菜單

Hun 10, 2020

Kailan Babalik ang Panginoong Jesus? Paano natin Siya Sasalubungin?

Ni Xinjie
Lumitaw na ang apat na mapulang buwan, at ang mga sakuna tulad ng mga lindol, taggutom, at mga epidemya ay mas nagiging karaniwan. Ang mga hula ng pagbabalik ng Panginoon ay talagang natupad na, at hayagan nang nagpatotoo online ang ilang tao na Siya ay dumating na. Naguguluhan ang ilang kapatid, dahil malinaw na nakasulat sa Biblia: “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang” (Mateo 24:36). Paano nila malalaman na nagbalik na ang Panginoon? Talaga bang nagbalik na Siya? Ano ang dapat nating gawin para masalubong Siya? Magbahaginan tayo tungkol sa tanong na ito.

Nguni’t Tungkol sa Araw at Oras na Yaon Walang Makakaalam”—Anong Ibig Sabihin Nito?

Naniniwala ang ilang kapatid, batay sa talatang ito ng Biblia, “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam,” na kapag nagbalik nga ang Panginoon, walang makakaalam. Ito ang dahilan kung bakit wala sa kanila ang naniniwala o nagsasaalang-alang sa mga sinasabi ng mga taong nagpapalaganap ng balita ng pagbabalik ng Panginoon. Ito ba ay talagang tamang pagkaunawa, o hindi? Naaayon ba ito sa kalooban ng Panginoon? Minsang inihula ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). Makikita natin mula sa mga talatang ito ng banal na kasulatan na pagkatapos bumalik ng Panginoon sa mga huling araw, kakatok Siya sa ating pintuan gamit ang Kanyang mga salita, at palalabasin pa tayo upang batiin Siya sa pamamagitan ng isang sigaw ng tao na, “narito ang kasintahang lalaki.” Dahil mayroong mga taong ibinabalita sa atin ang pagbabalik ng Panginoon, ipinapakita nito na kapag dumating Siya, tiyak na ipaaalam Niya sa mga tao. Malinaw na ang pag-unawa sa “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam” bilang walang sinumang makakaalam sa pagdating ng Panginoon pagkatapos mangyari ito ay ganap na mali.

Kaya paano natin talaga dapat intindihin ang siping ito ng banal na kasulatan? Maaari nating pag-ugnay-ugnayin ang mga talatang ito: “Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw; Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya’y malapit na, nasa mga pintuan nga. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito. Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa’t ang aking mga salita ay hindi lilipas. Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang” (Mateo 24:32–36). “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip” (Mateo 24:44). At sinasabi sa Pahayag 3:3, “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.” Gumagamit ang mga siping ito ng mga tanda ng pagbabalik ng Panginoon upang sabihin sa atin. Binabanggit ng mga ito na “paririto ang Anak ng tao” at “gaya ng magnanakaw.” Ang “Anak ng tao” ay talagang tumutukoy sa Diyos na nagkatawang-tao; ang espirituwal na katawan ay hindi matatawag na Anak ng tao. Isang tao lamang na tulad ng Panginoong Jesus—ang Espiritu ng Diyos na nakasuot ng katawang-tao, na dumating kasama ng mga tao upang gumawa ng napakapraktikal na gawain, na nagtataglay ng normal na katauhan—ang maaaring tawaging Anak ng tao. Ang “gaya ng magnanakaw” ay nangangahulugan na pagdating nang patago at palihim. Maliwanag mula rito na ang pagbabalik ng Panginoon ay kinapapalooban ng lihim na pagbaba sa katawang-tao bilang Anak ng tao. Dahil bumababa Siya nang lihim, hindi natin Siya madaling mapapansin, sapagkat ang araw at oras ng pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay hindi alam ng lahat. Ang ibig sabihin, ang “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam,” ay nangangahulugan na walang nakakaalam ng eksaktong oras ng pagbabalik ng Panginoon. Gayunpaman, pagkatapos na Siya ay dumating upang magsalita at gumawa ng gawain, tiyak na magkakaroon ng ilang tao na nakakaalam nito, at ito ang panahon kung kailan tayo dapat magising. Kapag naririnig natin ang mga tao na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon, dapat tayong maghanap at magsiyasat; saka lang natin masasalubong ang Panginoon at hahapong kasalo Niya. Subalit, sa ngayon, hindi lamang tayo hindi gising, hindi pa tayo naghahanap o nagsisiyasat kapag naririnig natin ang iba na nagpapalaganap ng balita ng pagbabalik ng Panginoon. Dahil dito, hindi ba tayo nagkamali ng pag-unawa sa kalooban ng Panginoon? Basahin natin ang ilan pang sipi ng mga salita ng Diyos, at magtatamo tayo ng pag-unawa sa mga siping ito ng banal na kasulatan.

Sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa pagsapit ng bukang-liwayway, hindi nalalaman ng sinuman, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa katawang-tao. Hindi alam ng mga tao ang sandaling ito. Siguro lahat sila ay mahimbing na natutulog, marahil maraming nagbabantay na gising ang naghihintay, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayunman sa gitna ng lahat nitong maraming tao, wala ni isang nakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa” (“Gawain at Pagpasok (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Sa simula, nang hindi pa nasisimulan ni Jesus ang opisyal na pagsasagawa ng Kanyang ministeryo, katulad ng mga disipulong sumunod sa kanya, minsan ay dumalo rin Siya sa mga pagtitipon, at umawit ng mga himno, nagbigay ng papuri, at binasa ang Lumang Tipan sa templo. Matapos Siyang mabautismuhan at umahon, ang Espiritu ay opisyal na bumaba sa Kanya at nagsimulang gumawa, ibinubunyag ang Kanyang pagkakakilanlan at ang ministeryo na isasagawa Niya. Bago ito, walang nakakaalam sa Kanyang pagkakakilanlan, at maliban kay Maria, maging si Juan ay hindi rin ito alam. Si Jesus ay 29 nang Siya ay sumailalim sa bautismo. Nang matapos ang Kanyang bautismo, nagbukas ang kalangitan, at isang tinig ang nagsabi: ‘Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.’ Nang nabautismuhan si Jesus, nagsimulang magpatotoo ang Banal na Espiritu sa Kanya sa ganitong paraan. Bago Siya sumailalim sa bautismo sa gulang na 29, namuhay Siya na parang isang karaniwang tao, kinakain kung ano ang dapat Niyang kainin, normal na natutulog at nagbibihis, at walang anuman sa Kanya ang iba mula sa ibang tao. Siyempre, ito ay para lang sa mga makalamang paningin ng tao. … Hindi naitala sa Biblia ang Kanyang ginawa bago Siya sumailalim sa bautismo dahil hindi Niya isinagawa ang gawaing ito bago Siya bautismuhan. Isa lang Siyang karaniwang tao, at kumatawan sa isang karaniwang tao; bago sinimulan ni Jesus na isagawa ang Kanyang ministeryo, wala Siyang ipinagkaiba mula sa mga karaniwang tao, at ang iba ay walang makikitang pagkakaiba sa Kanya. Nang si Jesus ay tumuntong sa gulang na 29 lamang na nalaman Niyang naisakatuparan na Niya ang isang yugto sa gawain ng Diyos; bago noon, Siya Mismo ay hindi alam, dahil ang gawaing isinagawa ng Diyos ay hindi higit sa karaniwan” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Makikita natin mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na walang nakakaalam kung kailan bababa ang Diyos sa mundo bilang nagkatawang-taong laman; kahit ang Anak ng tao ay hindi ito alam. Tanging ang Espiritu sa langit ang nakakaalam nito. Gayunpaman, kapag sinimulang gawin ng Diyos ang Kanyang gawain, ang Banal na Espiritu ay magpapatotoo sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, at pagkatapos ay gagamitin ang mga tagasunod ng Diyos upang ipalaganap ang ebanghelyo; pagkatapos ay unti-unting malalaman ito ng mga tao. Katulad ito noong sa simula, ginamit ng Diyos na si Jehova ang isang propeta upang ihula ang pagdating ng Mesiyas, ngunit kung kailan o saan darating ang Mesiyas, tanging ang Diyos na si Jehova ang may alam. Nang bumalik ang Panginoong Jesus sa katawang-tao upang gumawa, maging Siya Mismo ay hindi alam noong una na Siya ang Mesiyas, na Siya ay naparito upang gawin ang gawain ng pagtubos. Namuhay Siya ng isang normal na buhay tulad ng isang karaniwang tao. Hindi rin alam ng ibang tao na ang Panginoong Jesus ay si Cristo, ang nagkatawang-taong Diyos Mismo. Matapos mabautismuhan ang Panginoong Jesus, sinimulan ng Banal na Espiritu na magpatotoo sa Kanya at sinimulan ng Panginoong Jesus na ipahayag ang daan para sa pagsisisi ng tao, magpakita ng mga tanda at kababalaghan ng Diyos, at pagalingin ang mga maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Unti-unting nakilala ng ilang tao na ang Panginoong Jesus ang Mesiyas. Ang mga unang tumanggap ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, tulad nina Pedro at Juan, ay nagsimulang maglakbay sa lahat ng dako, ipinapalaganap ang ebanghelyo ng Panginoon. Ang pagliligtas ng Panginoon ay sa gayon nakilala ng parami nang paraming tao. At ito ay naipasa sa iba’t ibang kapanahunan hanggang sa kasalukuyang panahon. Ngayon mayroon nang mga mananampalataya sa bawat bahagi ng mundo.

