parang ang pagtatapos ng Kanyang gawain ay nagkataon lamang, isang bagay na natupad sa Kanyang ekstrang panahon nang wala ni katiting na pagsisikap. Mula sa labas, tila mayroong kaunting pag-aapura sa gawain ng Diyos—gayunman hindi nakágáwâ ng anuman ang Diyos, wala Siyang ginagawa kundi magsalita. Ang gawain sa gitna ng mga iglesia ay hindi kasing-laki ng sa mga nakaraang panahon: ang Diyos ay hindi nagdaragdag ng mga tao, o nagpapaalis sa kanila, o inilalantad sila—ang ganoong gawain ay napaka-karaniwan. Tila ang Diyos ay walang iniisip na gawin ang ganoong gawain. Nagsasalita lamang Siya ng kaunti ng kung ano ang dapat, kung saan pagkatapos ay tumatalikod Siya at nawawala nang walang bakas—na, natural, ay ang tagpo ng pagtatapos ng Kanyang mga pagbigkas. At kapag dumarating ang sandaling ito, lahat ng mga tao ay gigising mula sa kanilang pagtulog. Ang sangkatauhan ay nakatulog sa loob ng libu-libong taon, siya ay mahimbing na mahimbing sa buong panahon. At sa loob ng maraming taon, ang mga tao ay nagmamadaling parito at paroon sa kanilang mga panaginip, at humihiyaw pa sila sa kanilang mga panaginip, hindi kayang magsalita tungkol sa kawalang-katarungan sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Sa gayon, sila ay “nakakaramdam ng bahagyang kalungkutan sa kanilang mga puso”—nguni’t kapag sila ay nagising, matutuklasan nila ang tutoong mga katunayan, at mapapasigaw: “Ganito pala ang nangyayari!” Kaya sinasabi na “Ngayon, karamihan sa mga tao ay tulóg na tulóg pa rin. Saka lamang kapag tumutunog ang pangkahariang awitin sila nagmumulat ng kanilang inaantok na mga mata at nakakaramdam ng bahagyang kalungkutan sa kanilang mga puso.”

Tagalog Christian Movie 2018 | Anak, Umuwi Ka Na! (Trailer)


Tagalog Christian Movie 2018 | Anak, Umuwi Ka Na! (Trailer)


Isang mag-aaral ng senior high school si Li Xinguang. Isa siyang makatwiran at matinong bata simula pa noong maliit siya. Paborito siya ng kanyang mga magulang at guro. Nang tumuntong na siya sa middle school, nahumaling siya sa mga internet computer game. Madalas siyang lumiliban sa klase upang makapunta sa internet cafe. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat upang makalaya siya sa adiksyon ng internet. Sa kasamaang palad, lumala nang lumala ang adiksyon ni Li Xinguang. Nawalan siya ng gana at dahan-dahang naging delinkwente. … Nang malapit nang mawalan ng pag-asa ang mga magulang ni Li Xinguang, nalaman nilang kayang iligtas ng Diyos ang mga tao, kayang tulungang makalaya sa kanilang adiksyon sa internet at makawala sa paninira ni Satanas. Dahil dito, nagpasya silang maniwala sa Diyos at hinangad na maliligtas ng Diyos ang kanilang anak. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan nila ang pinagmumulan ng kasiraan at kabuktutan ng sangkatauhan. Nakita nila ang katotohanan sa likod ng kasamaan at kadiliman ng tao at naunawaan na tanging Diyos lang ang makapagliligtas sa tao at makapagpapalaya mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Kailangan lamang maniwala ni Xinguang sa Diyos at maunawaan ang katotohanan, at magagawa niyang lumaya sa kanyang adiksyon sa internet. Dahil dito, ipinalaganap nila ang ebanghelyo kay Xinguang at ginabayan si Xinguang basahin ang mga salita ng Diyos. Nagdasal sila sa Diyos at hiningi sa Kanyang iligtas ang kanilang anak at tulungan siyang makalaya sa kanyang adiksyon sa internet. … Pagkatapos ng isang laban, nagsimulang magdasal at magtiwala sa Diyos si Xinguang. Sa ilalim ng gabay ng mga salita ng Diyos, nagawa niyang makawala sa wakas sa kanyang adiksyon sa internet at pinalaya ang sarili mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Ang anak na dating wala nang pag-asa dahil sa mga internet game at internet cafe ay umuwi na sa wakas!
Rekomendasyon:Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?
Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan