Ang salitang “pahinga” ay literal na nangangahulugang mag-relaks sa kapayapaan; ipinahihiwatig din nito ang pagluluksa ng mga tao para sa mga patay. Sa Biblia, ang salitang “pahinga” ay lumilitaw nang dalawang daang beses. Kaya, ano nga ba ang kahulugan ng “pahinga” sa Biblia?
Ang salitang “pahinga” ay unang lumitaw sa Aklat ng Genesis 2:1-3: “At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon. At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa; at nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa. At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka’t siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.” Alam ng lahat ng mga nagbabasa ng Biblia na nilikha ng Diyos na Jehova ang langit, lupa, dagat at lahat ng mga bagay sa kanila sa loob ng anim na araw, at sa ika-anim na araw ay nilalang Niya sina Adan at Eba sa Kanyang sariling larawan at ipinagkaloob sa kanila ang kapangyarihan ng pamamahala ng lahat ng bagay. Maaari silang makipag-usap sa Diyos at nanirahan sa isang maligayang buhay sa ilalim ng pag-aalaga at proteksyon ng Diyos. Iyon ang maginhawang buhay na mayroon ang sangkatauhan sa paninirahan sa Hardin ng Eden. Nang makita ng Diyos ang lahat ng Kanyang nilikha, ang Kanyang puso ay nagkamit ng kaginhawahan, kasiyahan at kaligayahan, at hininto Niya ang lahat ng Kanyang gawain at nagpahinga. Ito ay nagpapahiwatig na ang gawain ng paglikha ng Diyos ay dumating sa isang matagumpay na konklusyon. At ito ang kahulugan ng mga salitang “sapagka’t siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.”
Nang maglaon, dahil sa tukso ni Satanas, sinuway nina Adan at Eba ang utos ni Jehova at kinain ang bunga mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Kaya, pinalayas sila mula sa Hardin ng Eden. Simula noon, nawala sa kanila ang maginhawang buhay, at ang kamatayan ay dumating sa kanila. Gaya ng sinasabi ng Genesis 3:19: “Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: sapagka’t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.” At sinasabi ng Roma 5:12 says: “Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala.” Dahil sa panggugulo ni Satanas, ang sangkatauhan ay hindi magawang makamit ang kapahingahan, at ganoon din ang Diyos. Kaya’t sinimulan ng Diyos ang Kanyang anim-na-libong taong gawain ng pamamahala na ang layunin ay ganap na talunin si Satanas, ganap na nililigtas ang sangkatauhan, at ibinabalik tayo sa ating orihinal na pagkakahawig at mapayapang buhay sa Kanya.
Sa simula, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa gitna ng mga pinili ng Israel; sa pamamagitan ni Moises, itinakda Niya ang batas na dapat nilang sundin at itinakda din ang Araw ng pahinga para sa kanila, ang ikapitong araw ng Kanyang paglikha. Itinatala ng Biblia: “Sapagka’t sa anim na araw ay ginawa ni Jehova ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa’t pinagpala ni Jehova ang araw ng sabbath, at pinakabanal” (Exodo 20:11). “Anim na araw na gagawa: datapuwa’t sa ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, siyang banal na pagpupulong; anomang gawa ay huwag ninyong gagawin: isang sabbath ni Jehova sa lahat ng inyong tahanan” (Levitico 23:3). Sinusunod ang mga utos ni Jehova, tinigil ng mga Israelita ang lahat ng kanilang mga gawain at tinamasa ang pagpapahinga ng kanilang mga katawan sa Araw ng pahinga; naghandog sila ng mga sakripisyo kay Jehova at gumawa ng musika upang purihin Siya sa templo. Nakamit nila ang mga pagpapala ng Diyos na Jehova sapagkat hinirang nila Siya at sinunod ang Kanyang batas. Ito ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan, gaya ng nakatala sa Bagong Tipan.
Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, ang mga Israelita ay unti-unti nang hindi nagagawa ang mga batas, at sa huli ay nawala ang kanilang paggalang kay Jehova. Nakagawa sila ng napakaraming mga kasalanan na hindi na sapat ang mga handog sa kasalanan upang pagbayaran nila ang kanilang mga kasalanan. Sila ay puno ng kasalanan at hindi maaaring palayain ang kanilang mga sarili mula sa pamumuhay sa kasalanan. Sila ay puno ng kasalanan at hindi maaaring palayain ang kanilang mga sarili mula sa pamumuhay sa kasalanan. Kung sila ay patuloy na nagkasala nang ganoon, sila ay mahahatulan ng kamatayan sa huli dahil sa paglabag sa batas, na hindi layunin ng Diyos noong nilikha Niya ang sangkatauhan. Kaya, bilang sagot sa mga pangangailangan ng masamang sangkatauhan, dinala ng Diyos sa sangkatauhan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa ilalim ng pangalan ni Jesus: Siya ay nagkatawang tao bilang Anak ng tao upang maglingkod bilang sakripisyong kordero, at ginawa Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos upang iligtas ang sangkatauhan mula sa batas.
Sinabi ng Panginoong Jesus: “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka’t ako’y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa” (Mateo 11:28-29). Mula nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus bilang handog sa kasalanan para sa atin, tayo ay nahiwalay sa ating mga kasalanan. Hangga’t naniniwala tayo at tinatanggap ang Panginoong Jesus bilang ating Tagapagligtas, mangumpisal at magsisi, tayo ay patatawarin sa ating mga kasalanan at magiging karapat-dapat na pumunta sa harapan ng Panginoong Jesus at manalangin sa Kanya. Tatamasahin natin ang napakaraming pagpapala, biyaya at espirituwal na kaaliwan na ipinagkaloob Niya, at makadarama ng tiwala at kapayapaan. Ito ang kapahingahang dala ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya.
Bagaman nakamit natin ang pagtubos ng Panginoong Jesus, pinatawad sa ating mga kasalanan, at tinatamasa ang kapayapaan at kagalakan na ipinagkaloob Niya, mayroong isang hindi maikakailang katotohanan ang nananatili: Ang ating tiwaling kalikasan ay umiiral pa rin, at ang ating makasalanang kalikasan ay malalim pa ring nakabaon sa loob natin, kaya madalas tayong nahihimok ni Satanas na gumawa ng mga kasalanan nang hindi sinasadya. Nabubuhay tayo sa ating pagkakasala sa araw at nangungumpisal sa gabi. Madalas din nating harapin ang lahat ng uri ng mga tukso at hindi magawang iwaksi ang mga kadena ng ating mga kasalanan, kaya nakakaranas pa rin tayo ng sakit at kalungkutan. Samakatuwid, upang ganap na iligtas tayo mula sa isang miserableng buhay na nakagapos sa mga kasalanan, at igiya tayo sa isang buhay na walang kalungkutan at pag-iyak (Tingnan ang Pahayag 21: 3-4), at pumasok sa pamamahinga kasama natin, ang Diyos sa mga huling araw ay kailangan pa ring gumawa ng isang yugto ng gawain ng paghatol at paglilinis. Gaya ng sinasabi ng mga propesiya sa Biblia: “At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka’t dumating ang panahon ng kaniyang paghatol” (Pahayag 14:7), at “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios?” (1 Pedro 4:17).
Kung ganoon, ano ang magiging buhay kapag pumasok sa kapahingahan ang Diyos kasama natin? Sinasabi ng Diyos: “Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong mga masasamang tao na sumapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng mga puwersang laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala; walang na ang kasamaan ni Satanas, ni mangyayari man ang anumang bagay na di-matuwid. Ang sangkatauhan ay mamumuhay nang normal sa lupa, at mamumuhay sila sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, ito ay mangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas at si Satanas ay nawasak na, na ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay lubusang natapos. Hindi na magpapatuloy sa paggawa ang Diyos sa gitna ng tao, at ang tao ay hindi na mamumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kaya, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at ang tao ay sabay na papasok sa kapahingahan.”
___________________________