Inihula rin ng Panginoong Jesus ang mga ito para sa mga huling araw: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). At nakatala sa Biblia: “Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan” (Juan 17:17). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). Pagbalik ng Panginoon, magpapahayag Siya ng mga katotohanan na mas marami at mas mataas kaysa noong Kapanahunan ng Biyaya, alinsunod sa ating tayog. Hinahatulan at nililinis Niya tayo gamit ang Kanyang mga salita upang makawala tayo sa mga gapos ng kasalanan at sa gayon ay madalisay at mabago. Kaya pagbalik ng Panginoon sa mga huling araw upang magpakita at gumawa, tiyak na may ilan na maririnig ang tinig ng Diyos at tatanggapin ang Kanyang gawain, at pagkatapos ay maglalakbay sa apat na sulok upang ipalaganap ang mabuting balita ng pagbabalik ng Panginoon. Katulad ito noong una tayong nagtamo ng pananampalataya sa Panginoon; tinanggap lamang natin ito matapos marinig ang iba na ipalaganap ang ebanghelyo ng pagpapako sa krus. Katulad ng nakasulat sa Biblia, “Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo” (Roma 10:17).

Samakatuwid, kapag naririnig natin ang balita ng pagbabalik ng Panginoon, talagang hindi natin dapat basta tanggihan ito; dapat tayong maghanap nang may bukas na kaisipan, tanungin ang mga nagpapalaganap ng ebanghelyo kung anong gawain ang nagawa na ng Panginoon mula nang makabalik, at kung anong mga salita ang Kanyang binigkas. Kung umaayon ang mga patotoo nila sa mga propesiya ng Panginoon, patunay ito na nagbalik na nga Siya upang magpakita at gumawa, at sa pamamagitan ng pagtanggap at pagpapasakop ay sasalubungin natin ang Panginoon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap ng mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang ‘Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.’ At kaya, ang maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, hindi sila naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo pang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali!” (“Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa buong mundo, tanging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang hayagang nagpapatotoo na nagbalik na ang Panginoon—iyon ay, si Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay nagpahayag na ng maraming katotohanan at nagawa na ang gawain ng paghatol at paglilinis ng mga tao. Ang karamihan sa mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos ay nakatala sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Naipaliwanag na ng mga salita ng Diyos ang bawat aspeto ng katotohanan. Malinaw na ipinapaliwanag ng mga ito ang mga hiwaga ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang mga natatagong katotohanan ng Biblia, ang layunin ng anim na libong taong plano ng pamamahala para sa sangkatauhan, ang mga pagkakaiba sa pagitan ng Kanyang gawain at ng gawain ng tao, pati na rin kung paano hinahatulan at nililinis ng Diyos ang mga tao, kung paano dapat makilala ng mga tao ang Diyos, kung paano tinutukoy ng Diyos ang kalalabasan at hantungan ng bawat tao, at iba pa. May kaugnayan ang lahat ng katotohanang ito sa sariling gawain ng Diyos; lahat ng mga ito ay mga misteryo na malinaw na itinuturo ang landas sa kaligtasan para sa atin. Dapat tayong lumahok sa paghahanap upang makita kung ito nga ba talaga ang Banal na Espiritu na nangungusap sa mga iglesia, at kung ito nga ba talaga ang Diyos sa mga huling araw na gumagawa ng Kanyang gawain ng paghatol magmula sa Kanyang tahanan. Ganito natin matitiyak kung ang Makapangyarihang Diyos ay talagang ang nagbalik na Panginoong Jesus. Naniniwala ako na hangga’t mayroon tayong paghahangad na maghanap, papatnubayan tayo ng Diyos na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon! Ito ay sapagkat, tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit” (Mateo 5:3).
_______________________________________________

Alam mo ba kung kailan babalik si Jesus? Dadalhin sa iyo ng pahinang ito ang balita ng pagbabalik ni Jesucristo at gagabayan ka upang masalubong Siya.